The Four Wives

Začať od začiatku
                                    

"KKKKAAAATTTTHHHRRRRYYYYNNNN!!!!!! ANAAAAAAAAK!!!!!!!!" Sigaw ni mama kaya naman napatakip ako ng tenga dahil nag-echo sa buong bahay yung boses nya,

Naglabasan tuloy sila ate.

"KATHRYN!" Sabay sabay nilang sabi at ayan na nga. Nag-unahan silang tumakbo pababa ng hagdan tsaka niyakap ako na akala mo naman 10 years akong hindi nakita.

"Te-te-teka l-la-lan-lang. Hin-di a-ko ma-ka-hi-ngaaa....." Totoo yun. hirap na hirap akong huminga.

Pagkasabi ko nun, saka bigla silang nagtakbuhan. Si Ate Karen, kumuha ng tubig. Si Ate Kaye naman, kumuha ng pamaypay. Si Ate Kim, tinutok sa akin yung electric fan.

"Oh ano? Okay ka na ba?"/"Oh ito, tubig. Uminom ka muna."/"Teka ha? Ilalagay ko lang sa number 3" Sabay sabay nilang sabi. Kaya naman napatawa ako.

"HAHAHAHAHAHA! Mga ate talaga! Ang O-OA nyo ha!" Sabi ko ng tumatawa pa rin.

Napahinga naman sila ng maluwag.

"I'm Home!" Sigaw ni daddy. Kaya naman napatakbo ako sakanya at niyakap siya ng sobrang higpit.

"DAAAAAAADDDDDDDDDDDDDYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!" Napatawa naman silang lahat sa inasal ko.

"Tara, kain na tayo!" Kaya naman kumain na kami habang nagkukwentuhan.

~

[Evening]

Andito ako sa kwarto kasama sila ate.

"Bunso, may problema ba? Bakit ka nga pala naparito?" Sabi ni Ate Kim na sinang-ayunan naman nila Karen at Ate Kaye.

"Wala. Masama bang mamiss kayo?" Tanong ko.

"Bunso, kilala ka na namin kaya alam naming may problema ka." Ate Kaye.

"Oo nga! Tungkol nanaman ba to sa asawa mo?" tanong ni Ate Karen kaya napahagulgul naman ako bigla.

"Eh kasi mga ate, nakakainis lang na ako yung unang asawa pero ako pa yung tinuturing niyang bangko kapag lumalabas kaming lima. O kaya naman katulong kapag sabay-sabay kaming kumakain. Kumbaga, ako palagi yung 'nobody' sa buhay nya. Para akong alila nya." Kwento ko sa kanila.

"Sinusunod mo naman?" Ate Kim.

"Syempre, mahal ko eh." Sagot ko habang umiiyak pa rin. 

"Hayy. Yan na nga ba ang sinasabi ko." Ate Karen.

"Eh kung makipag-divorce ka na lang kaya? Tutal, tuwing umuuwi ka naman dito, lagi ka na lang nagsasabi samin ng problema mo. Tapos, paulit-ulit pa na iyan ang problema mo." Ate Kaye.

One Shot Collections [KathNiel]Where stories live. Discover now