Chapter 2: My Beau

Magsimula sa umpisa
                                    

Trixie POV

Hinayaan ko na muna si Besh na magbayad dun sa mga pinamili namin libre ko na lang siya mamaya ng lunch. Tumuloy na ako dito sa romance section ng mga books. This year lang ako nahilig magbabasa ng mga ganitong type ng libro yung romance, non-fiction, novels, basta, wala lang. Para siguro meron naman akong mapagtuunan ng attensyon alam niyo na, sabi nila the best way to mend your broken heart is to keep yourself busy.

"I love you. I am who I am because of you. You are every reason, every hope, and every dream I've ever had, and no matter what happens to us in the future, everyday we are together is the greatest day of my life. I will always be yours. "

                                                                         -The Notebook, Nicholas Sparks

Sh*t lang! Here I am again! Ano ba! It's been a year, why am I still acting like it just happened yesterday. A simple line from a famous book then BOOM ibang klase yung effect sa akin! Bakit siya parin yung naiisip ko? Bakit ba hindi ko magawang kalimutan yung lalake na yun? Ano bang meron sa kanya at kahit wala na siya eh ganito parin kalakas yung kapit niya sa akin. Nakakainis naman oh!

"Oh, panyo!"

"Ah, Thanks." 

Sabi ko sabay kuha ng panyo niya pero hindi parin ako tumitingin, hehe. Nako, lagot ako kay Mommy, sabi pa naman niya "Don't talk to strangers." 

"Ano ba yan, Coleen. Hanggang ngayon ba iyakin ka parin ha?"

Huh? Sino ba ito at bakit niya ako kilala? Tska ano bang pake alam niya kung umiyak ako, pinahiram lang ng panyo tapos sasabihan kana ng kung anu-ano! Tsss, pagkatapos ko punasan yung luha ko tumingin na ako dun sa lalake sa tabi ko. And to my surprise.

"KUUUUUUUUUUUUURTT!!!! My gadh! I missed you so much!!!!!!! Ikaw na ba talaga yan ha??? It's been so long!! Grabe BEAU!  (A/N: Beau: Boh) Sobrang gumwapo ka ata ah!!! Nako, sana pala hindi na lang kita pinakawalan nun!"

Sabay gulo ng buhok niya. Grabe sobrang gwapo na ngayon ni Beau! Haha!! Beau ibig sabihin boyfriend, lover, love, sweetheart. Wala term of endearment lang namin yun sobrang close kasi kami nito ni Kurt eh. Siya lang yung lalaking close ko.

"Tssss. Beau ka diyan"

"Opo, sige na po. Hindi na. Kelan ka pa dumating tska sabi mo hindi kana babalik dito? Ano ba yung dahilan at nandito ka beau? Hehe"

 "Ang dami mo naman tanong! Pwede bang maging masaya ka na lang na nandito na ulit ako ha Beau? Pero ang totoo nito kaya ako bumalik para---------"

"Hoy! Trixie Coleen Araneta Chavez. Hindi ka pa ba tap----"

"Ano ba besh! Pwedeng wag sumigaw?"

"OMG!!! Kuya Kurt!!!! Waaah! Kelan ka ba bumalik dito ha??? Saan yung pasalubong ko? Grabe Kuya sobrang pogi mo na!! Nako, dapat kasi ikaw--------"

"Hoy! Ashley Alliya Perez, pwede ba? Mamaya na yang daldal kumain na muna tayo at nagugutom na ako."

Pagpigil ko sa kanya, nako, mahirap na baka kung ano pa nung masabi nitong madaldal kong bestfriend. Hehe.

"Mabuti pa nga, gutom na rin ako. Tska para makalimutan ko yung lalaking nakabunggo

sakin kanina. Antipatiko Besh!  Sayang may itsura pa naman kaso walang manners!"

Oh?? Sino na naman yang lalake na yan ha! Nako, besh ilang minuto palang kitang naiwan may lalake agad!! Hahaha, baka naman kasi sinungitan mo!"

"Sus! Nagsalita ang hinid masungit."

"Psh, uwi na lang pala tayo nagbago na yung isip ko hindi na lang pala kita ililibre ng lunch" loko ko sa kanya. :P

"Eto namang bestfriend ko oh! Syempre joke lang yun! Ikaw pa! Alam mo naman na love na love kita diba?" sagot niya sa akin with puppy-eyes pa.

"Sus, niloko mo pa ako, kung hindi lang kita mahal diyan! Halika na nga."

"Eto talaga yung namiss ko dito sa Pinas eh! Yung kakulitan niyong dalawa" si Kurt yan.

"Ah, ganon ba Beau? Since namiss mo naman kaming dalawa ikaw narin yung manglibre sa amin. Hehe. Tara na!"

Sabi ko tapos sabay angkla sa kanilang dalawa nako. Sobrang namiss ko itong bonding namin tatlo. Namiss ko nung ganito yung maging masaya. Yung totoong maging masaya. Ang sarap sa feeling ang gaan parang wala akong pinoproblema. 

Habang kumakain kami ayun kamustahan lang kami kwento kwento sa kung anong mga nangyari sa amin nung mga panahon na hindi kami magkakasama. Umalis kasi Beau nung magfofourth year highschool kami ewan ko ba dito sa lalake na ito, bigla na lang nagdecide na umalis nun. Basta sa susunod ko na lang ikwekwento yun masyado kasing maganda yung mood ngayon ang pangit naman kung sisirain ko lang dahil sa kadramahan ko diba?

"Nga pala Kurt? Bakit ka nga ba biglang bumalik dito ha?" tanong ni Ashley.

Tinignan ko lang nun si Kurt mukhang natigilan sa pagkain nung narinig niya nung tanong ni Besh. Aba, anong nangyari dito sa lalake na ito. May problema ba? Tinatanong lang naman siya ah. Nako, maliban na lang kung may sinisikreto itong lalake na ito.

Bago niya pa sagutin yung tanong ibinababa niya yung kinakain niyang hamburger tapos tumingin sa akin. Aba, mukhang seryoso si Beau. Takte! Ano na namang meron dito ngayon. Ayoko ng ganito eh. Mukhang may sasabihin na naman itong lalaki na ito na ikagigimbal ng earth eh. Haha. Biro lang. Ayoko kasi kapag ganyan siya kaseryoso. Hindi ko keribels.

"Ang totoo niyan, kaya talaga ako bumalik dito para------------------"

Bago pa matuloy ni Kurt yung sinasabi niya lahat kami napatingin na lang dito kay Besh.

"SHOOOOOT!!!! ANO BA NAMAN YAN!!!! HINDI KA BA MARUNONG MAGDADAHAN-DAHAN HA????"

____________________________________________________________________________

A/N: Hmmm, ano ba? hahahahahha!!!! Pagpasensyahan niyo na po kung ngayon lang ulit ung UD ko. Haha, nagbakasyon lang po ako. MAhal ko parin naman kayo eh! Haha. so anong masasabi niyo? Bakit kaya nagbalik si Kurt? At ano naman kaya yung nangyari dun kay Besh Ashley???

Abangan na lang ulit natin ha. :)))

Say hi to Daniel Kurt Manzano!!! Hahaha! Nasa gilid po yung image niya :)

Comment?? Heheheh. Ayos lang sige lang feel free. Keep on reading lang po and salamat sa pagsupporta :)) Love you all!! Hahaha. LELS

Love is BITTER the Second Time Around?? [Ch. 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon