Chapter 25

3.2K 97 2
                                    

Andrew's POV

"Boy tara na" bulyaw ko kay Lucas at Lincoln na hindi pa tapos sa pagsusulat. Para namang nakinig sila dun sa tugtog eh pare pareho lang naman kaming mga walang maisagot. 


"Kanino nga ibibigay?" ani ni Phoenix na may huli pang pagsulyap sa papel na hawak niya.  Buti nalang talaga masyadong creative ang utak ko pagdating sa mga ganyang reflection kaya naipasa ko kaagad. Kung ano ano nalang sigurong sinulat ko. Wala naman daw maling sagot eh.


"Tara" -Caleb



Sabay sabay kaming lumabas ng room at naglakad papunta sa cafeteria. Di na talaga ako magtataka na sobrang daming tao ang nakapila dahil halos sabay sabay na nagsisilabasan. Tapos yung iba pang mga teachers nakikisabay sa pagoorder ng kung ano ano. Edi malamang sila mas uunahin dah teacher sila. Eh kami? estudyante lang. Kaya lalong natagal ang pagusad ng pila eh.



"Dun tayo sa kabilang cafeteria. Ayaw ko jan" kalmadong sambit ni Lincolb habang naglalakad palayo samin. Kahit kailan talaga yung lalaking yun daig pa ang babae sa pagkachoosy. Ayaw manlang madumihan eh.



"Tara.  Pakiramdam ko pagkakaguluhan lang ako jan eh" ani naman ni Caleb kaya nilingon ko siya. 



"Agap mo magjoke pare" sarkastikong saad ko at naglakad na kasunod ni Lincoln. Hindi naman kami nagsisi na pumunta dito dahil wala gaanong pila.  Medyo nadagdagan ang hangin palibhasa nandito si Caleb.



"Kailan ba uli magdadala ng bola sabi ni ma'am?" tanong ko sa kanilang lahat habang nakaupo dito sa cafeteria at kumakain. Gamit din kasi namin yung bola sa p.e eh.


"Thursday ata. Kailangan pa daw ba yun?" sambit ni Lucas sabay sipsip sa juice na binili niya.



"Sana. Sa p.e lang ata may chance na tumaas ang grades ko eh. Dun lang ako sinisipag sa lahat" natatawang saad ni Phoenix kaya napangisi ako bigla.  Parang parehas kami ng sitwasyon.




"Nakakaantok talaga kanina no? Parang tanga lang tuloy yung sagot ko dun" -Caleb


"Kailan ba hindi naging boring ang music natin? Di na nga ata tayo makakausad sa history eh" reklamo ni Lincoln na parang samin siya may galit.  Tsk.




"Punta tayong computer shop mamaya?" pagaakit ko sa kanila para naman marelax kami pagkatapos ng klase. Pare pareho naman kaming walang gagawing matino sa bahay.



"Uuwi ba muna ako?" tanong ni Phoenix. Palibhasa kasi medyo malapit ang bahay nila doon kaya yan nalang lagi ang tanong niya.



"Wag na baka di na pabalikin haha" -Caleb



"Sige sasama na ko. Uutusan lang naman ako sa bahay" - Lucas



"May cleaners ba sa inyo?" tanong ko sa kanila pero walang sumagot. Paniguradong hindi ako dahil tuwing monday kami nakaassign. Nalimutan ko pa nga yun eh. Inangawan tuloy ako ni Kaylee. 

"Sige mamaya ah"


Sam's POV


Tahimik akong nagaabang namg teacher ngayon habang kumakain.  Tapos na naman ako sa assignment na iisa lang ang sagot ng lahat kaya nilabas ko na kanina pa yung notebook ko.  Si sir tan nalang talaga ang kulay. Naghihintay na naman ako kung anong pakulo ang ibibigay niya samin habang nagtuturo siya.


"Sam, may ganyan pa sa cafeteria?" nilingon ko yung nagsalita at si Hannah pala. Bihira lang siya makipagusap sa iba dahil sa pagkabookworm. Si Cassandra lang ata ang nakakausap niya ng matagal.


"Alin?"



