Chapter 26

8.3K 149 0
                                    

Matapos  kong maligo ay bumaba na ako sa lobby.

Nakita ko sina Jay nag-uusap kasama si Jam at Irene, nilapitan ko sila

“Hey”sabi ko

“Anjan ka na pala, tara na?” sabi ni Irene at humawak sa braso ko

“Sige gutom na rin ako eh.”

Naglakad na kami papuntang resto, hinawakan ko ang kamay ni Jam at nakita siyang ngumiti sa ginawa ko kahit naka kapit ang braso ni Irene sa braso ko.

Minsan ganito lang talaga kami, hindi nag-uusap pero sweet sa isa’t-isa

Katabi ko si Jane at Jam ngayon habang hinihintay ang orders namin habang si Jam ay busy sa pagbabasa sa menu.

“By?” tawag ko kay Jam habang hinihintay ang order namin

“Hmm?” sabi niya pero hindi ako tinignan

“Okay lang bang mag bar kami mamaya kasama sina Janine at Jane?” paalam ko

Plano ko sanang mag bonding muna kaming tatlo kahit isang gabi lang

Tinignan niya lang ako mata at inirapan na naman

Hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng table

“By ngayon lang naman to tsaka hindi naman kami maglalasing eh, konting kwentuhan lang naman.”

Hindi pa rin niya ako tinitignan

“San tayo mamaya ren?” tanong ni Jane

“Well plano ko kasing magbonding rin tayo. Pero wag na lang.” Sabi ko

Ayaw kong magalit sa akin si Jam pero we need to catch up sa mga buhay namin ni Jane at Janine. Minsan kasi mas maganda pag may time ka palagi sa friends mo. Kaya naisipan kong magbar kami.

Binitawanan ko na ang kamay ni Jam kasi dumating na ang order namin.

Kahit labag sa loob ko pero okay na lang kasi ayaw ko nga siyang magalit.

“Bukas san niyo gustong pumunta?” sabi ni Mama habang kumakain kami

“Water sports tayo bukas guys?!” sabi ni Jay

Tumango na lang kaming lahat kasi busy kami sa pagkain

Just Once (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon