CHAPTER 23: Crazy Family

Magsimula sa umpisa
                                    

Sina Craig at Crest naman ay nandun na sa likod at nakapwesto na. Nakangiti pa sakin ah? Pupunta na sana ako dun sa katabi ng upuan ni Titan nang biglang magsalita si Maam Fiacre.

"Ira, dear... I want you to sit here infront beside Xyrah starting today.", nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Maam Fiacre at pumunta nalang dun sa tabi ni Xyrah na nakangiti pa sakin pagkaupo ko.

Pero bago paman ako naglakad kay Xyrah ay nakita kong kumunot yung noo ng dalawa dun sa likod. Hahaha! Ang epic ng mga mukha nila!

"Teka maam! Bakit diyan niyo na pinapaupo si Ira?", narinig ko namang salita ni Crest sa likod na ikinatigil ko.

"Bakit do you have a problem with that Prince Crest?", tanong naman pabalik ni Maam Fiacre at tinaasan ng kilay si Crest.

"Uhm... N-No... No maam.", nag-aalangan namang sagot ni Crest at napaupo nalang ulit sa upuan niya.

"Okay... Now class, I want you all to pick a partner.", sabi naman ni Maam Fiacre.

"Ira partner tayo ah?", sabi naman ni Xyrah na katabi ko.

"Sige!", sagot ko naman sa kanya.

"So, nakapili na ba kayo ng mga partners niyo?", tumango naman agad kami sa tinanong ni maam Fiacre.

"Very good... Now, I want you to perform an activity at kailangan niyong bumunot ng piraso ng papel dito sa loob ng bowl para malaman niyo ang activity na gagawin ninyo. Ok? If I call your names, one representative will step forward and pick a paper.", sabi naman ni Maam Fiacre sabay lagay ng bowl dun sa table.

"This will be exciting...", saad naman ni Xyrah na mukhang excited na sa activity namin. Pati nga yung iba naming classmates ay halatang excited na eh.

"Azula and Violet?", agad namang tumayo si Azula at bumunot ng papel dun sa bowl sabay pakita kay Violet.

"Prince Craig and Prince Crest", tumayo naman si Crest at bumunot ng papel sabay balik a upuan.

"Ira and Xyrah", sunod na sambit niya.

"Ikaw na bumunot Ira!", saad naman ni Xyrah sakin kaya ako nalang yung bumunot dun sa bowl. Agad ko naman yung binasa sa isipan ko yung nakasulat...

"Document the behavior and characteristics of a wood sprite..."

____________________________

TITAN'S POV:

Umuwi muna ako sa Flamarium para kamustahin sina mommy at dad at para narin iuwi si Flare.

Nang makapasok na ako sa palasyo, naabutan ko silang tatlo ng kapatid kong si Xenos sa dining table namin na nag-uusap.

Nang makita naman ako ni mommy ay agad siyang lumapit at yumakap sakin.

"Welcome back son! Oh! And who's this?", bati naman ni mommy sakin sabay turo kay Flare.

"She's Flare. My new pet.", saad ko naman. Agad namang kinuha ni mommy si Flare sakin at binuhat.

"Ohh. She's a cutie!", bumaling naman ako kay dad na nakangiti din sakin.

"It's good na napadalaw ka dito anak. We missed you.", bati naman ni dad sakin.

"Ehem... Correction dad... It's just 'the two of you' who missed him...", singit naman nung hinayupak kong kapatid na si Xenos sabay turo kina dad at mom.

"Hey little bro! Why did you come here?", saad niya naman sakin habang umiinom ng wine.

"This is also his home Xenos.", singit naman ni dad sa kanya.

Frankincense Academy: Enchantsia's Primary S-Class Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon