Basher Ako Ng BTS

81 9 1
                                    

Lia's POV

  "Ano nanaman bang problema mo lia? Bakit ba galit na galit ka sa bts?" Galit na galit na tanong sakin ni Isay. My bestfriend.

"Diba kinuwento ko na naman sayo? Hindi pa ba malinaw yun sayo?!"

Tumayo na ko. Mag lalakad na sana ako palabas ng classroom nung bigla nya akong hatakin ulit paupo sa sarili kong upuan.

Tinignan ko sya nang masama. "Ano ba?!" Sigaw ko na nakapag-patigil sa kanya. Halata ko sa mga mata nya na naaawa sya sakin.

Ugh! Ano bang nakakaawa sakin?

Umiwas na lang ako ng tingin. Pinag-masdan ko ang itsura ng classroom namin. Mahahalata mo talaga na puro kpopers ang mga studyante dito dahil sa mga picture na nakadikit sa mga ding-ding. Pati teacher ko fan ng BTS kaya laging mainit ang ulo sakin.

Minsan nga naiisip ko. Bakit kaya hindi pinapagalitan ng principal si Ms. Shane, tuwing bumibisita sya dito sa classroom namin.

Aba! sumasakit na nga ang mga mata ko dahil sa mga nakadikit na picture sa ding-ding.

Tsk! Bakla.

Puro na lang BTS, BTS, BTS,  Nakakairita na!

"Lia, Bakit hindi ka na lang ulit bumalik sa dati? Ung dating fan na fan ka ng bts, yung dating mahal na mahal mo sila--."

"Pwede ba?! Wag mo nang ibalik ang nakaraan dahil matagal nang wala yon. Past is past."

Napa-face palm sya ng dahil sa sinabi ko.

"Lia naman, maawa ka naman sa sarili mo. Lagi ka na lang nabubog-bog ng mga fans nang dahil sa pang babash mo sa BTS---."

"BTS BTS BTS K*NGINANG BTS YAN!" Sigaw ko sa kanya.

Muli akong tumayo at mabilis na nag lakad palabas ng room. Narinig ko pang itinawag nya ang pangalan ko pero hindi ko na yun pinansin pa at nag tuloy-tuloy na lang sa pag-lalakad.

Pumunta ako sa kung saan maraming mga studyante.

Sa may covered court. Umakyat ako sa may stage at kinuha ang mic sa babaeng kumakanta ng kpop songs.

"Hi sa mga kpop fans dyan. Gusto ko lang mag confess. I mean matagal ko na talaga tong balak pero tinamad ako nung mga time na yun." Ngumiti ako kahit na napaka-fake nun.

Tinignan ko ang lahat mga studyante sa buong covered court. Lahat sila sakin nakatingin at mukhang hinihintay ang mga susunod kong sasabihin. Yung iba parang nanggigil na at gusto na akong sugurin, yung iba naman ay kalmado lang.

Bumuntong hininga muna ako bago mag salita. Aaminin ko, medyo kinakabahan ako sa mga susunod na sasabihin ko pero ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na to eh. Ang kailangan ko na lang gawin ay panindigan.

"Kayong mga fangirls, fanboys. Minsan ba naisip nyo kung gaano kahirap maging fans? Hindi ba kayo nag-sasawa? First of all, ni hindi nga kayo napapansin nyang mga yan. Hindi kayo kilala, lahat ginagawa nyo para sa mga favorite nyong group. Lalo na ang BTS. Minahal nyo sila ng sobra pero ano? Hindi kayo kilala diba? Oo mahal nila kayo, pero bilang fans lang." Nag ingay ang ibang mga studyante dahil sa sinabi ko. Yung ibang mga girls. Alam kong sa mga oras na ito ay gusto na sila akong saktan dahil sa galit pero pilit parin nilang pinakakalma ang kanilang mga sarili.

"What?! Galit kayo sakin? Nanggigigil kayo sakin. Why, Kasi masakit yung sinabi ko? Don't worry guys. Truth hurts. Sakit maging fanzoned diba? How painful? Yun ba ung tipong parang winawasak na yung puso mo? Yung tipong ikamamatay mo na sa sobrang sakit?! Kaya sana naman, magising na kayo sa katotohanang hindi nila kayo mamahalin gaya ng pag mamahal nyo sa kanila. KAYA GUYS! TIGILAN NYO NA YAN. SAKIT LANG ANG IDUDULOT NYAN SA INYO! WALA KAYONG MAPAPALA DYAN? HINDI KAYO SUMESWELDO DYAN GUYS! LALO NA YANG BTS? ASAN ANG GWAPO DUN? ASAN?! BULAG BA KAYO? BALANG ARAW MA DIDISBAND DIN YAN GUYS! TIGI---."

Basher ako ng BTS. ( One-shot )Where stories live. Discover now