Prologue

2 1 0
                                        

DHAI'S WARNING!!!!!!

This story was unplanned, madami talagang erata. If ever the characters used are somewhat familiar or even some other scenarios, everything are just only coincidence and product of my wild imagination..haha just kidding about the wild thingy..wide and playful rather. So please bear with me. I did'nt wrote just to make some impression but to expressed and to ease my boredom.

Still i would appreciate and be thankful if ever you'll support this story of mine.

-Dhai

Prologue***

"SAMUEL KADE!!!!!"

grabe naman tong si lolo pati ba naman sa panaginip ko ang inngay ingay niya pa rin.

"SAMUEL KADE DELA VEGA!!!"

Hayyy. Talagang nag effort pa syang bigkasin nang buo ang astig kong pangalan.tss
Baka naman binabangungot na'ko eh. Hayyy. Antok pa ko.
Hinablot ko ang unan ko ng nakapikit at ginawang pantakip sa tainga ko baka sakaling mawala ang bangungot na to , ansaket kasi sa tainga at nakakabigat sa ulo. Di pa nga ako nakakarecover sa hang over ko kahapon. Naka half open ang mata ko at napasulyap sa may paanan ko ng may biglang mapangahas na humablot sa kumot ko.

"KADE!! Ano na naman tong nabalitaan ko??!!"

Akala ko talaga binabangungot na ako tss.

"Tanda, antok pa ko. Kung nakikichismis ka lang naman. Saka na pag mag rereporter ako. Shooo"sabay kumpas pa talaga na parang nagtataboy.

Ito talagang tandang to talagang nag effort pa para lang makibalita. Kitang tulog pa yung tao.

"Wag na wag mo kong ma shooo shooo diyan Kade kung ayaw mong magliyab ang mga collection mo bumangon ka na at gigisahin pa kita"

Napabangon ako ng wala sa oras ng banggitin nito ang mga koleksyon kong sasakyan at mga motorbike. Bago pa man siya makalabas sa aking silid ay hinarangan ko na ang pintuan nang nakadupa. Mahirap na baka totohanin niya ang paliyabin ang mga collection ko. Di na bale't gigisahin niya ko eh di naman siya marunong magluto at wala namang magtiyatiyagang kumain ng ginisang tao noh basta wag lang ang collection ko.

"Tan- ay. Lo naman di ka naman mabiro ali ka ma upo ka.." iginiya ko pa talaga siya paupo at hinihilot ko pa ang ang balikat niya "di ka kasi nag text sa dreamland ko na gusto mo pa lang makibalita" napa hinto ako sa pagpokpok sa likod niya..oo pokpok talaga di naman kasi ako marunong mag massage noh. Kaya nga bawat galaw ng mga kamay ko napapaigtad sya. At tsaka di naman ganon ka tanda lolo ko at di rin halata na 60+ na siya "Anong gusto niyong balita lo? International o local?"

"Anong international, local yang pinagsasabi mo?! Hoy! Kade wag na wag mong iibahin ang usapan!!"

Aray. Condolence my dear ear drums.. makasinghal siya kitang nasa malapit lang ako tss.

"Wag mo ngang takpan yang tenga mo, makinig ka nga"

Namumuro na'to ah.. na bingi na nga ako at balak niya pa talaga akong pilayan. Tampalin ba daw kamay ko nang akala niyang tinatakpan ko tainga ko eh nakakabingi na man talaga siya ah.

"Wag mo nga akong artehan dyan.. heto ano naman to ?! Kade ilang beses ka na bang na kick out?!"

"Huh? Eh lo envelope tawag dyan" bobo talaga tong matandang to pero wag ka mahal ko yan tsk. Wag kang maingay sa kanya baka lalaki ulo niya.

"at tungkol sa kick out di ko na mabilang cguro mga walo ay di mga pito ay mali mga anim" sabay kumpas at bilang sa mga daliri ko.

"Aray.aray.. lo naman .. kitang nagbibilang ako eh" piktusan ba daw mga daliri sa hawak hawak niyang tungkod? D ko ata napansin yun baka nag magic siya. Di namn siya gumagamit ng ganon ah, ansaket.

"Bilang??!! Hoy kade nag bibilang ka na nga mali mali naman ang walo eight fingers yun hindi tatlo at talagang pababa ng pababa bilang mo . Hoy! Kade baka nakakalimutan mong pang labinglima mo na to sa first semester.. first semester pa lang yun kade first semester!kumusta pa ang nakaraang taon at sa darating pa? Ano ba kasi ang pinag gagawa mo sa pag aaral mo"

Napaingos na lang ako ng talagang inilahad niya pa sa harap ng mukha ko ang mga daliri niya... eh pareho lang naman yun basta marunong ako mag bilang at magaling ako sa math..

"Lo isa po akong matalinong mag aaral sadyang bobo lang talaga ang mga guro doon kaya palagi kong kinokoreksyunan." Abah mahirap na. mga utak hangin pa naman mga mag aaral dun."at tsaka...-"

"At tsaka ano? Na sadyang pinanganak ka ng matalino kaya na iingit sayo mga kaklase mo kaya ka nila ginugulo at self defense lang ang ginagawa mo? Kade laos na yang rason mo nakakarindi nang pakinggan"

Di ba kaya malalagas buhok niya sa kakakopkop? Siguro may kuto o di kaya dandruff. Mabilhan nga ng anti dandruff at lice free na shampoo

Tss mas masaya siguro kung di na niya dinugtungan pa. Eh totoo naman talagang sila yung nangunguna self defense lang ang ginagawa ko sadyang mahihina lang sila.tss ang lalakas nang loob na banggain ako abah ako ata si Samuel Kade Dela Vega .

"Kade.."

Mahinahong tawag niya sakin.tss baliw kanina parang dragon kunti na lang bumuga ng apoy ngayon naman mahinahon.

"Hmm"

"Kade.. panghuling pagkakataon mo na to halos lahat na ng mga paaralan napasukan mo na. Wala na akong ibang choice kundi ang ipasok ka sa De laire Academy."

De Laire? Tss weirdo. Parang DEmon's LAIRe lang eh ni revise nga lang hahaha.you're really a genius kade.

"Sana matapos mo ang pag aaral mo kade dito sa paaralang to kade. Kundi mawawala sa iyo lahat ng koleksyon mo. At wala ka nang magagawa panghuling taon mo na'to apo at makapagtapos kana kunting tiis na lang kade"

"Anong pinaglalaban niyo tanda? Ba't ang drama mo"

"SAMUEL KADE!!!"

Bago pa niya ako mabatukan ay tumakbo na'ko patalikod habang kumakaway. Mukhang wala na akong ibang choice.

"Mag eempake na ko tanda! Wag kang maingay!"

"Anong empake hoy! Di ka mag aabroad style mo bulok! Sabihin mo matutulog ka na naman. Mag bihis ka na at mag papa enroll ka pa!"

Tss. Ingay. Di ko talaga maiisahan ang matandang yun

"Oo na"

________________________________

Pasensiya na sa mga errors at kay Kade. Hahaha

P.s ..talagalog is not my first language at talagang pinagtiyatiyagaan ko pang mag tanong sa mga kapatid ko kung ano ang tamang term na gagamitin.
-dhai




Mission: The Quest To The Distinct WorldStories to obsess over. Discover now