Kwentohan muna tayo 😂😂😂 Masaya 'to!

308 39 24
                                    


Isang araw, noong isang araw 😂  Habang pauwi ako, sumakay ako ng Bus.

(Alangan namang lakarin ko pauwe 😂)

Hindi ako ang iisa.

Kasama ko ang mga barkada kong sina Lina Mutac na nasa harap ko ngayon.

Si Pablo Job naman na katabi ko ngayon, nasa may bandang harapan naman namin sina Rey Piñoco, Patty Ramos Saquin at ang half chinese naming barkada na si Chino Paco Sia.

Kasalukuyan kaming naka-upo ngayon sa loob ng bus, nag biglang huminto ang bus.

Kasi may sasakay. 😂

Tumingala ako para tingnan kung sino ang pumasok..

Isang babaeng medyo may edad na, mga 50's siguro?

May hawak siyang dalawang balde na may takip!

Nakaka-curious lang kung ano ang laman nito.

Ayy oo nga pala, nag patuloy ang driver ng bus sa pag dadrive..

Biglang nag salita ang babaeng may dalang dalawang balde.

Tawagin nalang natin siya sa pangalang Gina Cool.

Okay para mas may galang ay Aling Gina Cool nalang.

Ayon nga nag salita si Aling Gina Cool.

"Hijo! Sa ika-syam na Poste mo ako ibaba." Sabi ni Aling Gina.

Tumango lamang ang driver at nag patuloy lamang sa pag da-drive.

Nakaamoy ako ng masang-sang na amoy...

Napansin ko din si Pablo Job na nagtakip ng ilong niya gamit ang kamay niya..

Hindi ko iyon pinansin... Nang biglang huminto nanaman ang bus!

May sumakay nanaman. Pero sa ngayon ay kaedad lang namin ang babaeng sumakay.

Tawagin nalang natin siya sa pangalang Tina Moran.

Nagpatuloy na ulit si manong driver.

Hindi parin naaalis ang masangsang na amoy. Napansin ko na din ang ibang pasahero na nagrereklamo na sa masangsang na amoy.

Yun bang amoy na sobrang langsa. Amoy patay na daga, tao, mga lamang loob! Ang pumapasok sa isip ko! Ganun yon kabaho!

Bigla akong kinalabit ni Rey Piñoco.

Humarap naman ako sa kanya at nag-taas ng kilay!

"Naaamoy mo ba? Sa palagay ko ay galing iyon sa baldeng dala ng ale" sabi ni Rey Piño sakin.

Ang tinutukoy niyang ale ay si Aling Gina Cool.

Sa palagay ko nga ay galing nga kay Aling Gina Cool yon!

Ika-siyam pa na poste siya bababa! Eh nasa ika- apat palang kaming poste eh!

Nagulat nalang ng biglang magsalita ang babaeng sumakay na  nakaedad lang namin. Remember? Si Tina Moran?

"Ale? Anu po bang laman ng balde niyo?" Tanong ni Tina Moran habang sa kanyang ilong.

Tumingala sa kanya si Aling Gina Cool

"Bakit? Bibili ka?"

Yan lamang ang tanging sagot sa kanya ni Aling Gina Cool kay Tina Moran.

Hindi na ulit sumagot si Tina.

Nasa ika-anim na poste na kami ng biglang mag-tanong si Lina Mutac.

"Ale! Ale! Ano po bang laman ng balde niyo?" Tanong din ni Lina Mutac kay Aling Gina Cool.

Tumingala nanaman si Aling Gina at....

"Bakit hijo? Bibili ka ba?"

Curious na talaga ako kung ano ang laman nito.

Hindi nadin nakapag salita si Lina Mutak.

"Ano ba yan! Ang baho!" Rinig kong sigaw ng isang pasahero.

"Kaya nga!" Sumbat naman ng isa pang pasahero.

At dahil sa kalikutan ng isip ko ay..

"Ale! Ano po ba talagang laman ng balde niyo?" ay nagtanong nadin ako kay Aling Gina Cool.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin at...

"Ano hija? Bibili ka ba? Mura lang to?" Ugh!! Natameme ako sa sagot niya sakin at humarap na siya ulit sa harap.

Nasa ika-walong poste na kami ng biglang ang Driver naman ang nag tanong!

"Ale! Anu ba yang laman ng balde mo?!"

Halos pasigaw na tanong ng driver na nakatingin sa salamin, kung saan kitang-kita niya sa likuran si Aling Gina Cool.

Napansin kong biglang tumahimik ang mga pasahero.

"Bakit?! Bibili ka rin ba?! Ihinto mo na diyan sa ika-siyam na poste!"


Galit at pasigaw naman na sabi ni Aling Gina Cool!


At walang ano ano'y, biglang napapreno ang driver, halos mapa sub-sub na kaming lahat na nakasakay sa loob ng bus.


Napatingin kaming lahat kay Aling Gina!

Pati narin sa Baldeng dala niya!


Biglang natumba ang balde!





Nagkalat sa sahig ng bus ang laman nito at nanlaki ang mata naming lahat sa nakita namin!!

⭐⭐⭐

A/N: Gusto niyo bang malaman kung anong laman? 😂

         Ipagpatuloy sa next Chapter!

         Vote and comment po!

the_stranger12 deancity CassandraSantos9 Genius_Queen LoveThisGirlPlease marshmalloow0017 snowrawr_jbln dunneta Rossyblack_

Basahin niyo po. 😂😂

Mga kwentong Barbero 😂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon