Chapter 1: #LOVE TEAM

288 5 0
                                        


Sa first meeting ng "Just For You" movie casts...

Lougee: Pwede na ba tayong mag-start? May hinihintay pa ba tayo?

Crew1: Ay meron pa po Direk yung isa pa pong direktor na makakatrabaho niyo dito sa project.

Lougee: Ha, sino? Akala ko ako lang mag-isa.

Crew1: Ay ngayon lang din po kami nainform. Pero ang sabi po eh lalaki daw at single pa.

Ay....direk tamang-tama bagay kayo non' dahil pareho kayong single.

Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na lalaki at nag-katinginan silang dalawa. Pero agad din nitong binawi ang tingin at nagsalita.

Brix: Naku masyado na ba'kong late, sorry talaga. Sa mga hindi nakakakilala sa'kin, I'm Brix Mendoza, so you can call me Direk Brix starting today.

(Sige po Direk Brix! , sabay-sabay na sabi ng mga casts at crew.

Makikipagkamay sana si Brix kay Lougee pero hindi nito tinanggap. Buti na lang walang nakapansin sa nakakatensyong sitwasyon nila kahit pa nga magkatabi sila ng inuupuan.

Nag-umpisa na nga sila at ipinakilala na nga isa-isa ang mga gaganap sa pelikula at ang mga karakter na gaganpin nila.

Nabasa na rin nila ang script at nagtry nang magpalitan ng dialogues.

Lougee: Ah Jen, dapat siguro sa line mo na yan kailangan mong magpause para maintindihan ng mga viewers ang mga sinasabi mo okay, tukoy nito sa gaganap na bidang babae.

Bago pa man makapagsalita si Lougee para sana sa bidang lalaki ay sumingit na si Brix dito.

Brix: Sa'yo naman Richard, medyo kulang pa ng emosyon, dapat ramdam mo yung linya habang sinasabi mo ito kay Jen.

Our Own Sweet StoryHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora