Nang dumating si Ma'am, nag-announce siya tungkol sa upcoming Intramurals. Napag-usapan ang mga sports event na gaganapin kaya maingay ang boys.

Lalong umingay ng mapunta 'yon sa pageant na gaganapin sa school. Miss Intramurals daw. Hindi ako nakikinig. Nabalik lang ang atensyon ko 'dun nung binanggit ang apilyedo ko.

"Shit," I cursed.

Kumalabog ang puso ko nang makita ang surname sa black board. Kasali ako sa mga nominado! Sinong nag-nominate sakin?!

"Who'll vote for Ms. Alano?" Nagtaas sila ng kamay at nagsimula nang mag-bilang yung secretary.

"Flor..."

"Abalos..."

Patago akong kinabahan dahil ako na ang sunod. Punyeta, bakit kasi hindi ako nakikinig! Hindi ko tuloy kilala sinong nag-nominate sakin!

"Alcoran..."

Halos madurog ang ballpen na hawak ko nang ako ang manalo sa mga botohan.

"Bestfriend ko 'yan!" Syrene shouted.

"Hi Miss Intrams!" Zach teased.

"Shut up."

"Ba't ka galit?" madrama niyang sambit.

Gusto kong tusukin ng ballpen ang nag-nominate sa'kin. Bakit ako?! Anong alam ko sa pagsali sa pageant?!

"Ms. Alcoran the orientation is at twelve noon. Don't be late." si Ma'am Corpuz.

Pagtapos ng klase by 11:45 tinakbo ko ang distansya mula classrooom hanggang faculty para kausapin si Ma'am Corpuz.

"Oh, Alcoran nandito ka pala. Halika mag-sabay na tayo papuntang auditorium." nauna siyang maglakad.

Malapit lang ang Audi mula Faculty kaya kailangan sabihin ko na agad.

"No Ma'am, kasi po—"

"Hija if you're trying to back out, I'm sorry but you can't. Nilista ko na ang pangalan mo at kahit pa hindi ka um-attend sa orientation ngayon kasali ka pa rin. Kaya kung ako sa'yo, tumuloy ka na lang."

Mas lalo akong nawindang ng ipaliwanag samin sa orientation ang ang takbo ng program. Magkakaroon raw muna ng elimination round bago ang coronation. Sa friday naman may shoot raw kami.

Paano ba ako mag-baback out rito?

Paguwi hindi ko napigilan na sabihin kay Cassie ang problema ko. Pero nagkamali ako dahil imbis na tulungan akong maka-alis, mas tinulak niya pa akong sumali! Wala na rin akong nagawa dahil kahit pati si Mama sinasabi na mabuti na raw 'yon. Kinontact pa si Papa, eh alam ko naman na walang halaga sakanya ang ganitong klase ng patimpalak.

Tulala ako habang naglalakad sa hallway papuntang faculty. Iniisip pa rin kung ano ba 'tong napasukan ko at bakit ako biglang nasali sa pageant.

"Can you dance?"

Tumango ako. "I think I can..."

"Can you sing?"

"Hindi po..."

"If you can dance... I don't want you to dance alone. Ayoko ring sumayaw ka ng hip-hop and anything... Masyadong common, walang dating." saglit siyang nag isip. "Maybe let's try interpetative dance?"

Sa tingin ko okay naman 'yon. May kasama akong mapapahiya kung sakali, kaya tumango ako. Si Ma'am na raw ang maghahanap ng partner ko. Tinanong niya rin kung may pagp-praktisan na ako ng lakad at kung meron simulan na 'yon habang maaga. Ang daming gagawin!

Hanggang sa pag-aabang ng jeep tulala pa rin ako. Kaya slightly akong nagulat nang tumunog ang cellphones ko.

from: +6390987654321
Let's meet. Starbucks, 4PM

Napa-irap ako. Kanino na naman kaya binigay ni Syrene ang number ko?

from: +639098765432
Please Zach, let's talk.

Nag-salubong agad ang kilay ko ng mabasa ang pangalang 'yon.

Tumunog uli, nag-text naman si Cassie.

from: Cassie
Wag mong kalimutan ang cake. Blueberry cheesecake, okay? Ingat!

Bumababa ako sa mall na pinaka-malapit sa village namin. Dumiretso ako sa SB para kumuha ng favorite ni Mama.

Dito kaya 'yung tinutukoy na starbucks 'don sa text? Ewan. May SB rin malapit sa school, baka hindi rito.

Out of nowhere nakita ko yung babaeng tinuro sakin ni Syrene noon na kasama ni Zach sa cafeteria. Yung chinita...

Nag-sink in bigla sa utak ko! Makikipag-kita siya kay Zach dito. Naki-text si Zach sa'kin nung isang araw kaya baka sa number ko siya nag-reply!

Alam kaya ni Zach? Baka maghintay siya sa wala! I feel burdened kahit wala akong ginawa. Should I approach her?

Bumukas ang pinto ng café, napalingon ako 'don. Si Zach! Napayuko ako agad. Naalala ko tuloy yung meme na nakita ko kagabi, 'ah ano 'to? sahig?' pinigilan kong matawa. Baka mapansin pa 'ko.

Pasimple 'kong nilipat ang tingin sa pwesto nung babae kanina. Naka-talikod si Zach sa'kin. Hindi ko rin sila naririnig pero mukhang seryoso sila.

I was busy looking at them, nang tinawag ang ako para sa order ko. Badtrip! Sana hindi narinig ni Zach.

Nakayuko akong tumayo para kunin ang order at makaalis na. Minamalas pa ako kasi madadaanan ko sila bago ang counter! Lintek.

Bago ko pa makuha ang cake, may kumuha na at pag-angat ko ng tingin si Zach 'yon!

Oh teka lang, bakit siya nandito?!

The Only ExceptionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant