Chapter 46:Elemental Forest 1.2

Start from the beginning
                                    

"N-Nasaan ba ako?"
tanong ko sa sarili ko.

Mayamaya ay naalala ko na lang na kasama ko nga pala dito si Akihito.
Nagpalingon-lingon pa ako para hanapin siya at nakita ko siyang walang malay na nakakulong sa ilalim ng....TUBIG?!

Tumalon ako para sumisid pero sumakit lang ang noo ko.Parang may glass sa ibabaw ng tubig na ito dahilan para hindi ko yun masisid at hindi ko siya mailigtas.

"Curse you!"sigaw ko habang pinagsusuntok ko ang ibabaw na ito kung saan ako nakatayo.

"Mukhang mahalaga nga siya sayo"
said by a voice.

Napatingin ako sa gawing likuran ko.
Nakita ko doon si Aruwahe,ang god of water. Nakangiti siya sa akin.Linapitan ko siya para hingin ang tulong niya.

"Please,tulongan mo akong mailigtas si Akihito."pagsusumamo ko.Pero umiling lamang siya.Bahagya akong lumayo sa kaniya ng may malaking alon ang naporma sa likod niya. Napakalaki nito.

"Anong ibig sabihin nito?"tanong ko sa kaniya saka nagsummon na rin ng water tsunami sa likod ko.

"Talunin mo ako at pakakawalan ko si Prinsipe Akihito"sabi niya ng mahinahon.

Walang anu-ano pa ay sinugod ko siya.
Nagtagpo ang aming mga alon na ginawa at mayamaya ay naglaho ito.Gumawa ako ng water tornado. Pero nawala iyon ng sumugod yun kay Aruwahe. May shield siya.

"Hindi mo ako matatalo kung sugod ka lang ng sugod,Arianna.Anong nangyari sa mga itinuro ko sayo?Huwag mong sabihin nakalimutan mo yun lahat."sabi niya na may halong pagkadismaya sa boses niya.

Tama,yun nga!
Pasimple akong yumuko at hinawakan itong tubig na parang may glass sa itaas.Matapos nito ay may parang whirlpool ang nabuo.Hinigop nun si Aruwahe at doon ay ginapos ko ang paa at kamay niya gamit ang water laces ko.

"Maraming salamat sa mga naituro mo"
nakangiti kong sabi.

Tumango naman siya at nawala ang atake kong yun. Nakita ko naman na gising na si Akihito at nagpupumiglas sa ibaba. Linangoy ko siya doon at iniahon dito sa kanina kong kinatatayuan.Kahit siya nabigla din dahil nakakatayo na kami sa itaas ng tubig.

Biglang may lumabas na kulay asul na pinto sa likuran ni Aruwahe.At agad namang lumiwanag ang mga gems namin.Nawala iyon at nagbalik ang aming mga birthmark.Nagkatinginan kami ni Akihito dahil dun.Kunot noong hinarap ko si Aruwahe.

"Patawad po sa pagtatanong pero,bakit naglaho ang gems namin?At nagbalik ang aming mga birthmark,sa simula ano na nga po ba ang dahilan at naging gems sila" sunod-sunod kong tanong sa kaniya

"Alam ko na darating ang araw na magtatanong din kayo,pero hahayaan ko na lang na ang mga alaga niyo ang magpaliwanag" nakangiti niyang sagot.

Tumango na lamang ako.
Simula pa man kanina ay wala nang imik si Akihito,at napansin ko na yun.Mamaya ko na nga lang siya tatanungin.

"Maraming salamat"sabi ko.

"Mag-iingat kayo"sabi naman niya.

Walang ingay na pumasok kami ni Akihito sa pinto.



















Minho's POV

Nandito ako ngayon nakatayo sa isang madamo at mabulaklaking lugar.Mula sa malayo ay natanaw ko si Erina na ang itsura ay may hawig sa kung ano ang ayos at itsura ng mga elemental pets nila kanina.At aaminin kong ang ganda niya sa ayos na yun na parang goddess siya.Pero iba ang awra niya at kulay berde ang kaniyang mga mata.

Lumapit ako sa kaniya.
Ngunit ang mga mata ay sadya ngang mapanuri. Nabigla ako sa pagbabago niyang ito.

"Ikaw marahil si Prinsipe Minho,the Earth Prince"wika niya sa isang mataray na boses.

"Ako nga po,nasaan po ba si Erina.
Hindi po ba siya ikaw?"tanong ko ng painosente

Napakunot noo naman ako ng tumawa lang siya ng mahina.Alam kong hindi nga siya ito pero,mukha niya pa rin ang nakikita ko.

"Ako si Nathya,ang Earth Goddess,at nandito ka para sa aking pagsubok.
Mahal mo ang aming prinsesa tama ba?"tanong nito kaya naman ay tumango ako.

"Kung gayun kaya mo siyang ipaglaban"
nakangiti niyang sabi saka lumabas ang isang napakalaking earth golemn.

Agad ako nitong inatake kaya naman ay umiwas ako.Gumamit ako ng vines para matumba at hindi naman ako nabigo.
Mula doon ay tumalon ako para  tanggalan siya ng mga mata pero tumilapon ako ng mahagip ako ng malalaki niyang kamay.

"Aish,..."usal ko sabay punas ng dugo sa labi ko na bunga ng malakas na pagkatilapon ko.

"Huwag mong hahayaan na matalo ka prinsipe, kung ayaw mong lumabas na hindi kasama ang prinsesa mo."
nakangiti niyang sabi. Dahil dun may kung ano ang nagising sa kaloob-looban ko. Inatake ko ang aking kalaban without thinking straight. Hanggang sa nakita ko na lang siya na nakahandusay sa lupa at wala nang dalawang mata na nasa aking kamay na ngayon,agad ko naman iyon nabitawan.

"Hahahaha,magaling,magaling mahal na prinsipe"sabi niya saka umilaw ang aming mga gems.Natanggal iyon at naglaho.Bumalik naman ang aking birthmark.Ganun din siguro ang kay Erina.

Biglang dumating ang kulay berdeng pinto.Ngumiti ang goddess at humiwalay sa katawan ni Erina.Nawalan naman ng malay si Erina kaya agad ko naman itong nasalo.

"Hala,pumasok ka na diyan at nauubusan na kayo ng oras"sabi niya saka kami itinulak papasok ng pintuan.

Binalot kami ng liwanag at wala na akong nakita.....



































~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•













The Four ElementalsWhere stories live. Discover now