Helen's
"Practice makes perfect, Helen. Paano tayo aakto na parang inlove sa isa't-isa if we don't start now. And by the way, we are having a date tonight."
"What?" Baka nagkamali lang ako ng pandinig sa sinabi niya.
"Date."
"At sinong nag-sabing makikipag-date ako sa iyo? Have you lost your mind?"
"No, I haven't and what a day this is. Ikaw ang magigng date ko mamayang gabi sa party ng law firm na pag-aari ng kaklase ko noon." Binaling niya ng pansin ang mga dokumento na nasa mesa niya. "Ipapa-deliver ko na lang ang gagamitin mong damit mamaya."
"Teka!" Tinapik ko sya sa braso. "Ano ang koneksiyon nito sa pagpapanggap natin sa lola mo? Wala naman, 'di ba? So, hindi na lang ako pupunta, ha?"
Hindi kasi ako sanay sa mga party na iyon lalo na kung ang mga makakasalamuha ko ay mga dekalibreng mga tao. Baka mapahiya lang ako doon or worst, baka mapahiya si Rex dahil sakin. I'm not fond of attending nights of well-mannered frivolity. Hindi dahil sa ayaw ko lang talaga mag-suot ng high-heeled shoes! Gaga talaga ang rason ko pero hinding-hindi ako pupunta. Kiss my ass.
"You have to accompany me. Dahil hindi lang Lola ko ang pagpapaniwalain natin." Paliwanag niya sa nababagot na tinig. "I want to send some women away."
"Some unwanted admirers, eh?" Ani ko sa nanunuyang tinig. "Ako pa ang gagamitin mo. Now, tell me. Sino pa ang kailangan nating pagpaniwalain sa kasinungalingan ito, Attorney? Mukhang marami-rami rin iyang balak mo."
He just waved his hand dismissively. Senyales na pinapaalis na ako. Gusto kong umalma pero hindi ko na lang itinuloy. Walang lingon-likod na akong lumabas ng opisina niya. Ni hindi na ako nagpaalam kay Ate.
Ano ba itong gulong pinasok ko? Will I be able to control myself when I'm with Rex? Gayong sa simpleng ngiti lang niya natutunaw na ako. Mahirap pa namang mainlove sa isang abogadong cold-hearted na may nakakatunaw na ngiti.
Hindi ko maipinta ang mukha ko habang pinagmamasdan ko ang Chinese dress na ipinadala ni Rex sakin. Isang red, Chinese-inspired silk dress na halos kalahati ng aking legs ang mai-expose kapag isinuot ko ito, sleeveless at hindi ko alam kung balak ng designer nito na sakalin sa leeg ang susuot ko dahil hapit na hapit sa leeg ko ang collar na to. The dress was paired with a three inches stiletto shoes. Balak ba akong patayin ng lalaking iyon?
Napansin kong may naka-ipit na note sa dress na to. Binuksan ko ito at binasa. It was from Rex.
Be sure to wear this, Helen. I know you'll look good on this.
"Duda ako sa taste mo. Parang costume party ang dadaluhan natin." Mahinang sambit ko sa sarili ko saka tinungo ang banyo. Hindi ko gustong pumunta pero kailangan. Pumayag na lang ako sa gusto niya, sasagarin ko na lang. Saka na lang ako hihingi ng santambak na pera kay Rex oras na matapos na ang pagpapanggap namin. Sisiguraduhin kong luluwa ang mga mata niya sa halagang hihilingin ko.
With that in mind, I entered the bathroom with a smile on my lips. Napangiti ako nang bumagsak ang tubig sa katawan ko. Nahahapo ako sa ginagawang pag-iisip araw-araw tungkol sa sitwasyong pinasukan ko. I applied a generous amount of my favorite body wash para linisin ang aking katawan nang marinig ko ang pag tawag ni Ate Cathy.
"You're not going anywhere, Helen!" Nanggagalaiti ang boses ni Ate Cathy. Ano bang nangyayari sa kapatid ko?
"Wait, Ate!" Agad na ako nag banlaw ng aking katawan kahit hindi pa ako kuntento sa ginawa kong paliligo. Bakit ba ganoon na lang kung mag-dabog si Ate Cathy? Sigurado namang alam na ni Ate ang tungkol sa kasunduan namin ni Rex.
Lumabas na ako nang banyo saka gulat ko pinagmasdan si Ate na nakapamulagat sa akin. "Ate, kabuwanan mo ba ngayon?"
Halos hilahin na ako ni Ate pa-upo sa dining chair namin. "Don't go with him, Helen. Hindi mo pa kilala ang boss ko. Masyado pang maaga para sa date na iyan."
Bumuntong-hininga na lang ako. "Estupida na ba talaga ang tingin mo sa akin Ate?"
"Helen..."
"Pinili ko ito dahil gusto ko. Matanda na ako, for God's sake, Ate! Maaaring ikonsidera ko ang mga payo mo sa akin but the decision is still mine to make. Hindi mo hawak ang buhay ko." Nakasunod parin ako ng pumasok si Ate sa kanyang silid. "Kung nag-aalala ka na ma-in love ako sa boss mo, then, worry no more, Ate. Hindi ko forte ang mga kagaya niya. Pumayag lang ako sa alok niyang ito dahil gusto kong kumita ng pera."
"Kung nag-apply ka lang sana ng trabaho, Helen-..."
"I know that wasn't the right reason. Pero, para anupa't naging business student ako noon kung hindi ko gagamitin ang pagiging ma-utak ko? He might be a lawyer pero hindi iyon magiging dahilan upang magpakatanga ako sa bawat desisyon niya. Watch me, Ate."
Alam ko na marami pa syang sasabihin pero mas pinili na lang niya na hindi na mag-salita pa. Pagod na ako na palagi na lang tinuturing na isang bata. Simula noong mamatay ang mga magulang namin ay hindi na ako binigyan ng panahon para huminga sa sarili kong mundo. Pati mga trabaho na gusto kong pasukanhindi ko nagagawa dahil si Ate Cathy na ang nagdedesisyon para sa akin.
At first, okay lang naman sa akin iyon, pabor pa nga iyon dahil hindi ko na kailangang mag-isip. All I had to do was to pass the necessary requirments and the interviewers. Pero ginagawang miserable ni Ate Cathy ang lahat. Gusto niya kasing makahanap ako ng isang trabaho kung saan mataas na kaagad ang posisyon ko. Which is impossible dahil fresh graduate nga ako.
"I'm going. Kahit na hindi mo ako papasukin dito sa bahay mamaya pag-uwi ko." Mataman ko siyang pinagmasdan. "Magbibihis na ako, Ate."
Lumabas ako ng silid niya na sambakol ang mukha. Bahala na sya kung ano ang isipin niya. Mahal ko si Ate Cathy dahil kapatid ko siya. Kaya lang, hindi ako papayag na habang-buhay niya pamahalaan ang buhay ko.
Hello Guys! Hindi ko na idedelete ang isa kong story pero hindi na ako mag uupdate doon. Mianhae✌ Keep voting please KAMSAHAMNIDA😘😘❤
YOU ARE READING
The Game of Lifetime (ON GOING)
Short StoryHave you ever tried to play a game in your life? A game about love... where heart is at stake? Tahimik ang pamumuhay ni Helen nang bigla na lang dumating sa buhay niya ang demigod na si Rex Ferrera. Isa lang naman ang nais nitong mangyari---- be his...
