Ross' POV.
Maaga akong nagising dahil susunduin ko pa si Ezra sa bahay nila. Ngayon kase ang date namin. Nakakabading pero nai-excite ako. Tinungo ko ang banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay tumunog ang cellphone ko.
From: Bunso
Good Morning Kuya Ross.:) Salamat ulit Kuya.Keep Safe.
Napangiti na lang ako nung mabasa ko ang text ni Harri. Masyado syang nag-enjoy kahapon. Pinangakuan ko kase syang sasamahan ko sya sa Bookstore.Tuwang tuwa sya. Nakakahawa ang mga ngiti nya,napaka pino ng ngiti nya. Halatang hindi napipilitan.
(Mafei's note: Hello. I-epal muna ko wah. Bale, isi-switch ko muna ang POV kay Harri, para mas maintindihannyo yung sinasabi ni Ross. Saglit lang to. haha. Enjoy!)
Harri's POV.
Bakit kaya wala pa si Kuya Ross? Sinabihan ko kase sya noong usang araw na magpapasama ako sa Mall. Sabi nya susunduin nya daw ako.
"Hon. Where's your Mom?" bungad ni Dad sakin. Kakarating pa lang nya galing office, umaga na sya kung umuwi, which is normal naman samin ni Mom. Workaholic kase si Dad.
"Nasa kwarto po Dad." nakangiting sagot ko, saka humalik sa pisngi nya. He's been a good father ang husband to Mom, kaya naman I love him this big.
"I see, okey Hon, thanks. Hmm.. wait" sagot nya saakin ng nakangiti, saka ako tiningnan nang maigi.
"Why Dad?" takang tanong ko.
"Looks like, youre going on a date Hon huh" biro nya.
Nag-blush ako nung sabihin ni Dad yun, nakadress kase ako ng pink na may ribbon sa gilid. Bukod run alam nilang may nagugustuhan akong tao, actually alam nila kung sino.
"Si Daddy talaga :3" I pouted.
"So, may date ka nga?" nakangiting tanong nya ulit.
Buti sana kung date nga, eh kaso hindi eh. Magpapasama lang naman ako kay Kuya Ross na bumili ng book, pero para sakin, date na din to, di lang nga sya aware.
"Hindi po Daddy, papasama lang po ako kay Kuya Ross sa Mall" sagot ko naman na may halong lungkot.
Pi-nat nya ang ulo ko.
"Don't worry young lady, It's just normal to have a date with him, in fact we really like him also for you." sabi nya sakin, saka yumuko ako.
"Is he aware of your feelings already?" sabi nya ulit.
Umiling ako." Sad thing is, hindi po daddy, he don't know anything about what I feel for him, and I think, it's better not to tell him instead." sagot saka ko tiningan si Dad.
"Hon, we know you love Ross, but he's older than you.." si Mommy.
Bumaba si Mommy saka humalik kay Dad.
"Sweety, there's nothing wrong with that. Ako nga eh, 5 years ang tanda ko sayo. Si Ross pa kayang 3 years lang naman." sabat naman ni Dad, he really do understand me.
"I know sweety, nag-aalala lang naman ako for our daughter. bata pa sya for this matter."
Bata. Yun na naman. nakakainis tuwing sinasabihan nila ako ng BATA pa ako.
"Mom, Dad, I know you were just concern, but I can handle this for ny self, no nees to worry. Besides, crush ko lang po sya." sagot ko na pinilit kong samahan ng ngiti, to lessen their worries.
Pero.. ang alam ko. hindi ko lang sya crush mahal ko sya.
"Ah Ma'am harri, andito po si Sir Ross" sabi ni Yaya.
"Papasukin mo muna sya Alma" sagot ni Daddy.
Aga namang sumunod si yaya, saka pumasok si Ross.
"Good Morning Tita, Tito" bati nya kila Dad. "Hi Bunso. :)" bati naman nya sakin. hays, kung alam mo lang Ross, nasasaktan ako sa tuwing tinatawag mo akong Bunso, dahil mas lalo ko lang nararamdaman na hindi ako bagay sayo dahil bata pa ako.
Ngumiti ako sa kanya."Hi Kuya Ross. Thanks for coming" sabi ko. Ayaw ko sanang tinatawag syang Kuya pero wala akong choice. Si Kuya Kiel kase eh.
"Kumusta Ijo?" sabi ni Dad. "Ayos naman po Tito, eto po't ga-graduate na din ng HS. haha, kayo po?" sagot naman ni Ross.
"were good. Good to hear that. Goodluck to you, and to Kiel as well. haha, that kid. How is he anyway?"
"Same old days Tito, kung ano po sya noon, ganun pa din po ngayon. Hahaha."
"Ah Dad, Mom, we need to go. baka may pupuntahan pa si Kuya Ross after this." putol ko sa usapan nila. Baka kase madulas si Dad, medyo madaldal din kase sya.
"Well, ok then Hon. Ahm, Ross, take good care of Harri." sabi ni Dad kay Ross, saka ito tinapik sa balikat.
"I will Tito" nakangiting sagot nya.
Bakit parang yung pagkakasagot nya kay Dad ay, feeling ko, ipinagpapaalam nya ako para maging girlfriend nya. hays, asa pa nman ako.
"Alis na po kami Tita, Tito. See you around" sabi nya.
Lumapit sakin si Dad binulong sakin.
"Go on Hon, be sure you wont fall for him that much. You know your condition" sabi niya saka humalik sa noo ko. Nginitian ko nalang sila ni Mom."Alis na po ako." paalam ko, naiintindihan ko naman sila, kaya ganun na lang ang concern nila sakin, kase natatakot silang bumalik yung sakit ko. Opo, may sakit ako, may sakit ako sa Puso, yunang dahilan kung bakit ako pumuntang america, for my heart operation. Thanks God, dahil succesful naman, but hindi ako pwedeng magpagod at magmahal ng sobra, dahil makakasama raw yun saakin.
♥♥♥
Thank you! :)
