Chapter 16 *dream*

Začít od začátku
                                    

Ipinatong nya yung ulo nya sa balikat ko at ginawa yung unan. Pinabayaan ko nalang. Wala rin naman akong magagawa e.

Pagkatapos naming manood ng susnet ay kumain naman kami.

"Hoy. Asan ang pagkaen?"

Tanong ko.

"Ayy.. Oo nga noh.. nakalimutan ko.. Ahmmm.. Ohh!! Nalipad na kabayo oh!!!!"

Sabi nya sabay turo sa likuran ko. Ako naman tong si uto-uto at lumingon. Nagtanong pa kung asan. -__-"

"Wala naman e--"

Sabi ko pagharap ko ulit sa kanya pero nagulat ako kasi may pagkain na! Nakaupo narin kame sa isang picnic mat. O_________O

"Kain na! :)"

Sabi nya with a smile. Kaya kumain nalang ako.

Pagkatapos naming kumain, nag-stargazing naman kami. Naka-upo lang kami sa picnic mat. Nasa left-side ko sya. Nag-tatawanan pa nga kami eh. hahahah! Bumubuo kasi kami ng shapes. Pinagco-connect namin yung stars gamit yung mga daliri namin. Kaso panay iregular shapes lang ang nabubuo namin. Hahaha! XD

"Ah! Eto oh! Nakabuo ako ng heart!"

Amazed kong sabi. Kasi perfect heart shape talaga e! Tapos yung mga brightest stars pa sa kalangitan yun! *O*

"Asan?! Ang daya mo naman eh! Hahahahahaha!"

"Eto oh."

Hinawakan ko yung right hand nya. Nakaturo narin naman na yung pointer-finger nya kaya na-trace namin agad yung heart. At alam nyo kung anong weird don?

Kada star na mapagco-connect namin, lumalayo yung mga maliliit na stars dun sa mga bright stars. At nung matapos namin i-trace yung heart, wala nang ibang star sa kalangitan kundi yung heart na na-trace namin.

Napatigil kaming pareho. Hindi ko narin namalayan na hindi ko parin pala binibitawan yung kamay nya..

KISS (it started with a dare) - ENDING REVISEDKde žijí příběhy. Začni objevovat