Yumuko nalang ako at bumalik na sa kusina at umupo.

**
Grabe sya ang sungit nya.

Big deal na ba para sa kanya ang nagulat ko sya?

Ehhh! Bweesit!

Kumain akong padabog.

**

Maya pa bumalik na ito sa kusina.

Hindi ko na namalayang umuwi na pala yung bisita nya kanina.

Naupo ito kung saan sya nakaupo kanina.

Nagpatuloy kami sa pagkain ng tahimik.

** nang natapos kami ay nag ligpit ito ng pinagkainan namin.

Nagrepresenta na akong, ako na ang mag hugas ng plato ngunit hindi ito pumayag. Sapagkat pinaupo lang ako nito.

Kaya umupo nalang din ako.

**

Nang matapos sya ay pumasok ito sa kanyang kwarto.

Bumalik naman din agad.

Sa ngayon may dala syang paper bag na pink.

Inabot nya ito sa akin at tinanggap ko naman iyon.

"Gamitin mo yan"

Tinignan ko ang koob nito.

Ang una kong makita ay ang isang puting dress kasunod nito ay may snickers na sapatos.

Pero nabigla ako sa sunod kong nakita.

Isang panty at tsaka bra.

Tila naglakihan ang mga mata ko nung nakita yun.

Napalunok ako, parang nahihiya kasi ako.

Nakita ko syang nag totoothbrush.

Nilapitan ko ito.

"Ah... Baby boy?" Sabi ko dito na napalingon sya.

"saglit lang." Sabi nya at tsaka tinapos nyang mag toothbrush.

Pagkatapos nya ay pinunasan nya ang mukha ng towel.

At baghayang humarap sa akin.

"Bakit?" Tanong nya.

Nginitian ko muna ito at tsaka niyakap.

Tila nagulat ito.

"salamat dito." Sabi ko na tila tuwang tuwa.

Hinayaan ko syang yakapin nya ako. Kahit bago palang kaming nagkakilala parang pakiramdam ko komportable na ako sa kanya. eh pano, kung umasta sya at mag salita parang si cent talaga.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya.

maya pa ay nag salita ito.

"Mauna kanang maligo"

Tumingin lang ako sa kanya at tsaka ngumiti.

"Yes baby boy"Sabi ko dito.

Nginitian rin ako nito..

**

Lumabas ako sa c.r na tanging tuwalya lang ang nakatapis.

Tiningnan ko muna kong nandyan ba sa sya sa kusina.

Sana wala sya.

Nagpadahan dahan akong naglakad patungong kwarto upang mag bihis.

Laking gulat ko nang nakita ko sya sa kwarto na walang pang itaas na damit.

Napasigaw ako at napatakip sa mata.

lumapit ito sa akin.

Malapit na malapit sya sa akin habang ako tinatakpan parin ang mga mata.

Nilapit nito ang mukha sa tenga ko.

"Huy! Wag kang o.a"

Inalis ko ang aking mga kamay sa aking mga mata. And I covered my breast.

Tumingin ako sa mukha nya.

Ibinaba nito ang tingin sa aking dibdib.

Ilang sandali nag salita ito.

"Wala akong intensyon"

At tsaka inihagis ang t-shirt nya sa dibdib ko, pagkatapos ay naglakad na ito ng bahagya.

Napalunok nalang ako sa mga naturan nya.

Grabe sya..

**

Nagbihis na ako at nag ayos ng sarili.

face powder lang ang inilagay ko sa mukha at light lipstick.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin.

Nagpaikot ikot ako.

Napakaganda mo angeli para magdusa ka sa kanya.

Nagpasmile smile pa ako sa salamin.

Napalingon lingon ako sa buong kwarto.

Napakalinis ng kwarto nya.

Nakita ko na may I.d na nakasabit sa dingding.

Nilapitan ko ito at tiningnan.

nakita kong litrato nya ito.

Jeremiah Neil D. Alcantara.

Wow ha

Hawak ko ang I.d nya.

Tawang tawa ako noong nalaman ko ang pangalan nya.

Kaya naman pala ayaw nyang sabihin. Eh ang corney naman pala ng pangalan nya.

**

maya pa ay may kumatok sa pinto.

"Angeli? Bilisan mo mag bibihis na ako"

Si baby boy yun.

Tumayo ako at pumatungo na sa pinto upang buksan ito.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad kong nasilayan ang mga matipuno nya mga abs.

Tinitigan ko ito ng maigi. At tila pinagpawisan ako.

Maya pa ay nagsalita ako habang nakatitig parin sa kanyang mga abs.

"kung wala kang intensyon sakin. Ako? Meron" sabi ko sabay inilapad ang kamay sa kanyang dibdib at dumahan dahang bumaba sa kanyang tyan. Nakita ko syang naglakihan lang ang mga mata at tila pinapapawisan rin at di makagalaw.

Nagtinginan kaming dalawa, mga ilang minuto din yun.

Pero ilang saglit ay binawi ko ang mga sinabi ko.

"Joke lang Jeremiah Niel Alcantara"
Sabay tawa.

tawa ako ng tawa sa kanyang mga naging reaction.

At tuluyang umalis na sa kwarto.

Narinig kong ibinagsak nya ang pagsira ng pinto.

Sweet tale of mineМесто, где живут истории. Откройте их для себя