Title: Nakataling Puso
Username: Sponggyana
Genre: Tragic - Comedy
Naaalala mo pa ba? Ang mga masasayang araw no'ng tayo'y bago pa lamang?
Nakakatawang isipin. Dalawang araw palang kitang sinasagot pero sobrang lapit na natin sa isa't-isa ngunit hindi maitatago ang bakas sa aking mukha nang pagkahiya. Ako'y hindi sana'y do'n. Lumaki akong may takot sa mga lalaki ngunit binago mo ito.
Naging komportable ako sa 'yo buhat nang manligaw ka sa akin. Walang pag-aalinlangan kitang sinagot. Nalaman na rin ng mga magulang ko ang tungkol sa atin. Nakuha mo ang tiwala nila. Hanggang sa maging legal na tayo sa lahat ng taong nakakasalamuha natin.
Naaalala mo ba? Iyong kasalukuyan kaming gumagawa ni Aaron ng proyekto namin sa asignaturang ingles? Iyong naabutan mo akong pinagmamasdan ang mga alapaap na siyang naging sanhi ng ating pagmamahalan.
Pinaupo kita sa tabi ko't hindi ako mapakali dahil sa kilig na nararamdaman. Hindi ko nga mawari kung talaga bang may kapangyarihan kang magpakilig o natural na iyan sa iyo. Nakakatawang isipin na ang kengkoy mong tignan ng mga araw na iyon.
Ako'y iyong hinatid. Habang naglalakad tayo ay seryoso kang nagkukuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa iyong pagkabata. Sinabi mo sa akin na nakakain ka ng tae ng manok kaya ganiyan ang ugali mo. Halos hampasin kita ng bag ko sa sobrang tawa. Hindi na nga rin ako makahinga. Nangangawit na rin ang aking likod kakatawa.
Ikinuwento mo pa sa akin kung paano ka nadapa at sumubsob ang iyong mukha sa tae ng aso ng kapit-bahay ninyo. Asar na asar ka nga no'n ayon sa k'wento mo.
Gayon nalang ang tawa natin no'ng mayamaya'y nakatapak ka ng tae. Umakto pa akong nababaho-an sa iyo't lumayo. Kiniskis mo ito sa mga damo sa paligid natin na lalong nakapagpalawak ng amoy nito. Tinawanan lang kita nang tinawanan.
Gano'n at gano'n lang ang nangyayari. Tumagal ang relasyon natin ng dalawang taon. Hanggang sa ang aking kamay ay hingin mo sa aking mga magulang. Walang pag-aalinlangang ibinigay nila ako sa iyo. Ikinasal tayo pagkalipas ng apat na taon. Nagsama sa iisang bubong. Kumakain nang sabay at namumuhay nang magulo
Oo.. magulo nga.
"Pwe!" kasalukuyan tayong kumakain ng ating almusal, bigla mong idinura ang ulam na iyong nginunguya. Ano na naman bang problema?
"Walang lasa. Hindi ka ba marunong magluto? Tangina naman, Shen! Sa tinagal-tagal nating magkasama, hindi mo pa rin 'yan alam?" Galit na galit mong ibinagsak nang malakas ang iyong dalawang kamay sa mesa. Tila ba hindi alintana kung mabasag man ang mga pinggan.
Sa pagkaka-alam ko'y nilagyan ko ng asin, pampalasa at kung ano-ano pa iyon. Yumuko na lamang ako upang hindi na ako makapagsalita pa. Ayoko na sanang pahabain pa ang away na magsisimula na ngunit bigla mong hinila ang aking buhok.
"Kainin mo 'yan! Ikaw ang umubos niyan!" singhal mo sa akin na para bang isa kang demonyong galit na galit sa mga anghel. Ang iyong mga mata wari'y nag-aalab sa t'wing didilat ito.
Hindi ako natakot sa iyo. Hindi dahil sa matapang ako, kung 'di dahil sa nasanay na ako. Umalis ka sa harap ko, nagtungo ka sa banyo't naligo. Nanatili ako sa harap ng hapagkainan. Nakatulala't sinasariwa ang mga ala-ala no'ng tayo'y bago pa lamang. Nakakatawang isipin na ako'y alipin mo. Nakakatawang isipin na sana'y nababalik pa ang lahat.
Buong buhay ko'y naging sunod-sunuran ako sa 'yo mula nang mag-isa ang ating mga dibdib. Pinakawalan ako ng mga magulang ko upang manatili sa iyong tabi. Sa una'y hindi mo ako kayang galusan, ngunit sakit ang naranasan ko mula sa iyo. Kasa-kasama mo ako no'n sa lahat ng lakad mo. Bakit ngayo'y iniiwan mo ako mag-isa gayong maselan ang pagbubuntis ko't kailangan kita?
"Shen!" Lumingon ako sa gawi mo't lumabas ka ng banyo. Wala kang kahit ni isang saplot sa iyong katawan. Ako'y napapikit---yumuko na tila ba hiyang-hiya.
"H'wag ka nang pakipot. Tara na't gawin na natin iyon," hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang lakas para sabihin sa akin ang mga katagang iyan? Dati-rati'y mataas ang respeto mo sa akin. Bakit nagbago ka?