"Yang kinakain mo? Nagutom uli ako eh" natatawang sambit niya kaya napatingin ako bigla sa kinakain ko. Yung ting-a-ling pala. "Meron pa siguro. Madami pa naman yun kanina" ani ko na tinanguan niya lang. 

"Basta mamaya ha" nilingon ko yung nagsalita ng napakalakas at si Andrew pala. Parang naninigaw na , eh katabi niya lang naman yung mga kasama niya.



Matapos ang ilang minuto pumasok na uli si Hannah na may hawak ng ting-a-ling. Buti binilisan niya, medyo malapit na din dumating-


"Good Morning"



Agad akong umayos ng upo at tinabi ang kalat na nasa desk ko lang kanina. Mahirap na, masyado pa manding mausisa sir.



"Good Morning Sir Tan" sabay sabay na bati naming lahat habang nakaupo. Di ko nga din alam kay sir kung bakit nung tumayo kami para bumati ay agad siyang sumenyas na wag na daw. Yung ibang teachers naman ang gusto may pagtayo pa tapos pag uupo walang magagawang ingay. Tsk.  Basta ang alam ko lang dati sa sinabi ni sir. Basta daw pagbabati kami sa kanya bukal sa puso hindi yung napipilitan lang tumayo. Something like that.




"So kamusta naman ang section na to? Mukhang masaya yata kayo ngayon!" nakangiting sambit ni sir kaya napatawa nalang yung iba kong mga kaklase.  Sanay na kami sa ganyan ni sir bago magdiscussion,  pampalubag loob siguro. Napapansin din siguro niya na halos lahat samin takot sa subject niya.



"Meron tayong assignment ? Right?" aniya.




"Yes sir" nangingibabaw na sambit ni Vince sa unahan kaya naagaw na naman niya ang attention ng karamihan. Masyadong confident ang loko, eh nanggaya lang naman yun panigurado.




"So bago ang lahat. Naintindihan na ba ng lahat yung last na topic natin? Raise your hand. Wag kayong mahiya! Mahirap kasi na umusad na agad tayo sa ibang lesson eh may hindi pa pala masyadong nagegets-" tumigil si sir ng bahagya sa pananalita at naglakad sa edge ng flatform habang nakatingin pa din samin.




"Parang sa pagibig lang din yan diba. Mahirap magmahal ng isang tao na hindi pa tapos magmahal ng iba-"




"Whoaaaaaaaa!" agad na nagsigawan yung mga kaklase ko dahil lang dun sa hugot ni sir. Haha. Corny din talaga eh.



"Wala na ba?" aniya. "Nagets na ng lahat?" dagdag niya pa. 


"Opo sir"


"So okay. Yung assignment niyo please pass nalang after ng ating math time. Makikibigay nalang-  Who's your class president?"



"Yohan po sir"



"Sige. Makikidala nalang sa table ko" nilingon ko si yohan sa may parteng gilid ko at nakitang tumango lang namab siya. Napaka masunuring bata talaga.


*****

Mabilis na lumipas ang oras kaya uwian na namin ngayon. Wala namang halos nangyaring espesyal sa maghapon, kundi yung mga nakasanayan pa din namin. Sa math time kanina , nagdiscuss lang si sir at may kung anong pinasagutan na exercises gaya dati.  Tapos sa last subject naman na tle, wala ng ibang ginawa kundi magpasulat.  Kaya yung mga kaklase ko na music is life ay mga nakaearphones na naman.  Buti nga di sila pinapagalitan eh.  Hays.  Samantalang ako ubos na ang notebook dahil sa pasulat nalang ng pasulat si ma'am. Angs sakit pa sa daliri.



Tapos kaninang hapon naman discuss lang tapos yung iba pa sa mga subject teachers namin ay wala kaya vacant.  Minsan talaga di nawawala yung time na sobrang boring na,  yung tipong mapapaisip ka nalang na sana bakasyon na. Hays.



"Sam may pupuntahan ka pa?" agad kong nilingon si Kaylee mula sa likod at halatang pauwi na siya.




"Meron eh. May pinapabili pa sakin" ani ko kaya nauna na siya.  Nagtext kasi sakin si mama na may pinapabili pa sa aking kung ano.  Dadaan lang siguro muna ako saglit sabay uwi. Gusto ko ng matulog eh.



Worst Section Where stories live. Discover now