CHAPTER 11💞

139 19 1
                                    

Andito na ako Ama..

DALIAH, Maari mo bang ipasyal si Prinsepe Edwardo sa ating kaharian?..

Sige Ama.. Tara na Prinsepe Edwardo sumunod ka sa akin..

Pagkalabas nila nang Palasyo ay agad na sumipol si Daliah.. At ilang sandali pa ay Natatanaw na nila ang paparating na puting Kabayo nito..

Hoo.. Kalifa, mamamasyal tayo sa Paligid nang Palasyo kasama si Prinsepe Edwardo..

Umingit naman ang kabayo bilang pagtugon at yumukod ito nang Kunti para Makasakay sya..

Kahanga hanga ang iyong kabayo Prinsesa ngayon lang ako nakakita nang kabayong yumuyukod para lang makasakay ang  Amo nya..

Magaling na kabayo si Kalifa Prinsepe at magaling din si Caspian sa pagtuturo..

Tumango tango si Edwardo.. Caspian pala ang pangalan nang iyong kababata at kanang kamay nang Hari..

At naikwento na pala sa iyo ni Ama ang papel ni Caspian sa buhay ko Edwardo?..

Oo Prinsesa huwag ka sanang magagalit, ganito talaga ako pag interesado ako sa isang Prinsesang Tulad mo.

Wala akong panahon para pakinggan ang iyong pambobola Prinsepe tayo na at nang makabalik tayo nang Maaga..

Pinatakbo nya na ang kabayo at maagap naman na sumabay sa kanya Si Prinsepe Edwardo.

Ang ganda nang Lawa parang nang aakit na magtampisaw tay0 Prinsesa!,,

Ikaw na lang Prinsepe, wala akong balak na magtampisaw na ganito ang kasuotan ko..

Pinagmasdan siya ni Edwardo mula ulo hanggang Paa na ikina ilang nya..

Anong masama sa iyong suot Prinsesa napaka ganda mo halika hubarin mo ang iyong sapin sa Paa at Samahan ako..

Tatangi sana sya ngunit bigla nyang naalala ang sabi ni Amira at Fabian..

"Bakit di mo subukang kilalanin ang Prinsepe "

Kung hindi lang Dahil kina amang at Inang ay-..

May sinasabi ka Prinsesa?..

Wala Edwardo.. Mabilis na syang bumaba nang kabayo at pumunta sa lilim nang isang malaking Puno at hinubad ang kanyang Sapatos.. Pagkatapoams ay itinaas nya ang laylayan nang kanyang kasuotan..at nagpatiuna na sa tubig..

Ngunit may ilang minuto na syang nasa tubig at habang nilalaro nya ang mga ligaw na bulaklak at Ibon ay hindi parin sumusunod ang Prinsepe sa kanya. Lumingon sya sa pag aakalang nasa ilalim pa ito nang puno ngunit nasa likod nya lang Pala ito at muntik na syang matumba sa pagkagulat.. Ngunit maagap siyang nasalo nito

Napaka ganda mo aking Prinsesa!..

Parang nahihipnotismo naman si Daliah.. Sa kauna unahang pagkakataon ay nakita na ang Mukha nang isang Prinsepe..

Nakaka akit ang mga Ngiti nito at ang mga mata nito ay parang nangangako nang isang Tapat at wagas na Pag ibig..

Bitawan mo ako Prinsepe kaya ko ang Sarili ko..

Tumalima naman si Edwardo at inalalayan na lang syang Makatayo.

Tara na ,marami pa tayong pupuntahan sabi nya sa nanginginig na tinig.. Naglakad na sya  palayo at isonuot na ang kanyang sapatos..

HABAng ang nangingiting  Prinsepe ay hindi parin inaalis ang tingin sa kanya..

Huwag mo akong Pakatitigan Edwardo naiilang ako sa ginagawa mo..sabag iwas nang tingin..

Pasensya kana Daliah, talagang hindi ko Maialis ang paningin ko sa iyo aking Prinsesa. 

Kung Gayon ay Alisin mo sa tanawin ka tumingin at huwag sa aking Mukha..

Pagsisikapan kung gawin iyon Prinsesa.. Ngumiti ito sa kanya nang Pagkatamis tamis..

Bakit ganito ang aking nararamdaman simpleng pagtitig lang ang ginagawa nya sa akin ngunit Bakit kay bilis nang tibok nang aking puso.?

Aalis na ba tayo Prinsesa? .

Ang Boses nito ang pumukaw sa naglalakbay, nyang diwa. 

Oo Edwardo Tara na. .


End of Chapter 11





The Lost PrincessWhere stories live. Discover now