One Night Only

460K 7.7K 424
                                    

Prologue

NANLALAMIG at namamawis ang mga kamay ni Willa. One hundred thousand. Iyon ang presyo ng virginity niya. Wala naman siyang ibang mapagpipilian. Wala sila ni anong property o mahalagang kagamitan na maaaring ibenta o isanla maliban sa kanyang katawan.

Agaw-buhay sa ospital ang kapatid niyang si Walter. Habang nakikipagkarera ng bisikleta sa mga kabarkada nito ay aksidenteng nabundol ito at tumilapon ang yayat na katawan. Tinakbuhan ito ng nakabangga at ngayo'y kailangan niyang pasaning mag-isa ang pagpapa-opera sa kapatid upang hindi ito mamatay.

"Ayaw kong maparis ka sa akin, Willa. Pero wala akong ibang maitutulong sa'yo malibang tiyakin na magiging maayos ang bidding," naalala niyang sabi ni Paige. 

Kababata niya ito at naging kaklase sa kolehiyo. Isang sem lang ang nakuha niya sa kursong HRM. Dahil sa kakulangan sa pera at sa magkasunod na pagkamatay ng mga magulang, hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral. Biro nga nito, parang tumapak lang siya ng college. Ito naman ay parang nawalan na ng ganang magpatuloy sa pag-aaral. Kalaunan, nauwi ito sa pagbebenta ng katawan. Medyo angat lang ito sa iba dahil ito ay isang high-class prostitute. Ang mga kustomer nito ay sosyal, by appointment o booking.

Ayon dito ay nakatulong ang maikling exposure nito sa pagmomodelo noong college days nila. Siya man ay ilang beses nitong kinumbinsi na umekstra-ekstra sa pagmomodelo. Ngunit komontra ang mga magulang niya. Ayaw na ayaw ng mga ito na pasukin niya ang mundo ng showbiz--ke pagmomodelo man iyon o pag-aartista. Palibhasa parehong produkto ng showbiz ang mga magulang niya. Isang stuntman ang kanyang ama at isa namang dating sexy starlet ang kanyang ina. Nang aksidenteng mabuntis ito ng kanyang ama, hindi na nakabalik ng pag-aartista. Ang tatay naman niya, natapos ang career nang mapasama ang bagsak sa isang death-defying stunt na ginawa nito.

Minsan ay gustong isipin ni Willa na may kakambal na malas ang kanyang pamilya. Namatay sa sakit na TB ang kanyang ama at sumunod dito ang kanyang ina na aksidenteng nabagok ang ulo nang madulas sa kanilang banyo. Ngayon naman ay nanganganib na mawala ang nag-iisang miyembro ng kanyang pamilya kung hindi siya kaagad makakagawa ng paraan.

Kung hindi lang matibay ang pananalig ni Willa sa Dios, matagal na niyang sinukuan ang lahat ng pagsubok na dumating sa kanila.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at pinilit pakalmahin ang sarili. Anumang sandali ay puwedeng pumasok ang lalaking pinagregaluhan sa kanya. Ayon kay Paige ay regular customer nito ang nanalo sa bidding at siyang nagbayad ng one hundred thousand bilang panregalo sa kaibigan nito na malapit ng ikasal.

Inayos ni Willa ang suot na wig at pekeng nunal. Kahit imposibleng muling magsanga ang mga landas nila ng lalaking makakatalik sa gabing iyon ay gusto pa rin niyang panatilihing sikreto ang kanyang identity.

Napasulyap siya sa kama. Gustong-gusto na niyang kunin ang kumot doon at ibalot sa sarili. Nakasuot siya ng manipis na pantulog at nakakaramdam na siya ng lamig dahil sa malamig na air conditioning sa loob ng kinaroroonang silid. Nasa isang hotel suite siya, sa loob ng isang five-star hotel.

Habang pinagmamasdan niya ang kabuuan ng silid na iyon ay nakaramdam siya ng pagkamangha sa mga mayayaman. Barya lamang sa mga ito ang matulog ng isang gabi sa ganoon karangyang silid. At ang magbayad ng isandaang libong piso para sa isang panandaliang-aliw ay tila wala ring kabagay-bagay sa mga ito.

Naputol ang daloy ng mga iniisip ni Willa nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng suite.


NAIILING na tinanggap ni Zeke ang key card na ipinasauli ni Rafe sa driver nito. Tinanggihan nito ang regalo niyang babae. Malinaw sa kanya na hindi nito gusto ng party kaya naman babae na lang sana ang ire-regalo niya. Kaso maski iyon ay tinanggihan din nito. Nagbayad pa naman siya ng isandaang libong piso dahil ayon sa nagrekomenda sa kanya ay virgin pa ang babae. Not that he believed it, though. Gusto niya lang inisin si Roberto Almeda na siyang nakikipagtagisan sa kanya sa bidding para makuha ang babae.

One Night with the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon