"hoy yung nerd diyan pwede bang manahimik ka diyan, ang ingay mo kitang natutulog ako eh" ay letche talaga tong lalaking toh, walang ibang gawin kung hindi sirain yung araw ko.
"yung natutulog diyan sa pakakaalam ko classroom toh at hindi bahay kaya wala kang karapatan matulog dito" tsk, langya talaga tong lalaking toh epal sa buhay ko.
"sa pagkakaalam ko din naman kasi break ngayon kaya pwede ako matulog" sigaw niya pa.
"eh break naman pala eh edi pwede din ako mag-ingay" hmph.
"sorry miss, ikaw ba natamaan sa sinabi ko?" ay letche ka talaga.
"tss...sino pa bang ibang tso dito na tinatawag mong nerd?"
"sino nga ba?" sabay wink niya tapos ayun nag nap siya table niya.
ay langya talagang lalaki yun wala ng ibang ginawa kung hindi ang inisin ako, hobby niya ata yun eh. nga pala ako si lyka guzman isang nerd correction isang maganda at matalinong dyosa pala, grabe naman kasi naka-salamin lang ako kung maka-nerd naman wagas. tapos yung letcheng panget na epal kanina ay si kurt melendez, inaamin ko gwapo siya at crush ko siya pero dahil sa wengyang ugali na yan naiinis ako sa kanya.
ewan ko ba ang lakas ng trip ng panget nayun konting galaw ko pinapansin, walang oras na sinasayang para bwisitin ako. minsan kumakain lang ako ng pagkain ko sa canteen namin tapos bigla na siyang mag-paparinig "yung nerd diyan tumataba na" oh diba letche talaga mukhang .
gumising na yung ugok bago dumating yung teacher namin. tumayo siya at lumipat ng upuan sa.....tabi ko!? "hoy ikaw na ugok ka ano gusto mo at dyan ka umupo?"
"sa gwapo kong toh ugok ang itatawag mo sakin? at saka pake mo ba uuan mo toh? di naman ah so uupo ako dito at no choice ka nalang kung hindi tumani sa akin."
"wala naman akong pake kung san ka uupo basta yung malayo sa akin, ayokong tumabi sayo at baka kung ano pang virus ang meron ka" sabi ko habang nakataas yung kilay ko kaya napailing na lang siya.
"pakipot ka pa eh sa totoo ang saya mo kasi ako katabi mo, tsk tsk tsk" aba loko toh ahh kung ano ano pang sinasabi.
"baliw ka na ba? nasiraan ka na ata ng bait eh gusto mo dalin na kita sa mental?" sabi ko sa kanya kasi naman shock na shock ako dun sa sinabi niya, ako pakipot? hell no.
"oo baliw na ako, baliw na baliw sayo" huh? ang weird niya ngayon hala baka may maamang espirito na ang sumapi dito.
di ko na lang siya pinansin at baka kung ano pang sabihin niya at hindi ko na mapigilan ang sarili ko at maging violent na ako dito. nanahimik na din siya dun kasi dumating na yung teacher namin, sana wala namang gawin tinatamad ako eh. nag discuss lang si maam kaya nga lang nakakantok, alam ko matalino ako at mahilig mag-aral pero di ako mahilig making sa mga lullaby ng mga teahers.
sa wakas pagkatapos ng mga lullaby ng mga teachers namin uwian na. pumunta muna ako sa park, madala akong pumunta dito kasi maganda ang view dito at ang peaceful dito wala yung ugok na loko loko dito eh.
kumakain ako ng ice cream ng biglang nag-vibrate yung phone ko tinignan ko yung phone ko at may tumatawag na unregistered number. sino kaya toh?
"hello?" wala namang sumasagot eh, ano toh lokohan pranks ganon?
"hello?" pag uulit ko pero wala parin sumasagot from the other line. aish walang kwenta naman oh peaceful na eh tapos may epal na magpa-prank sakin leche naman, dinapuan siguro ako ng kamalasan dahil tumabi sakin kanina yung epal na ugok kanina.
"ay letche ka, kanina pa nag he-hello dito tapos walang sumasagot. ano toh lokohan? kung gusto mo mang-prank wag ako, nako kanina pa ako naiinis dahil sa epal na ugok na yun tapos dadagdag ka pa, ano ba naman tong araw na toh puro kamalasan. kung hindi ka sasagot papatayin ko na toh at pag nakita kong tumawag ka ulit dito sa cellphone ko lagot ka sakin. oh ano na di ka ba magsasalita? sus bahala ka nga diyan-" ie-end call ko na sana.
YOU ARE READING
HOY! NERD (one-shot)
Teen Fiction"hoy! nerd i love you" -credits to owner of the photo i used-
