"Oo nga naman Kathryn. Tsaka diba, bukod pa sa inyong apat, nambababae pa siya? Kathryn, wag mo nang hintayin na hiwalayan ka nya. Mas masakit pa yun kesa sa ginagawa nya ngayon sayo." Ate Kim.

"Eh mga Ate, alam nyo namang mahal ko siya diba? Kaya nga hindi ko magawang makipag-divorce sa kanya eh." This time, tumigil na ko sa pag-iiyak.

"Kathryn, wag ka ng magpaka-martyr." Ate Karen.

"No. Let me rephrase it. Martyr is underestimated word. TANGA ka na pag dating sa pagmamahal." Ate Kaye. Diniinan nya talaga yung pagkasabi ng 'Tanga'.

"Fine. Just give me one more month. After one month, KAPAG hindi pa siya nagbago, makikipag-divorce na ko sa kanya." Sabi ko na nakapagpa-aliwalas naman sa kanilang mukha.

I'm sorry, Daniel. But I have to do this.

~

[One week after]

Andito na ko sa bahay. Nasa garden ako ngayon habang nakaharap sa mga papeles sa may table. Anong klaseng papeles? Papeles sa trabaho ko siyempre. Bigla ko na namang naalala yung bonding naming pamilya. Kaya napangiti ako at mas lalong naganahan sa pagbasa at pagpirma ng mga papeles.

Busy ako sa pagpipirma sa mga papeles ng maramdaman kong may yumakap galing sa likod ko. Ayan na naman siya. Lagi siyang ganyan.

Para siyang bipolar. Ngayon, sweet siya tapos masaya siya na kasama ka niya. Pero, kukuha ka lang ng tubig, pag balik mo, cold na naman siya sayo. Kaya minsan, naiisip ko na magpaka-cold na lang din sa kaniya. Tutal, sanay naman na ko.

"DJ, ano ba yan? Pumasok ka na nga sa loob." Ako, trying to be cold to him.

"Babe naman eh. Pagbigyan mo na ko please? Minsan na nga lang tayo magkasama ng ganito eh." Siya using his sweet voice. Alam nya kasi na bibigay ako agad pag ginamit niya yon. But, not now.

"No," Mariing sabi ko.

"Babe please? Sige na. Wala na tayong alone time together eh." Siya habang sweet pa rin ang boses at nakayakap pa rin sa likod ko.

Unti-unti kong tinanggal ang mga braso nya na nakapulupot sa bewang ko.

"Can't you see? Andami kong ginagawa oh. Lagi ka na lang ganyan! Pag wala akong ginagawa, inaalila mo ko? Tapos pag andami ko ng ginagawa, saka mo ko iistorbohin? Pwede ba! Grow up! Tsaka kasalanan ko ba na wala na tayong so-called-'alone time together'? Eh sino ba kasi tong punyetang nag-asawa ng apat tapos hindi naman pala kayang panindigan?! Bwisit." Sigaw ko sa kanya. Mahal ko siya, pero mas mahal ko ang sarili ko.

"KASALANAN KO BA HA? KASALANAN KO BA NA MAAKIT AKO SA MGA PANG-AAKIT NA GINAWA AT GINAGAWA PARIN NILA SA AKIN NGAYON? HA?! TSAKA PWEDE BA! HINDI KITA INAALILA! MUKHA KA LANG KASI TALAGANG ALILA, YOU F*CKING SLUT!" With what he said, napatayo ako't napangiti. Yung ngiting mapakla. Yung sobrang pakla. Hindi ko na din napigilan kaya tuloy-tuloy umaagos ang mga luha ko habang nakangiti ako ng mapakla.

One Shot Collections [KathNiel]Where stories live. Discover now