CHAPTER SEVENTEEN

Start from the beginning
                                    

Mayamaya pa, nagpatawag ito ng emergency meeting. Hindi kami kasali. Pero narinig naming pinadalo si Zenith. Later na lang namin nalaman na kasali ito sa grupo na inatasang gumawa ng panibagong proposal para kay Mr. Kostopoulos. Bwisit na bwisit kami ni May.

**********

I was on my way to Bloomingdale's to buy presents for Mama and Shelby when I caught a familiar figure walking on the street. Mukha siyang lulugu-lugo. Nang iangat niya ang mukha para hawiin ang mga hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha, napasinghap ako. It was indeed Alexis and she seemed crying.

"Stop the car!" mando ko sa driver namin.

Napalingon sa akin si Mr. Conrad na tila nagulat. Malayo-layo pa kasi kami sa Bloomingdale's. Ganunpaman, hindi na siya nang-usisa pa. Itinabi niya agad ang sasakyan. Tumakbo agad ako kay Alexis bago pa siya makatawid sa kabilang kalye.

"Alexis, hey!"

"Markus! What are you doing here?"

"Are you okay?" Hinawakan ko na ang isa niyang braso. Dahan-dahan naman niyang inalis ang kamay ko at tumango siya sa akin. Nangunot naman ang noo ko.

"You don't look well. May nangyari ba?"

"W-wala. Sige, ha? Mauuna na ako. Hinihintay na ako ni May sigurado."

Hindi ko siya nagawang pigilan. I just stared at her back while she walked away.

"Is she somebody special?" tanong ni Mr. Conrad nang makabalik ako sa kotse. Nakangiti na ito sa akin pero nang hindi ko iyon sinagot ng ngiti rin, tumahimik na siya. Paminsan-minsan, napapatingin ito sa salamin sa harapan niya na parang pinapakiramdaman ako sa likuran.

**********

"Tange!" naiinis na singhal agad ni May sa akin nang ikuwento ko ang brief encounter namin ni Markus sa kalye. Sinisi niya ako nang sinisi dahil hindi ko man lang nasabi kung ano ang ginawa sa amin nila Mrs. Johnson.

"They warned us! They'll make our lives a living hell here if we say a single word about it to Markus! Isa pa, ayaw ko siyang madamay."

"What's the difference? Kahit hindi mo naman sabihin, they're making our lives hell na. "Nakakainis ka! Pagkakataon mo na'y pinalampas mo pa."

Napaupo ako sa kama na parang wala sa sarili. Kung sa bagay may punto si May.

"Alam mo, hindi ko talaga maintindihan kung bakit mabigat ang dugo sa atin ni Mrs. Johnson. Ang sabi naman nila Roxy kadalasan lang daw dini-discriminate rito ay ang maiitim o mga panget. Modesty aside, we're neither of the two. Pareho naman tayong dyosa, pero bakit tayo inaapi nang ganito?"

Naudlot ang pagtulo ng luha ko at natawa ako bigla. Hinampas ko ng unan ang loka-loka kong kaibigan.

"Kidding aside, what are we going to do if they decide to terminate our contract and send us home?" nababahala kong tanong. "Hindi biro ang mawalan ang kompanya ng potential income na 100 million dollars. Palagay ko, kahit mabait sa atin si Mr. San Diego kakampi iyon sigurado kina Mr. Franklin. Business is business. At mukha namang istriktong negosyante iyon."

Napahinga nang malalim si May.

"Kung bakit kasi sa iyo pa nagkagusto ang hinayupak na lintek na Griyegong iyon! Kung sa akin sana, hindi na siya magpapakahirap pa. Kakaladkarin ko na siya agad papuntang simbahan."

I rolled my eyes. Kahit sa gitna ng posibilidad na mapapauwi kami nang wala sa oras, nagawa pang magbiro ng bruha. Nakakainis na minsan!

"I'm not kidding! Akala mo nagbibiro ako?"

MY YOUTUBE STALKER (MARKUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Where stories live. Discover now