One

74.1K 1.1K 219
                                    

❇ SARAH VALINEGER ❇

May mga tao talagang nakita mo pa lang maba-badtrip ka na. Yung kahit walang ginagawa sayo ayaw mo na.

Narinig ko ang katok mula sa labas ng kwarto ko.

"Busog pa ako paki sabi! " Sigaw ko mula sa loob ng kwarto ko.

Gutom na ako! Gutom na talaga. Pero kaya kong tiisin ang gutom ko wag lang makita ang kapatid kong si Sandra.

Nakarinig na naman ako ng katok. Inis akong tumayo at pinagbuksan ito ng pinto.

"Ano ba! Sinabi ko nang-" Agad naputol ang sasabihin ko ng si Mommy ang tumambad sakin.

"Sarah , Bumaba kana doon! Wag mong hintayin na ang Daddy mo pa ang umakyat dito. "

Napairap nalang ako. "Tss. Whatever!"

Sumunod nalang ako kay Mommy at Bumaba na din sa Kitchen. Bumungad sakin ang Pagmumukha ni Sandra.

Inirapan ko ito bago Umupo.

"Sarah , Kapag pinatawag kita para kumain ay sumunod ka! Wag mong pinaghihintay ang pagkain." Kita ko ang inis sa mukha ni Daddy.

"Pag sinabi kong hindi ako kakain, Hindi ako kakain! " Balik kong sabi.

"Sarah. Stop acting like a child! Wag kang bastos! " Galit na sabi sakin ni Mommy.

Nakita ko ang pag-irap sakin ni Sandra.

Akala mo kung sinong Anghel. Eh mas masahol pa nga siya sakin. Kung ako bastos sa salita, Siya naman ay bastos sa galaw. 👏

"Hayaan niyo siya Mom , Dad. Masyado lang isip bata si Sarah. " Singit naman ng Anghel kong kapatid.

Isip bata your face! 😒

"Bakit hindi mo na lang gayahin tong kambal mo? Matino at hindi bastos gaya mo! " Sabi ni Dad.

Padabog kong inilapag ang hawak kong tinidor at kutsara.

"Hindi ako bumaba dito para lang makinig sa Misa niyo. Bumaba ako dito para kumain at hindi para ipagaya kay Sandra at mas gugustuhin ko pang maging ganto kabastos sa harap nyo. Atleast totoo ang pinapakita ko. Hindi katulad ng iba na kung umasta akala mo hindi masama. Excuse Me." Inis akong Tumayo.

"Saan ka pupunta Sarah? " Tanong ni Sandra.

"Lagi akong nawawalan ng gana tuwing nakikita ko yang pag mumukha mo. Enjoy your dinner. Eat well." Sarcastic kong sabi.

Hindi na ako lumingon kahit rinig ko ang galit na boses ni Daddy habang tinatawag ako.

The Hell I Care? Mas gusto nga nilang wala ako dito sa bahay. Kung ituring nila ako ay para bang hindi nila ako anak. Nang dahil sa kakambal kong si Sandra nasira ang tiwala nila Mommy at Daddy sakin.

Akala mo kung sinong anak na napakatino. Kung ipag-malaki akala mo may ipagmamalaki.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko at naligo. I need air. Pag nandito ako sa bahay ay daig ko pa ang hinihika dahil hindi ako makahinga. Para akong binalutan ng plastic sa mukha.

Nang matapos akong maligo ay agad din akong nagbihis. Simpleng pants and white sando croptop with black chocker.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Sarah Maldita (COMPLETED) /EditedWhere stories live. Discover now