Ako'y walang imik. Alam kong sa anomang sandali, ika'y magwawala na naman. Sinunod kita sa lahat ng gusto mo. Ginamit mo ako kahit alam mong buntis ako. Pinag-sawaan hanggang sa ika'y makuntento. Hindi man lang ako nakaramdam ng kahit kaunting pagmamahal sa ginawa mo. Pagkatapos no'y itinulak mo na lamang ako. Gan'yan ka na ba talaga ka walang puso?
Umalis ka ng bahay, naiwan akong mag-isa. Umiyak nang umiyak ngunit walang nagawa. Minsa'y iniisip ko kung dapat na ba kitang pakawalan? Alin ba ang susundin ko? Ang puso kong nagsasabing mahal kita o ang utak kong nagsasabing papel lamang ang nagkokonekta sa ating dalawa?
Hindi ko na rin kaya. Gusto ko na ring lumisan. Ilang beses na akong nagtakang umalis ngunit ako'y iyong naabutan. Pinagsasampal, binugbog, sinigawan at pinagbabantaang papatayin. Hindi batid ng aking magulang ang aking kalagayan. No'ng minsa'y dumalo sila sa ating tahanan, napasulyap sila sa aking katawan, may iilang galos at pasa akong natamo galing sa mabibigat mong kamay. Pina-ikot mo ang ulo ng mga magulang ko't sinabing madalas akong mahilo sa pagbubuntis kaya't akin 'yang natatamo.
Marahil nawala na ang asin at pampalasa na inilagay natin sa ating pagmamahalan buhat nang tayo'y ma-ikasal. Nawala na rin ang sangkap na siyang magbibigay kulay sa ating dalawa. Nawala na rin ang sustansyang magbubuklod sa ating pagsasama. Siguro dahil sa maaga pa. Maaga pa't hindi pa hinog ang ating pagmamahalan.
Lumipas ang ilang araw, gano'n at gano'n pa rin ang nangyayari sa t'wing tayong nagkikita.
Isang araw ay bumisita sa ating bahay ang aking matalik na kaibigang si Aaron. Batid niya kung ano ang kaganapan sa ating buhay. Batid niyang minamaltrato mo ako ngunit sinarili niya ito.
Umuwi ka sa ating bahay, lasing ka't pa-gewang-gewang ang paglalakad. Inaakay kita ngunit sinampal mo ako. Nalaman mong bumisita si Aaron dahil sa chismis ng ating mga kapit-bahay. Ang akala mo'y may namamagitan sa aming dalawa.
"Wala, Joshua. Mali ka ng iyong inaakala." Tumatangis akong nagmamakaawa sa 'yo na h'wag na akong saktan muli. Ilang beses na akong dinugo dahil sa iyo. Ayokong mawala sa akin ang anak ko.
"P-paki-usap, h-huminahon ka," garalgal ang tinig ko habang nakiki-usap sa 'yo ngunit hindi mo ako pinakinggan. Sinuntok mo ako sa aking mukha, tinadyakan sa sikmura hanggang sa ako'y matumba, pinatayo gamit ang pagsabunot mo sa aking buhok, inuntog nang malakas ang aking ulo sa pader.
Tanging pag-inda ng sakit at pagtangis ko lang ang iyong naririnig. Hindi ako lumalaban. Tanging pagwawala mo lang at ang galit mong boses ang naririnig. Gusto kong maghiganti sa 'yo. Tipong gusto kong malaman mong nasasaktan din ako--- Na tao rin ako.
Sinubukan kong tumayong muli upang mahimasmasan ka ngunit ako'y muli mong tinadyakan.
"Malandi ka! Ang dapat sa 'yo ay turuan ng leksyon!" Sa sobrang galit mo'y hindi mo na alam ang tama at mali. Hindi mo na alam na ako ang babaeng minahal mo---limang taon na ang nakakaraan.
"H-h-indi ko s'ya la-lalaki. Ka-k-kaibigan k-ko si A-aaron." halos mapatid ako ng hininga sa bawat sakit na ginagawa mo sa aking pisikal gayon din sa aking puso. Nakatali ito sa 'yo't hindi ko alam kung paano kakalasin sapagkat ika'y mahal na mahal ko.
Batid mong nagsusuka na ako ng dugo ngunit pinabayaan mo nalang akong nakahiga sa malamig na sahig. Pumutok na rin aking labi't ulo dahil sa sunod-sunod mong suntok. Ako'y muling dinugo. Umalis ka't nagtungo sa itaas upang kumuha ng pamalit sa iyong damit na nabahiran mg dugo.
Isa lang ang paraan para masulusyonan ang lahat. Patawad, anak. Kung hindi mo na masisilayan ang iyong ama.
Kinuha ko ang lahat ng lakas ko upang makatayo. Kinuha ang punyal at pinuntahan ka sa ating k'warto. Abala ka sa pag-aayos ng iyong mga damit.
Ako'y iyong sinulpayan. Nakakalakad at may hawak na punyal. Lumaki ang iyong mga mata sa pag-aakalang ikaw ang papatayin ko. Huli na para magsalita ka pa't itinarak ko sa sarili ko ang punyal gaya ng iyong nais.
Isang malakas na pagtawag sa aking pangalan ang huli kong narinig mula sa iyo.
WAKAS..
YOU ARE READING
Random Stories Compilation.
PoetryONLY -- Short Stories/One Shot Stories/Flash Fictions and so on.. Poem Excluded...
