Hindi mo na magawang ngitian ako. Hindi kana nakikipaglaro sa akin. Ni hindi mo maikwento sa akin ang pinagdadaanan mo ngayon. Nais kong malaman para kahit paano'y ikaw ay aking matulungan. Nais kitang pasayahin tulad ng ginagawa ko noon sa'yo ngunit papaano? Sa paglapat palang ng ating mga mata'y poot na ang nakikita ko roon.

Kung dati'y karamay kita sa kasiyahan, ngayo'y hindi kita maramayan sa kalungkutan. Kasing bigat ng galit mo sa kanya ang pagkasuklam mo sa akin.

Ngunit, kahit sinasaktan mo ako sa pisikal at emosyonal na paraan, hindi kita magawang iwan. Umaasa akong isang araw, sa muli mong pagtingin sa akin bumalik ang ngiti sa iyong mga labi. Hindi masamang umasa, ika nga nila.

Kaso, nakalimutan nilang sabihin na minsan masakit din palang umasa. Hindi ko naibalik ang ngiti sa iyong labi. Habang patagal ng patagal ang pagsasama natin, mas lalong lumalala ang galit mo, mas lumala din ang pagiging bayolente mo. Kung dati ako'y iyong inaalagaan, ngayon hindi lang suntok ang abot ko sa iyo. Tinatadyakan mo ako't pinaghahampas-hampas. Gusto ko ng sumuko, gusto na kitang layasan. Pero inunahan mo na ako.

Kagabi, nagulat ako sa biglaan mong paghawak sa aking kamay. Kaytagal kong ninais na muling maramdaman ang iyong palad sa aking balat na walang halong pananakit. Nabuhayan ako noon ng loob, akala ko okay ka na, okay na tayo, na wala ka ng galit sa akin. Kaso, mali na naman ang akala ko.

"Hindi na kita kailangan pa," walang emosyong wika mo sa akin habang naglalakad tayo paalis ng bahay, patungo sa madilim na bahagi. Kinilabutan ako lalo na ng lumakad ka palayo sa akin.

"Paalam," iyan ang huling winika mo sa akin bago ka nawala sa aking paningin. Iniwan ka niya at bilang ganti mo iniwan mo ako.

"Alam mo? Mali palang iniwan kita, " muli akong bumalik sa kasalukuyan nang marinig kitang magsalita mula sa di-kalayuan. Naramdaman ko ang paglapit mo sa akin, nagulat ako nang hinawakan mo ako sa kamay. You lifted my chin up so that our eyes met. You stare at me blankly, for the first time, your eyes gave me creeps. Tila mas gusto kong makita ang galit sa iyong bilugang mata kaysa sa ganitong hindi ko mabasa ang nais nitong ipahiwatig. Mas nangamba ako nang payak kang ngumiti. Then you drop the bomb.

"Mas maigi palang itapon kita para hinding-hindi na talaga kita makikita pa."

May tumigil na malaking truck sa harap mo at walang sabi-sabing inihagis mo ako roon. Bumagsak ako sa gabundok na kalat na sakay niyon. Masangsang ang paligid, nilalangaw, at kayraming nakakadiring bagay.

Nadurog ang puso ko sa tinuran mo bago muling umandar ang truck, "Diyan ka nababagay. Kasama ang basura."

Ang saklap ng kinasapitan ko. Gusto kong umiyak ngunit batid kong walang papatak na luha sa aking malalaki at maitim na mata. Nais kong umalis sa kinalalagyan ko, tumakbo pabalik sa iyo ngunit hindi ko maikilos ang mga paa kong walang buto at nababalutan lamang ng bulak at tela.

Siguro nga mas maiging itinapon mo ako dahil ang presensiya ko sa iyong kwarto ang nagpapaalala sa'yo sa kanya. Mas okay nang hindi na tayo magkita, ng sa gayo'y maka move on ka na.

Thea, I'm sorry if I caused you pain. I'm sorry for triggering you to build hatred. I'm sorry for not mending your shattered heart. My job is to make your life a bliss but in the end, my presence brought you torture. A teddy bear's duty is to make his owner happy, I failed, I'm sorry.

Sana sa pagkawala ko sa buhay mo, sa paglimot mo sa akin ay maibsan ang pighating iyong nararamdaman. Sana maging maayos ka na. Sana bumalik na ang dati mong sigla. Sana hindi na mamumugto ang iyong mga mata.

You're still young, love hurts but it makes you grow. You may experience heart aches, you may cry a river for the loss of your first love but time will heal you Thea. You will be mend.

