Tiana. Mabilis na napatingin si Rifka sa nameplate ng lalaki.

Bloodworth, N.T.

Hindi nga siya nagkakamali. Parang male version ito ni Tiana.

"Okay ka lang, Ms. Strauss, R.?" tanong uli nito na napasulyap din sa nameplate n'ya. Medyo kumunot pa ang noo nito dahil isang initial lang ang nasa nameplate n'ya. Well, her middle name wasn't in there. Just her family and first names.

"Ah...yeah. Nagulat lang ako. Parang nakikita ko kasi sa'yo 'yung roommate ko."

"Ah, si Tiana? She's my twin sister," nakangiti nitong sagot.

"I see," somehow ay in-expect na iyun ng dalaga kaya hindi na siya nagulat.

"By the way, I'm Deus," inilahad nito ang kanang kamay at dahan-dahan naman niya iyung tinanggap.

"R-Rifka"

"Nice to meet you, Rifka. Kanina pa kita napapansin n'ong papalabas ka ng building. You don't look okay," may pag-aalala sa boses nito kaya hindi napigilan ni Rifka ang mamula. Hindi siya sanay na pinapakitaan ng maganda ng isang lalaking estranghero.

"Ah ano kasi, hindi ako sanay sa ganitong sapatos," nahihiya niyang amin. Kung pwede nga lang ilubog niya sa lupa ang mga paa n'ya ay ginawa na niya upang itago ang mga 'yun.

"I thought so. Let me help you," anito na nakatingin sa mga paa niya kaya gulat na napatitig siya rito.

"H-Huh?"

"Wait here," anito at bago pa man siya makasagot ay bigla na lamang itong nawala.

Now she was debating whether to wait for him or just go. Kambal pa naman 'yun ni Tiana. Baka kambal din ng ugali ang mga 'to.

Akmang aalis na siya nang biglang bumalik ang lalaki. May dala itong paperbag at laking gulat n'ya nang nag-squat ito sa harapan n'ya.

"May I?" tiningala siya nito saka inimuwestra ang kanyang paa at wala sa sariling napatango na lang si Rifka.

He held her right leg. "Just hold here para hindi ka matumba," anito at kinuha ang kamay niya saka inilagay sa balikat nito.

Nahiya si Rifka kaya hindi na siya nagsalita o umalma pa. Tinanggal ni Deus ang kanyang boots at pinalitan ito ng ibang boots na walang takong kaya agad na nakaramdam ng ginhawa si Rifka.

"Knee-high boots are part of your uniform but heels are not so you're fine," anito saka inilagay ang mga nahubad na boots sa paperbag.

"S-Salamat. Babayaran na lang kita," namumula niyang sabi.

"You don't have to. It's fine. Just think that it's my way of saying thanks."

Nagtatakang napatitig siya sa gwapong mukha nito na may maliit na ngiti. "Bakit? Wala naman akong ginawa para sa'yo ah."

"I'm just glad that Tiana finally accepted a roommate. She might have seen something in you. You see, hindi pa 'yun nagka-roommate since we studied here.  We were thirteen when we arrived here. And now we're twenty-one. Saka lang siya tumanggap ng roommate."

"Bakit naman?"

Deus smiled fondly while talking about his twin sister. "Hindi mo pa ba napapansin? She's a brat."

Napangiti si Rifka. There was something in Deus that made her feel comfortable. Hindi siya naiilang dito kahit bagong kakilala ito. Mukhang hindi ito katulad ni Tiana na parang may galit sa mundo.

"Nasanay siya na puro mga lalaki ang kasama niya. So, she acts like she's our princess which is true. She is our princess. Kaya naman hinayaan na namin every time she says no to a roommate. Kaya nagulat talaga kami n'ong narinig namin na pumayag s'yang maging roommate ka."

SentryWhere stories live. Discover now