"Baliw mo ay.  Di ka naman nagiisa.  Marami naman siguro tayong nagaudition dun" ani ko. 


"Haileeeeey-"



Lumingon ako sa tumawag at si Iggy na naman.  Seriously, naaasar ako sa nga tumatawag na lagi nalang parang nalulunod.  Well, di ko naman sinasabi na masamang sumigaw pero hina-hinaan naman ng slight.  Di naman ako bingi para di yun marinig. 



"Ano na naman? Para kang ewan na nalulunod jan?" iritang tanong ko. 



"Hahaha.  Kotang kota na kayong dalawang magbest friend.  Famous naman po pala" natatawang ani ni Alex. Di ko nagets yung sinabi niya.  



"Nakita niyo na ba yung results?" tanong ni iggy habang nalipat ang tingin sa aming tatlo nina Gabby. 




"Nakita na yata bes. Kaya diba naglalakad palang kami papunta dun.  Kasi nakita na namin. " pilosopong sagot ni Gab kaya napatawa nalang ako. Di tuloy nakaimik ang iggy boy mo.


"Tsk"


"Eh ikaw naman kasi! Kitang naglalakad palang kami papunta dun tas tatanungin mo kami kung nakita na?" katwiran ko sa kanya pero di na nagsalita. 



"Bilisan niyo na kasi.  Masyado na akong naeexcite dito tapos kayo pabebe pa" aniya sabay takbo palayo.




Agad na kaming naglakad papunta dun at malayo palang kitang kita na ng dalawang nga mata ko ang kaguluhan.  Well, hindi na ako magtataka. Sa halos 500+ na magaaral dito hindi imposibleng ganito ang mangyayari.



"Naghihirap na ba ang school natin at wala manlang pang paprint?" ani ni Alex.  May point siya dun.



"Oo nga. Edi sana nailagay pa sa iba ibang parte ng campus para di nagkakagulo sa bulletin" katwiran ni Gabby.



"Bayaan niyo na.  Choosy pa ba? Sanay naman tayo lagi sa kaguluhan.  Sa room palang.  Tsaka gabby wag ka na magreklamo,  nandun nga sina matt oh!?" ani ko.



"Bakit? Anong meron kay matt?" tanong bigla ni Alex.  Waaaa hailey yari ka na.  Nadulas pa. 


"Wala. Bayae niyo siya.  Tara na" -gabby


"Whooooo! Burger na mga bes!"

"Sabi na ay. Makakapasa ang byuti natuin jan"

"Excited na ako hahaha"

"Dadami na ng bonggang bongga ang gawa natin neto"




Kabi kabilang sigawan ang naririnig ng dalawang tenga ko.  Inalis ko na muna yung headset ko dahil hindi ko na din naman nakikinig ng maayos yung tugtog dahil sa sobrang ingay. Grabe ang vocal cords nila.  Walang patawad. 




"Hintayin ko nalang kayong dalawa dito" ngiti samin ni Alex kaya sinuklian nalang din naman ng ngiti sabay alis. Hays.  Goodluck samin. 


"Hoy hails at gab-" lumingon ako sa tumawag na naman at thank god di. na siya pasigaw.  Si matt pala. 





"Bakit daw?" tanong ni Gabby sakin pero di ko na sinagot.  Di ko rin naman alam.




Nga pala, nandito na kami ng best friend ko sa harapan ng bulletin.  At kagaya kanina, sa malayo palang sobrang dami ng tao na parang di na nauubusan. Hays.  Dahil nga sa maraming taong nagkakagulo,  di namin makitang dalawa yung resulta. Di naman kami ganun katangkaran at kalaki para makipagsiksikan. Buti nalang tinawag kami ni matt. Mukha kasing may space pa dun sa pwesto nila. 




Worst Section Where stories live. Discover now