And one day, true love will come. By that time, we will see each other again and I won't ever fail a Teddy bear's duty- to act like an endorphin to his/her owner, to be a comforting, uncomplicated, dependable hunk of sanity.

For now, goodbye Thea. See you soon.

END

---The short story is made under a Teddy Bear's point of view.

Author's Note:

NANALO nga ako! Hindi kapanipaniwala. First place?! Whoah! Nung isang araw, nanalo din ako sa isang writing contest sa wattpad, second place (200php load), hindi ko din ineexpect 'yun tulad nang sa ngayon. Minadali ko lang 'to, isang upuanlang, ang igsi at hindi na ako nag backread. Nang maipost 'to sa page, pinakaunti ako ng likes at comments so akala ko talaga, wala na akong pag-asang manalo pa lalo na't punong-puno ng emosyon ang gawa ng ibang kalahok. Tapos, ayun, nagulat ako sa rating at feedbacks. SALAMAT sa mga Jugdes, kay Miss Heidi ng Precious Heart Romance sa pagtatama ng mga mali ko, sa kanyang napagandang feedback. Kay Miss Trinie Fangs at sa isa sa admin namin sa PLR, to Miss Camille Joy Reyes Belmonte sa feedback niyo po. At sa Priceless Love Romances family ko. At syempre kay Miss Angel White sa 1000php. Yey! May dagdag ipon na ako! Godbless us all! (Geeze, di ako makamove sa mga feedback ng judges, paulit-ulit ko lang binabasa at ang saya sa pakiramdam.)

FEEDBACK #1: 

Naigawi ko ang aking tingin sa isang gilid ng aking desk. Naroon ang isang stuff toy. Stuff toy na siyang kinakausap ko, masaya man ako o malungkot. At depende rin sa uri ng aking damdamin ang atensyon na ibibigay ko sa kanya. Naroong yayakapin ko siya o kung minsan ay hahampasin at babalewalain. Hindi sila tao. Walang damdamin. Ngunit paano nga kaya kung may buhay sila, hindi ba? (Pasakalye muna ^^) 

_First, wala akong masyadong nakitang mali sa istorya. Konting edit lang ang ginawa ko. I'm afraid na baka masira ko pa ito. Nakakatakot pakialaman dahil nagandahan talaga ako. 

_Sa una, nais kong magtaka. Na kanino ba ang POV? Muntikan ko nang lagyan ng komento ito dahil ang buong akala ko ay si Thea ang nagssalita. Nagkamali pala ako. Gusto ko ang pagiging unpredictable ng short story na ito. 

_Naipahayag mo nang maayos ang damdamin ng isang teddy bear -kung sakali mang ito ay may buhay.  

_I didn't find this too much melodramatic. Hindi exaggerated ang pagpapahayag ng damdamin. Tamang-tama lamang ang timpla ng istorya. Nandoroon ang tamang ingredients- dahil: 1.) nagawa mong pag-isipin ang mambabasa ; 2.) this is an extraordinary story, not so usual na maiisip na isulat at; 3.)nabigyan mo ng justice ang title ng story. 

Patuloy ka sanang magsulat at magbahagi ng istorya. Ang pagkakatuto ay habambuhay. Keep it up. GOD BLESS.

_Miss Heidz

Creativity - 24% Content - 24% Connectivity-25% Originality- 25% 

98%

 FEEDBACK #2:

I like the uniqueness of this story. Hinding- hindi mo maiisip na ang teddy bear pala ang nagsasalita sa kwento. May kurot din sa puso kasi totoo namang nangyayari ang ganito. This story reminds me of Toy Story 3. At sa totoo lang, naalala ko 'yong teddy bear na binigay ni Papa sa'kin noong bata pa ako. Andito pa siya pero nasa isang tabi na lang, napabayaan, sira-sira.

This story talks about the loyalty of a bear- a teddy bear. It's unconditional love to the person who owns it. Sana ang tao ganyan din- unconditional ang love.

Isang bagay na lang ang gumugulo sa'kin. Ano ang dahilan ng break up ni Thea at ang boyfriend nito? Bakit ganoon na lang apektado si Thea sa break up nila? Sana nailahad din sa kwento ang dahilan. Sana naipakita mo rin ang dahilan kung bakit ganoon siya ka-emosyonal at ganoon na lang niya kung ibaling ang galit sa teddy bear.

This story is almost perfect. Konting-konti na lang at pwedeng-pwede ka nang sumabak sa pagpapublish ng stories mo. Keep it up! This story is great. ?

Camille

Final Rating: 97%

One-Shot Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon