"Tss! Kung makapagsungit ka sa akin kala mo alalay mo ako ah? Di kita ilibre jan eh!"Bryien
"Edi wag! Sinabi ko bang ilibre mo ako!? Hmmp!" sabi ko at nag-flip pa ng buhok bago umalis XD
Pero nakaramadam ako na may humila sa braso ko kaya napaharap ulit ako sa kanya.
"Nerd naman! Ang sungit mo. Ito na oh! Ililibre na eh!" Bryien. Mukhang labag sa kanya eh XD Pwede bang lubusin to? Di naman nya ako ibu-bully dahil nasa labas kami eh XD WAHAHAHA!!
"Tara na kasi!" sabi ko sabay hila sa kanya.
Ewan ko anong sumanib nanaman sakin at hinila ko sya. Di naman nag reklamo eh! =_= Sulitin ko nalang nga dahil for sure! Back to bullying ang eksena nya! Tss. Di naman ako takot =_= Pero aminin! Komportable na ako sa kanya. Bilis ba? Ganun ako eh. XD Mabilis :D
"Wait!" Bryien . Kaya napahinto din ako kakahila sa kanya.
"Kaya ko maglakad ha! Hindi ka man lang kumuha nito oh." Sabi nya sabay kuha nung trolley.
"Bat di nalang basket? Konti lang naman bibilhin ko."Ako
"Bakit ba? Maggo-grocery rin ako! Bawal? Pera ko ata to!" Bryien.
Tss.. Maga-away nanaman kami neto =__= Calm down lang Max! Wag kang gagawa ng eksena.
"Okay! Sabi mo eh. Tara na."Ako
"Teka! Ayokong maghila nito!" Sagot nya at tinulak ang trolley sa'kin.
"At baket?!" Sagot ko at tinulak yun sa kanya pabalik.
"Err. P-Pagkamalan pa akong katulong mo!"Bryien
"Aie! Ang arte! Alangan naman na ako?! Ako ba yung lalaki dito?!"Ako
"Eh bakit lalaki lang ba dapat?! Pwede naman babae ah?!" Bryien.
"Hayyst! Wag ka na nga kasi magreklam--o~"
At dun lang namin napansin na...
Lahat na pala nakatingin sa amin. Nagsisigawan nga pala kami.
Tiningnan ko naman ng masama si Bryien at ganun din sya.
"Sayang. Gwapo pa naman sana siya."
"Wala na bang natitirang gentleman sa mundo ngayon?"
"Mga lalaki nga naman ngayon. Tsk tsk."
Ilan lang yan sa mga narinig namin na bulungan matapos ang eksena. Napa-ismid naman ako.
"Akin na nga!" sabi ko sabay agaw nung hawakan ng trolley sa kanya. Napapailing nalang yung mga nanonood dahil nagmukhang hindi gentleman si Bryien XD
"Akin na." Bulong sakin ni Bryien kaya gusto kong matawa. Nakakahiya siguro sa kanya XD
"Wag na! Kaya ko 'to. BABAE AKO eh!" Pagi-imphasize ko para dama XD
"Tsk. Humanda ka sa'kin sa campus." Bryien.
Di ko nalang sya pinansin at dumiretso na sa pupuntahan kong area. Naiwan naman sya dun. Kala mo matatakot mo'ko? Huh!
Ayun! Mga crackers. ^^
=____= Sigurado ako isang kainan lang ni Steff pag 3 lang =__= I-sampu ko kaya?
Mwahahaha!!! Tutal si Bryien magbabayad!
"Baliw ka na. Tumatawa mag-isa. Tsk!"Bryien tapos ng lagay ng ---
"WINE?!!!!!"Ako.
Bakit wine? Anong gagawin nya ? Dadalhin nya sa school.?!
"Bulag ka na? OA mo."Bryien . Nakatalikod sa akin ang bakulaw na to habang kumukuha din ng mga crackers.Pulutan?
"Bakit ka kumuha neto? *taas nung wine* Diba bawal to sa school?!"tanong ko sa kanya. Ang lakas ng loob nya ha.
Chapter 07 - This Nerd
Start from the beginning
