CHAPTER 24: My Princess Chandra

31.9K 953 41
                                    

IRA'S POV:

"Document the behavior and characteristics of a wood sprite..."

Binaling ko naman ang attensyon ko kay Xyrah at pinabasa sa kanya yung nakasulat dun.

"Xyrah? Ano ang wood sprite?", nagtataka ko namang tanong sa kanya.

"Oh... A wood sprite is a small creature that has magical powers such as a fairy. Sabi nila mabilis daw iyong kumilos at napakaliit kaya mahirap makita. Kaya naman, don't worry, ako nang bahala dun.", sagot niya naman sakin sabay kindat.

"And where can we find a wood sprite Xyrah?", tanong ko naman sa kanya.

"In the forest of course!", sagot niya naman sakin.

"Pero diba delikado dun?"

"Hindi noh? May forcefield naman pag nasa domain tayo ng Academy. At hindi naman siguro tayo mapapahamak dahil hindi naman tayo papagawain ng ganitong activity kung delikado diba?", sagot naman ni Xyrah sakin na nakapagpagaan ng loob ko. Sabagay, oo nga naman noh?

"Before you all start your activities, I need you to write your names and and your assigned activity on a paper and pass it to me. After that, you can go...", saad naman ni Maam Fiacre.

Nagulat naman ako nang tapos na palang isinulat ni Violet at sa isang iglap lang ay inipass na niya yun kay Maam Fiacre sabay hatak sakin palabas ng room.

Tss. Speed. Hindi naman siya excited ano?

Habang naglalakad na kami patungo sa forest, may inilahad si Xyrah saking parang mga bondpaper pero ang kaibahan lang ay parang transparent ang mga ito.

"What's this for Xyrah?", tanong ko naman sa kanya.

"Oh... That's a photographic blank. Itapat mo lang yan sa isang bagay na gusto mong ma-copy at lilitaw diyan yung litrato ng bagay na yun. Like this!", kinuha niya yung isang blank at itinapat dun sa bulaklak sa gilid at nagulat naman ako nang biglang lumitaw yung picture ng bulaklak sa blank.

"Wow! Parang printer lang ang peg?", sabi ko naman sa pagkakamangha ko.

"Ano ang printer?", naguguluhan namang tanong ni Xyrah sakin.

"Ah basta... Sa mortal realm lang yun makikita."

"Ahh okay. Ano? Let's go?", aniya.

"Tara!", pagkatapos nun ay pumasok na kami sa forest. Hmm. Hindi naman pala nakakatakot dito. Marami naman akong nakikitang mga ibon, paru-paro, bulaklak.

In short, maganda dito sa forest...

Ilang minuto din kaming naglalakad pero wala parin kaming makitang wood sprite.

Ano ba yan! Ang hirap naman hanapin nun!

"Xyrah wala ka pa bang nakikita?", tanong ko naman sa kanya.

"Wala pa eh...", aniya.

"Ano ba yan! Kanina pa tayo naglalakad.", saad ko.

Habang naglalakad kami ay may narinig kaming parang jingle ng maliit na bell.

Ilang sandali lang...

"Ira dun!", sigaw ni Xyrah at bigla nalang tumakbo kaya napaigtad naman ako at hinabol siya.

"Dali Ira! We'll loose her!", sigaw naman niya at bigla nalang tumigil muna.

"Wait...", sabi niya at naglingon-lingon muna.

Frankincense Academy: Enchantsia's Primary S-Class Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon