Chapter 10 [Bakit sila pa?!]

Magsimula sa umpisa
                                    

"L-let's pray for him." Niyakap niya ako pati si Tita Alice.

Ang mga luhang kanina ay wala, ngayon ay tumutulo na mula sa mga mata ni Tita Ana.

"Kailangan nating asikasuhin yung mga gumawa nito sa kanya." Saad ni Tita Ana.

"Ano ba talagang nangyari Chessa?" tanong pa ni Tita Alice

At sa tanong ni Tita Alice, kinwento ko na sa kanila ang lahat.

"Sinasabi ko na nga ba."  tumigil na sa pag-iyak si Tita. Kalmado na rin siya.

"A-ano po yun Tita?"

"Mas mabuting kay Drake mo nalang tanungin ang tungkol dun. Pero hija, hindi lang dahil sayo kung bakit nila ginawa yun. Kaya wag mo ng sisihin ang sarili mo. Kailangan natin mapaalis sila sa Thornton." May naisip na ako kung paano.

"Ganun po ba? Uhmm...Tita Ana, may naisip na po akong paraan." sana magawa ko. Dahil pag oo, hindi lang sila mapapaalis, mapapahiya pa sila.

Hindi ako maduming maglaro. Pero mahilig akong gumanti ng patago.


 

"Ano?" Sabay nilang tanong ni Tita Alice.

"Sa Friday ko nalang po sasabihin. Tara na po puntahan na natin si Drake sa loob."

"S-sige hija. Mauna ka na. Bibili nalang muna kami ng makakain. 5PM na eh."

"Okay po." tumalikod na ako at pumasok na sa kwarto.

*sighs* alam ko namang gumagawa lang sila ng excuse para makausap ko si Drake eh. Kahit pa hindi niya ko maririnig -__- Eh pwede naman kasing magpa-deliver diba? Tsk.

Nang makita ko si Drake, feeling ko nag-uunahan na naman yung mga luha ko sa pagtulo.

Nakakaawa talaga siya kung titignan. 

Hanggang ngayon, meron paring mga pasa sa katawan niya. May sugat sa labi at madaming benda sa katawan.

Umupo ako sa upuan na katabi ng kama niya.

"H-hoy baliw! Hindi ka pa ba gigising? Anong oras na kaya. Saka marami pa kong itatanong sayo. Madaya ka eh."

"I-ikaw kasi eh. *sniff* sana hindi mo nalang sila pinakialamanan *sniff* para wala ka jan. *sniff* Ginagaya mo pa ata yung kuya ko eh. *sniff* Pag ikaw talaga hindi nagising *sniff* hindi na tayo friends. *sniff* h-hanggang bukas lang ang deadline mo ha?" Hindi ko akalaing iiyak na naman ako ng ganito.

Gangster's "I Hate You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon