I'm Sorry

522 8 0
                                    

Flashback

Nilapag na ni Sandy ang nilutong pastries na may kasamang malamig na lemonade sa veranda nila sa baba.

"Hmmm.. natatakam na ako tita" wika ni Kobi na hindi na makapaghintay kumain.

"Kain na kayo.." tugon ni Sandy.

Isa-isa silang naupo at kumuha ng luto ng nanay ni Drake.

"How was it?" tanong ni Sandy na medyo apprehensive sa comment ng mga bata sa bago niyang pastry recipe.

"The best tita!.. " tugon agad ni Kobi.

Lahat sumang-ayon kay Kobi. Masarap nga talaga ang pastry.

"Hmmm.. What are your names again? masyado kasi mabilis magpakilala ang anak ko kanina.. so I hardly remember who's who.."

"A-ahh.. ako po si Francis"

"Franciiiis?"

"Mangundayao po Tita"

"So kilala mo si Dr. Neth Jalbuena? She's a former Mangundayao." tanong ni Sandy.

"A-ahh opo tita ko po at nanay po ni Benj..." tugon naman ni Kiko habang nakatingin kay Benj.

"Anak ka ni Neth?" nasorpresa dun si Sandy.

"Opo.." sagot naman ni Benj.

"Nako may binata na pala si Neth at Allan.. nakakatuwa na magkaibigan kayo ni Drake. Neth is actually a close friend back in high school. We just got separated when she went med school and me stuck on law school. hindi na kami masyado nakakapagusap ng nanay mo, how is she?"

"Okey naman po.."

"Good to hear that...hmmm.. down to the young ladies" pertaining to Marj and Shirley.

Titig na titig si Sandy sa dalawang dalaga at sinusuri niya ang mga ito ng maigi.

She could be one of you... Sandy thought.

"Marjorie de Silva po.."

"Hello there and you are..." kinakabahan na si Shirley sa tabi dahil sa kanya na nakatingin ang mommy ni Drake.

"Shi-Shirley Bernardo po mam.." medyo nauutal dun si Shirley, ikaw ba naman, hindi kaba kakabahan kaharap mo nanay ng nobyo mo.

"Bernardo....." natigilan si Sandy at kung tingnan niya si Shirley ay tila kilala niya ito.

"Anyway.. I am really glad improving na si Frederrick in choosing his friends.."

"Ma.." kamot ang buhok niya, nahihiya na si Drake sa mga kaibigan masyado kasi mausisa ang nanay niya.

"Nahihiya na ata ang binata.. don't worry hindi naman kita nilalaglag.." likas talaga na mabait ang nanay ni Drake at establish rapport well.

"Mabuti din at naging kaibigan niyo agad si Celine.. I'm sure you know na kababata sila ni Drake and I heard......" medyo pabitin na na pinutol ni Sandy ang kanyang sasabihin.

"she'll be my future daughter-in law.." ayun at nasabi niya, namumula si Celine habang hawak hawak siya sa baywang ni Sandy.

"MA!" tutol ni Drake.

Silang lahat..

0__________0

Nakatingin kay Shirley na nabigla din at di makapaniwala sa narinig pero pinipilit niyang ngumiti.

"Well, your kuya told me.." masyado ata siya nadala sa kinekwento niya but she did it on purpose.

"okey-okey i'll stop from there." tugon ni Sandy nang hindi na maitsura ang mukha ni Drake sa inis.

Sana hindi masamain ni Shirley ang sinabi ni mommy. - Tiningnan niya si Shirley.

Nakangiti ito pero andun yun na-awkward ang dalaga sa sinabi ng ina.

Gusto niyang lumapit at hawakan ito, sabihin sa mommy niya na si Shirley ang babaeng tinutukoy niya ng gabing yun.

"Sige na aalis na ako.. enjoy your merienda.." wika ni Sandy.

Pagka-alis ng nanay ni Drake ay mas lalong tumahimik ang grupo. Sa isang banda hindi na maintindihan ni Shirley ang nararamdaman but before she'll burst her emotions she speak out.

"Guys, uwi na ako.. baka hanapin na ako sa amin.." wika niya.

"I'll go with you Shirley." tugon naman ni Marj.

"Ihahatid ko na kayo" dugtong naman ni Benj.

Pero si Kobi at Kiko.

"Aga pa ahhh.. tska sayang yung pastries.." wika ni Kiko.

"Anong sayang? eh, halos wala na nga natira tingnan mo" sumbat ni Marj.

Pagtingin ni Kiko sa plato..

O______ O

"Wow, simot sarap bro?.." wika ni Kiko kay Kobi.

"Eh sabi nila aalis na kaya minadali ko sayang kaya niluto ni tita sarap-sarap pa naman.." habang ngumunguya.

"Ikaw na! Hindi ka man lang nagtira.."

"Saan na si Tita Sandy?" tanong ni Marj.

"I guess she's busy with legal stuffs don't worry i'll tell her." wika naman ni Celine.

"Sige bro, mauna na kami.. sa uulitin.. pakisabi sa mommy mo thank you" puno pa din ang bibig ni Kobi habang nagsasalita. Inubos ba naman ang isang pinggan ng pastry.

Hindi sumagot si Drake at patuloy siyang nakatingin kay Shirley.

I'm sorry if I have to that, you and Drake just can't be.. - Nakadungaw sa veranda sa taas at nakikita ni Sandy na paalis ang mga bata.

Against All Odds (JaiLene)Where stories live. Discover now