Chapter 45:Elemental Forest 1

Start from the beginning
                                    

"Hindi mo siya makukuha not unless malagpasan mo ang aking pagsubok.
Ako nga pala si Ayna,at Prince Andrei ito ang iyong pagsubok....."sabi niya ng hindi ibinubuka ang bibig niya. May nagsilabasang 20 puting pintuan.

Kinapkap ko naman sa bulsa ko ang puting susi na nasa akin.Ano kaya ang pagsubok na kaniyang ibibigay?

"Sa dalawampung pinto na nasa harapan mo ngayon,bibigyan kita ng limang pagkakataon para piliin kung alin sa kanila ang totoo"nakangiti nitong pahayag.

Imposible ang gusto niya.
Sa papaanong paraan ko ba iyon matutukoy eh ngayon ko palang iyon nakita.

"Po?Parang imposible naman ata ang iyong nais,papaano ko po ba mapipili ang totoong pinto kung ngayon ko lang po iyon nasilayan?"tanong ko sa kaniya.Napakunot naman ang kaniyamg noo.

"Kung sa tingin mo ito ay imposible,gawin mong posible,Mahal na Prinsipe.Ang hangin ay sumisimbolo ng matinding pakiramdam.Ngayon,ipakita mo sa akin kung ano ang meron ka mahal na prinsipe,ipakita mo na karapat-dapat ka sa pagmamahal ng magandang dilag na ito."nakangiti niyang salaysay.

"Para sayo 'to,Airah"
sabi ko saka ipinikit ang mga mata ko.

Inilibot ko ang mga nakapikit kong mga mata para pakiramdaman ang buong paligid,sana naman tama ang mapili ko.

Ng lapitan ko ito ay agad itong naglaho.
Nagkamali ako sa aking pinili,apat nalang.

"Tandaan mo mahal na prinsipe,
Pag hindi mo mapili ang tama ay papatayin ko siya"nakangisi niyang turan.Ewan ko ba pero kinilabutan ako sa sinabi niya.Hindi ako papayag.


















5 hours later.....

Hindi pa rin ako makapili ng tama.
Dalawang beses nalang para pumili.
Hindi ako maaaring magkamali.
Napasulyap naman ako kay Ayna ang Goddess of Air,nakaupo lang ito sa isang sanga ng puno at nakangising pinanonood ako.

"Ano na mahal na prinsipe,sa pakiramdam ko naiinip na si Airah. Now tell me,bakit mo ba siya gusto kong hindi ka niya gusto?" nakangisi nitong tanong sa akin sabay kagat sa prutas na hawak niya.

Napaisip ako sa sinabi niya.
Oo alam kong hindi niya ako gusto pero mahal ko siya,hindi ko alam kung bakit ko yun naramdaman,pero handa akong maghintay at igive-up lahat para sa kaniya.

"Mahal ko siya,kahit hindi niya ako gusto mamahalin ko pa rin siya.
Maghihintay ako hanggang sa dumating ang panahon na mahalin niya ako."
sabi ko saka nakita ang ngiti sa labi niya. Hindi ngisi kundi ngiti.

Mayamaya ay napatingin ako sa isang pinto.Natatangi ito dahil sa taglay nitong aura.Hinawakan ko 'yun at nawala ang iba pa.Tama ang aking napili.

"Congratulations,mahal na prinsipe.
Ngayon ay nalampasan niyo na ang aking pagsubok,ingatan mo ang prinsesa ko"nakangiti niyang sabi saka biglang
naglaho ang aming mga gems at bumalik ang birthmark namin.

Nawalan naman si Airah ng malay kaya ay kinarga ko siya in a bridal style. Pinagmasdan ko siya ang ganda nga niya. Sana matutunan mo akong mahalin.

"Hmmm....I Love You,Andrei"
nanigas ako sa aking narinig,totoo ba na sinabi niya 'yun?

Napangiti na lang ako.
Sabi ko na nga ba,walang  makakaresist sa charm ko,kahit na sinong matigas bibigay din.

Hinalikan ko na lang siya sa noo.
Saka nagsabing 'I LOVE YOU' sa kaniya at pumasok na kami sa pinto.


















































Aya's POV

Nandito kami ngayon sa harap ng Elemental Forest,posibleng na nandito sila loob.Ng makapasok kami ay agad kami nitong iniluwa palabas at saka kami dito na maghihitay sa kanila.

"Sa tingin mo.... mapakiusapan kaya natin sila?Maniwala kaya sila?"
tanong ni Erika saakin.

"Hindi ko alam,Erika.
Pero wala namang mawawala kung susubukan natin tama ba?"nakangiti kong tanong saka yinakap siya.

Hindi namin sasayangin ang pagbuwis ng buhay ni Aika pra lang sa wala. Kakausapin namin ang mga prinsesa at tutulongan nila kami. Tama,tutulongan nila kami. At naniniwala ako dun.

The Four ElementalsWhere stories live. Discover now