Napangiti si Adie sa itsura ni Marco. Kaya naman pinagsalok niya ito ng kanin sa isang plato. Pinagbalat niya rin ito ng sugpo at inilagay sa isang plato. Hininayan niya narin ito ng isda. Malinis naman ang kamay niya kaya kapag nagreklamo nanaman ito ay susupalpalin niya na ito ng sipit ng alimango.

But she really appreciates his efforts.

-----

Hapong-hapo na si Marco. First time niyang manghuli ng isda at alimango. Hindi naman kasi siya sanay sa mga ganitong bagay. Mabilis siyang mairita. Hindi mahaba ang pasensya niya. Pero ng dahil kay Adie, pinagtiisan niya ang init at sa panghuli ng kakainin nila.


Nang mag-walk out si Adie sakanya, naguilty siya. Pero hindi niya alam kung para saan. Siguro dahil sa pagrereklamo niya? Siguro dahil sa siya pa ang nag-inarte gayong siya naman ang may pabor na hinihingi rito? O dahil siguro sa ayaw niya lang itong makitang magalit..



Nagulat siya ng biglang nagalit sakanya si Adie. He never seen her that mad and irritated. Alam niya na madalas siyang nakakainis, at alam niyang naiinis din naman sakanya si Adie dati pa pero ngayon lang nito hindi napigilang ipakita sakanya ang pagkainis at galit nito sakanya. And it made him uneasy.



"Kain na." rinig niyang sabi ni Adie sakanya kaya naman umayos na siya ng upo.


He was taken aback when he saw that Adie has already prepared his meal.



"Ako na ang naghimay ng isda at nagbalat ng sugpo. Malinis ang kamay ko ah."


Napangiti si Marco ng mabilis na dinepensahan ni Adie ang sarili. Naghugas narin siya ng kamay sa may gripo sa gilid ng kubo at nagsimula ng kainin ang sugpong binalatan ni Adie at sinamahan ng manggang hilaw at kanin.

Tahimik lang sila ni Adie habang nilalantakan ang mga pagkain sa harap nila. Totoo nga na kapag gutom na gutom ka na, wala kang makikita sa paligid mo kundi pagkain lang.

"Ang sarap talaga! Hay!" sabi niya matapos maghugas ng kamay at umupo ulit sa tabi ni Adie.



"Alam mo ba kung bakit kita dito dinala?" biglang tanong sakanya ni Adie.



"Para pahirapan ako?" biro niya na ikinatawa nilang pareho.



"Nahirapan ka ba?" tanong nito sakanya kaya naman tumango siya bilang sagot dahil totoo namang nahirapan siya.


Ngumiti si Adie sakanya bago nagsalita. "Yun ang gusto kong maramdaman mo." nakangiting sabi niya pero hindi nagbibiro.



"Sabi na nga ba may hidden grudge ka sa'kin." Biro niya ulit rito pero akala niya tatawa ito pero nanatiling nakangiti lang si Adie sakanya at hindi nagsalita. "Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.



Tumango naman ito. "Hindi ba sabi mo masarap yung mga pagkain?" tanong ulit nito kaya naman tumango ulit siya. "Sa tingin mo bakit masarap yung pagkain?"


"Kasi masarap magluto yung mga kusinero?" hindi niya siguradong sagot. Hindi niya kasi alam kung saan patungo ang usapan nila.



"Mali ka."


"Sige nga, kung mali ako ano ang sagot sa tanong mo? Bakit masarap ang pagkain kanina?" balik tanong niya rito.



"Kasi alam mo sa sarili mo na pinaghirapan mong hulihin ang mga iyon,hindi ba? Alam mo ba iyong feeling na naging masaya ka sa isang bagay dahil alam mong pinaghirapan mong makamit iyon? Iyong feeling na dugo't pawis ang pinuhunan mo para lang makuha ang isang bagay.. Iyon ang gusto kong maramdaman mo Marco."


"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong niya rito.


"This is my way to help you. Hindi mo ba napapansin na ang mga compositions mo ay pumapalya na? No offense meant ha, pero sa nakikita ko sa mga compositions mo feeling ko minadali. Yung iba walang sense, yung iba mismatch ang lyrics sa melody.. may problema ka ba?"


His jaw clenched while hearing what Adie's saying. "Ang dami mo naman atang alam, Adie."


"Huwag mong personalin Marco. I'm just stating my observations."


"Masyado kang observant."



"Stop being sarcastic!" sita nito sakanya.



"Then stop saying shit with how I work! There's nothing wrong in my compositions!"


Anger just flared in him. He stood up and walked passed by Adie pero napatigil siya ng muli itong magsalita.



"Then why the hell did you ask for my help anyway? Ano ito? Gaguhan? Trip mo lang sirain ang Sunday ko? Kasi Marco, tignan mo ha?! Nandito ako, para tulungan ka. Handa akong makinig sa'yo kung may problema ka man. You're shutting your doors to people who wants to help you and that's not good.."


-------

VOTE AND COMMENT!

FOLLOW ME @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

A Love to Report [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon