CHAPTER 12💞

146 25 3
                                    

at Ano naman ang lugar na ito Prinsesa Daliah?.. tanong ni Edwardo nang marating nila Tuktok nang burol kung saan napapalibutan iyon nang mga bulaklak na Daliah at tanaw na tanaw mula roon ang buong Kaharian..

Ito ang tinatawag namin ni Ina na Paraiso de Daliah at hindi ko na siguro kailangang ipaliwanag kung bakit tinawag iyon sa ganoong pangalan Prinsepe?..

Dito kinuha ang iyong pangalan tama ba Prinsesa?..

Oo Edwardo mahilig sa bulaklak ang aking Ina at itong Daliah ang pinaka paborito nya..

Kay Gandang Pangalan bagay na bagay para sa isang Prinsesang tulad mo..

May kung Anong Humaplos sa Puso nya sa Pagpuri nito sa Pangalan nya..

Wag mong pigilan ang iyong pag ngiti Prinsesa.. Alam kung nasisiyahan ka na makasama ako. Ganun din naman ako parang ayoko nang matapos ang Araw na to na kasama ka

At Sino ang nagsabi sayong natutuwa akong makasama ka?.. Kung hindi lang dahil sa-.....

sa Ano Prinsesa?..

Huwag mo nang alamin pa Edwardo.. Hinubad nya ang kanyang sapatos at nahiga sa damuhan..

Maya maya pa ay may naramdaman syang humiga rin sa Tabi nya..

Anong ginagawa mo Edwardo?..

Sinasamahan ka sa iyong pag mumuni muni Daliah..

Ang daming bakanteng mahihigaan bakit dkto pa sa Aking tabi?..

Kumalma ka Prinsesa wala akong balak na gawin sa iyo kung hindi mo rin naman gugustuhin.. Nagsimula itong pumikit..

Ilang minuto na ang nakaraan at hindi parin ito dumidilat kaya nagpasya syang suriin ang mukha nito

Napadako ang tingin nya sa mga mapupungay nitong mga Mata..

Ang mga matang yon kakaiba sya kung tumitig sa akin kani kanina lang

Hanggang sa bumaba sa mga ilong nito ang kanyang mata pababa nang pababa hanggang sa mga naka awang na labi nito..

Ano ang iyong iniisip Prinsesa?.. Bigla itong nagmulat nang mga mata na ikinatigagal nya..

Nahihiyang ibinalik nya ang tingin sa kalangitan..

A-anong Ibig mong sabihin Edwardo?..

Nakita nya sa gilid nang kanyang mga mata ang pag ngiti nito..

Nakapasa ba ako sa pamantayan mo Prinsesa Daliah.. ?

Wala akong balak sagutin ang tanong mo kaya Pwede ba itikom mo yang bibig mo kung wala kang matinong sasabihin..

Humalakhak ito..

Daliah aking Prinsesa sige kung yan ang Gusto mo muli itong pumikit kaya ipinikit nya rin ang kanyang mga Mata.. At tinangay sya nang antok at di nya namalayang naka idlip sya.

Biglang napamulat si Daliah nang maramdamang may mga pares nang mga mata ang nakatitig sa kanya.. At nagitla sya nang makita si Edwardo na nakatunghay sa kanya..

Bigla syang napabangon kaya nauntog sya sa ulo nito..

Aray ko ang aking Ulo..

Ayos kalang ba Prinsesa?..

At sa Palagay mo ayos lang ako gayong ikaw ang may, kasalanan nang pagkaka aksidente ko?..

Bahagya itong natawa, Pasensya kana Prinsesa nadala lamang ako na, titigan ka..

Marahas syang tumayo ngunit dahil naka tunghay parin ito sa kanya ay ito naman ang nawalan nang balanse.. Natangay sya ulit nito pahiga sa damuhan habang ang kamay nito ay nasa beywang nya at ang labi nito ay dumikit sa pisngi nya..

Hindi sya makagalaw dahil isang maling pagalaw lang nya ay baka dumikit ang labi nito sa labi nya..

Ngunit sadyang mapangahas ang Prinsepe..

Patawarin mo sana ako sa aking gahaein Prinsesa. Dahan dahang gumalaw ito at pinag tagpo ang labi nila..

Parang libo libong paru paru ang sumasayaw sa sikmura nya.. Napaka tamis nang labi nito na parang ayaw nya nang matapos pa ang paghalik nito sa kanya.. Ngunit ilang sandali pa ay tumigil ito at tumitig sa kanya..nadismaya sya sa ginawa nito..

Nagpo protesta ang utak nya nang tumayo na ito at nagsalita

Ihahatid, na kita sa inyong Palasyo Prinsesa baka abutan tayo dito nang Unos mahirap na.. Iniabot nito ang kamay para makatayo sya..

Kaya ko ang sarili ko Edwardo.. Tumayo na sya at tuloy tuloy na pumunta sa kinaroroonan nang kanilang kabayo. 

Habang ang nasisiyahang Prinsepe ay tudo ang pagkaka ngiti habang papalapit sa kanya..

At anong ibig sabihin nang mga ngiting yan Edwardo?..

Ikaw Daliah ikaw ang dahilan nang mga ito aking Prinsesa..

Tumaas ang isang kilay nya sa sinabi nito..

Tara na baka naghihintay na sa akin si Am at Ina..

Mabilis na sumampa naman sa kanyang kabayo si Edwardo habang hindi parin mapalis ang ngiti sa labi at sinabayan na nito ang Prinsesa pabalik nang Kaharian..

End of Chapter12


The Lost PrincessWhere stories live. Discover now