"Bakit daw?" ngisi ko. Parang tanga kasi si Gabby na parang gusto ng umalis sa tabi ko. 




"Dito na kayo sa pwesto namin ni Iggy.  Nakita na naman namin yung results eh" ani niya samin habang nakangiti pa sabay alis kasama si Iggy. Tumango nalang ako sa kawalan. 




"Hoy kayong dalawa" ani ni Iggy boy sa harapan namin.  Bigla bigla nalang sumusulpot. Akala ko nakaalis na siya.


"Ano?" iritang tono ng kasama ko. 




"Manlibre kayo bukas ah.  Hahaha Sige babye" tawa niya samin sabay takbo paalis.  May topak nga siguro.



Hindi na kami nagdalawang isip na tumingin sa bulletin dahil sayang naman yung space na binigay nina matt. Masikip parin naman kahit anong gawin pero no choice eh.



"Hoy ano ba? Dahan dahan naman!"



Napalingon na lang ako bigla sa sumigaw na isa sa mga estudyante.Bahagya akong sumilip para makita kung sino, kaso di ko kilala. Sa itsura niya palang halatang maldita na at mukhang palaban.  Hindi ko siya napapansin sa curriculum namin kaya maaaring sa ibang grade siya galing.




"Waaaaa hahahah.  Haileeeeeey-" nilingon ko si Gab na dali daling tumatakbo papunta sa pwesto ko.  San naman kaya siya galing? nalingat lang ako saglit, di ko na napansin na wala na pala siya sa tabi ko. 



"Sobrang saya mo ata" sarkastikong sabi ko pero nakangiti pa din siya sakin.



"Hoy Gabby nakadrugs ka ba?" tanong ko sa kanya.




"Nakadrugs ka jan! Sino ba naman ang hindi sasaya.  Nakapaaa tayoo bes! wahahaha" ani niya na may pagtalon pa kaya nadala na din ako.



"Teka muna, pano mo nakita? ang sikip sikip kaya.  Baka naman naduling ka lang!" katwiran ko.  Masakit umasa eh. Naninigurado lang. 





"Hay nako walang tiwala. Kahit tingnan mo pa! Tsaka mukha ba akong nagjojoke ngayon?" ngiwi niya.  Hindi ako nagsalita at tahimik na nakipagsiksikan sa bulletin. Buti nalang at medyo nababawasan na din ang tao dahil malapit na din maggabi. 



"Excuse me"



Makalipas ang ilang minutong pakikipagsiksikan, nakarating na din ako sa mismong unahan. Pakiramdam ko tuloy isang magaling na athlete na ko dahil sa dami ng pawis na nililigo ko ngayon. 




Tahimik kong hinanap ang category ng curriculum namin at buti nalang pinaghiwa hiwalay nila. Para na din siguro madali mahanap yung mga pangalan. 


*3rd year Highschool*
       -pilot-
1. Gabriel Sandoval
2. Gabby Sandoval
3 . Hailey Anderson
4. Mika Alcantara
5. Matthew Alcantara
6. Iggy Valdez
7. Cassandra Mendoza
8.  Yohan Marquez
9. Lincoln Young
10.  Lucas Vasquez
11. Hannah Taylor
12. Vince Ty
13. Chloe Davis
14. Sam de los reyes
15.  Sophie Jones
16. ........




"Gabbbbbbbbbby! Wahaahhaa" kumaripas nalang ako ng takbo para makita ang best friend ko pero biglang nawala.  Pumunta nalang ako kay Alex dahil aka dumiretso na siya dun. Di manlang nanghintay, pero ayos lang.  waahahahahaha.



"Gabbbbbby!-"



"Oh ano? naniniwala ka na?" ngisi niya sakin kaya para akong aso na tumango nalang.  Wahahaha. Masyado akong masaya ngayon.





"Kaya pala sabi ni iggy kanina.  Paburger daw tayo-" ani ko. Grabe, di ko talaga inexpect na halos lahat kami makakasama dun. Despite na halos lahat ng mga teachers na humarap samin nung audition ay ilan sa mga nagawan namin ng kasalanan. Buti nalang di naging hadlang yun. Waahahahaha.



"Move on bes. Hahaha" natatawang sabi ni Gabby sakin habang naglalakad na uli kaming tatlo. 



"Oo nga haha. Kanina ka pa jan nakangiti sa kawalan.  Para tuloy may kasama kaming baliw dito" singit naman ni Alex pero di ko na pinansin.  Ang saya ko lanh talaga.  Hays.  Di na talaga ako magtataka kuny bakit maingay ang gc namin mamaya.




"Dito nalang pala ako. Babye" rinig kong paalam ni Alex.  "Nga pala, Gabby wag mong kalimutan painumin ng gamot si Hailey. Mukhang may sapak yang vest friend mo eh" natatawang sabi niya sabay lakad palayo. Di na sumagot si Gabby at deretso ng naglakad. Sanay na naman kami sa ganung ugali ni Alex.

"Hoy bat nasunod ka sakin?"

"Ha?-"

"Dun yung bahay niyo diba? Ibang street na to bes! Magising ka nga" ngiwi niya sakin habang natatawa.  Ngayon ko lang din narealize na palayo ng palayo na pala to sa bahay.  Hays. Jusko Haileyyyy.





"Hala oo nga. Sige bukas nalang uli.  Congrats satin hihihi.  Bye bes" paalam ko sa kanya na tinanguan niya lang. Waaaaa siguradong matutuwa neto si mama pag nalaman niya.

****

Keep Voting💜

Worst Section Where stories live. Discover now