Chapter 1

3.3K 52 2
                                    


Chapter 1: New Friends, Same Life...

Shan's POV

'1 y.l.'

"Shan,"

"Shan...?"

"Shan!"

"Jace!"

"Ha?! Asan?!" Sigaw ko nung marinig Kong may tumawag sa pangalan ni Jace, andito siya....?

"Ayan! Ayan na sinasabi ko! Pag 'Jace' ang sasabihin ko bigla kang uulirat?! Aba! Matinde!"sabi ni Dreana Sohyun Min. Best friend ko...? Ata? Ewan. Aish, asan nga kasi?!

"Asan nga si Jace?!" Sumbat ko sakanya.

"Timang! Wala si Jace dito! Nasa Australia yun!.....Pero Si Dreana na kanina ka pa tinatawag, Oo nasa likod mo lang! *roll eyes*"sabi niya na ikina-tamlay nanaman ng buong sistema ko. Psh, why am I still like this? Napapagod na ko. Ilang beses ko na triny mag move-on...pero bakit...siya parin?

"Hoy Shan, ready na si Andrei. Tapos ko na i-retouch yang face mo. Gora ka na."sabi ni Daniela. Make-up artist ko. Simula nung gabing pinaka Hindi ko nakalimutan, naisip Kong mag-quit nasa career ko, Pero sabi Manager Terrence nag-quit na daw si Jace bakit pati ba naman ako. Kaya tinuloy ko nalang.And now, nahanapan na ako ng bagong ka-love team. And he's Andrei Evans. Well, were best friends. Nothing more, nothing less. And everyone knows that.

Dumiretso nako sa Room ni Andrei, lagi naman eh. Hindi kasi siya nadiretso sa pictorial namin ng hindi ako kasama. Pfft. Duwag noh?

Binuksan ko agad ang pintuan at bumungad sakin ang nakahilata sa cellphone na si Andrei Evans. Haay. Kailan ba to magbabago?

"Andrei Evans, Baka hindi mo alam na late na tayo at sasabog na yung utak nung photographer na sobrang inip na sa paghihintay satin?" sabi ko sakanya ng pabalang at nakuha ko naman agad ang atensyon niya at tumayo agad na may ngiti sa labi niya.

"Hehe, sorry na Shan...babawi ako mamaya. Okay ba yon?" Sabi niya na may ngiting ewan parin sa labi niya. gwapo to si Andrei eh. Hindi ko lang sinasabi kasi baka mas lalong lumaki yung ulo. At Kung akala niyo may half siya...wala po. Pure Filipino tong ugok nato. At dahil nga sakanya nabawasbawasan na yung pag-eenglish speaking ko. Haha.

"Psh, whatever Mr. Evans. Tara na nga." Sabi ko sakanya na may ngiti narin sa labi. Sino ba naman hindi? Nakakahawa yung ngiti ng unggoy nato. Naaalala ko nga sakanya minsan si....

"Tara!" Sabi niya sabay akbay sa akin. Were used to skinship...so komportable na kami sa isa't-isa.

Nung makarating kami sa hall, may mga fans sa may pinto. May mga tarpaulin sila ng may nakasulat na 'ShanRei Babies' 'ShanRei Fandom'...at nung makita nila kaming dumaan bigla naman silang nag hiyawan at ito naman si Andrei sigi-kakakindat sa mga fans. Ayan, Halos mamatay na kaka-sigaw.

Pero nagulat ako ng may sumigaw ng "KISS! KISS!! YIIII~~ PAPA REI!! KISS MO SI MAMA SHAN!, DALI!! HIHIHI"sigaw nung leader nila. Well kilala ko yon, nakaka-usap ko siya sa twitter and isa siya sa 'ShanRei Babies'. Bakla siya pero mabait....Sumigaw naman ako sakanya ng may halong hiya "OY NAK! WAG KANG GANYAN!" sabi ko tapos tumawa naman siya...I love our fans, tinuturing namin silang pamilya.


"Pano ba yan Shan? Nag-rerequest yung babies natin oh? Hindi mo ba sila pagbibigyan?" Sumbat ni Andrei habang nakangiti'ng may binabalak. Isa nalang talaga! Jusko! Patawarin sana ako ng dyos kung Anong magagawa ko dito Kay Evans!

The Break up Story || [On-Going]Where stories live. Discover now