"Meron syempre.  Hahaha ang seryoso mo kasi jan masyado" natatawang sabi niya sabay higit ng upuan palapit sakin. 





"Bakit nga pala di ka online kagabi? Wala tuloy akong kachikahan" reklamo niya sakin na may pagpout pa.  Akala lagi ang cute niya sa lagay na yun, eh trying hard lang naman gayahin yung mga pinapanood niya sa kdrama. 




"Wala namang dahilan para magonline pa ko. Wala naman akong matinong kachat tapos ang ingay pa panigurado ng gc natin dahil kina Vince" ani ko na totoo naman kaya di na siya nagsalita.





Nilabas ko nalang ang aking cellphone at tiningnan kung ano bang schedule namin ngayon. Sa pagkakaalam ko, pagkatapos pa ng recess ang math time namin kaya pasalamat sila at may oras pa para magawa yung mga assignments na hindi ginawa sa bahay bahay. Buti nalang talaga at tinamad akong maginternet kagabi kaya nagawa ko lahat ng yun. Medyo di pa nga ako magkaigi sa pagsolve dahil walang guide.  Buti nalang may google.  Hahaha.  Kumare namin yun eh .





"Gabby may eraser ka? Pahiram nga!" nilingon ko si Alex na parang nagmamadali base lang sa expression niya.  Paniguradong naggagayahan na naman tong mga to.





"Anong ginagawa niyo?" takhang tanong ko sa kanya habang kinukuha ang eraser sa pocket ng bag ko. "Baka kasi mamaya mali yung ginagayahan namin, kaya nilapis ko nalang muna tsaka ko nalang ichecheck" ngisi niya sakin kaya binigay ko na yung pambura.





Hays.  Pilot section kami at hobby nila ang teamwork.  Di ko naman sinasabi na di rin ako kasama sa kanila , pero minsan lang naman.  Lalo na't sobrang hirap talaga ng assignment.  Pero sinipag kasi talaga ako kagabi kaya hindi ako kaisa sa kanila.  Haha.  Pasalamat nalang talaga kami at walang nakakaalam sa mga teachers namin kahit na ang adviser.  Wala naman kasing magaabala pang magsumbong dahil pabor din naman sa lahat.  Sama sama kaming babagsak pag nagkataon.




Biglang bumukas ang pinto sa pagaakalang si ma'am na pero niluwa nun si Matt at Iggy.  "Ano ba yan! Kinabahan ako dun ah" reklamo ni Chloe habang nakatayo at hawak ang notebook niya.





"Ano yan? May assignment ba tayo? Hala pagaya din. Wait lang" tarantang bungad ni Iggy habang mabilis na nilalabas ang notebook niya.





Tahimik kong pinagmasdan si matt at umupo lang naman siya at kinausap ang magaling kong kapatid. Halata namang may sagot na siya dahil kalmadong kalmado ang koya mo.  Responsable nga.




"Oy guys. Bilis andyan na si ma'am science" bulyaw ni Phoenix mula sa labas kaya dali daling magsitakbuhan yung mga squad. Natatawa nalang ako pag naiisip ko kung gaano kagulo at kasaya ang section namin. 



"Good Morning Class"




"clap.clap.clap. Good Morning Mrs. Cruz" sabay sabay at malakas na bati namin pabalik. Hays. Sadya talagang maganda ang bati namin kasi umaga pa lang at unang subject.  Pero sa mga kasunod? Asahan niyo ng gulo gulo. 




"May assignment ba tayo?" bungad na tanong niya samin kaya nagtaka ako bigla.  Mabilis kong binuklat ang notebook ko at wala naman.




"Wala po ma'am" sagot ng karamihan samin.





"Wala ba? Akala ko binigay ko sa inyo yung exercises na nasa module!"



"Hindi po ma'am"

"Wala namang binibigay diba?"

"Oo nga.  Wala naman din sa notebook ko"




"Wala po ma'am" kabi kabilang bulyaw ng mga kaklase ko kaya napangiwi nalang si ma'am sa unahan. Sa dami ba naman namin laban sa isa?





"Sa ibang section ko pala ata naibigay. Sorry" ani ni ma'am sabay buklat ng librong dala niya kanina. 




Si Mrs.  Cruz ang subject teacher namin sa science at siya din ang adviser namin. Kung titingnan niyo siya, parang single pero may asawa at anak na . Sabi niya kasi samin, maaga daw siya nainlove kaya ganun.  Pero di naman daw siya nagsisi kasi pareho na silang successful at science teacher ng asawa niya.  Tapos ang gwapo pa ng anak nila.  Kaya yun, relationship goals nga daw sabi nung mga kaklase ko.





"Anyways, bago ako magdiscuss ng topic natin ngayon. Gusto ko munang icongratulate ang lahat ng mga nakapasa sa audition sa brass band. Lalo na kayo" nakangiting tugon niya kaya umingay na naman ang paligid. 





"Whooooo.  Ma'am magpapakain ka diba?" natatawang sambit ni Vince kaya umalingawngaw na naman ang tawanan sa buong room kasama si ma'am.




"Oo nga. Tsaka ma'am wag na muna tayo magklase.  Nakapasa naman kami" ngisi ni Caleb kaya lalo ng umingay.




"Oo nga ma'am.  Regalo niyo na samin"-Iggy





"Vacant na yan!" bulyaw ni Phoenix. 






"VACANT NA YAN!" sigaw ng lahat.  Pinagmasdan ko lang si Ma'am at halatang nagpipigil lang siya.  Wagas naman kasi makaburaot mga kaklase ko. 




"Ano ba kayo? Baka mamaya makita tayo dito ni ma'am.  Yari ako neto" katwiran ni ma'am kaya biglang tumahimik ang lahat. 




"So, let's begin the discussion" kalmadong sambit niya kaya puro reklamo na naman. 

Worst Section Where stories live. Discover now