Chapter 3: We Exist

11 2 0
                                    


***

Xyla

Sa paglapit ng sasakyan kung nasaan kami sa isang napakalaking gate na hindi ko alam kung ilang feet ang taas, may nakabantay na walong gwardiya ay huminto saglit ang kotse.

Ibinaba ni Sir Leo ang nasa tabi niyang bulletproof glass window at may iniabot na parang card doon sa gwardiya.

"Sir Leonard. Open the gate." sabi nito sa speaker na hawak niya.

Bigla namang bumukas yung napakalaking gate tapos inabot na ulit ng guard yung card ni Sir and nag thank you si Sir at pinaharurot na yung sasakyan.

Dumungaw ulit ako at iginala ang paningin ko sa labas. Wala akong makita kun'di puro mga puno, halaman at bulaklak.

Hindi ito ganoon kalinaw sa paningin ko dahil madilim pa. I checked the time, 2:27 am. Madaling araw na.

Patuloy lang sa pag drive si Sir. Tinignan ko yung iba pa naming kasama at handa na din silang lumabas, I guess.

Saan ba pupunta si Sir at ang tagal naman niyang ibaba kami dito. I though we were already here?

Ilang segundo pa at tanaw ko ang magagarbong sasakyan.

Parking Lot.

"Let's go, students." sambit ni Sir Leo ng ihinto niya ang sasakyan. Bumaba na din kaming tatlo kasabay ni Sir.

Seriously? Grabe lang ang laki ng Academy na 'to pero parking lot palang 'tong nakikita ko.

I can't explain how big it is. I feel like i'm just like a tiny stone in the forest.

"Bianca and Paul, go back to your dorms. Regain your energy. Still, we have to find other students who has an ability outside." agad na tumango naman ang dalawa sa utos ni Sir at umalis na.

"Come with me." yaya ni Sir Leo sa akin.

"Saan po tayo pupunta?" hindi na siya sumagot pa and I don't have any other choice but to follow him.

I glance around. Wala akong nakikitang ibang estudyante o tao maliban sa amin ni Sir. Mga tulog siguro sila dahil madaling araw na.

Sinundan ko lang si Sir Leo at pumunta kami sa Main Building. Ayun yung nabasa kong nakalagay sa arkong hugis arrow na maliit lang.

Sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang 3rd floor. This building has 3 storeys lang.

Lumabas na kami at tumayo siya sa harap ng isang malaking pinto.

Head Master's Room ang nakalagay sa taas.

I don't know pero parang ang lakas ng aura na bumabalot sa room na ito. Ewan ko ba.

Hindi kumatok si Sir at kusa nalang itong bumukas. What the? Wala namang taong nagbukas.

Pumasok kami sa loob. Bumungad sa amin ang isang lalaking nakatalikod na nakaupo sa swivel chair.

Sa pagharap nito sa amin ay mukha ngang nababagay siya sa napakataas na posisyon at karapat dapat igalang. Mid 40's na ang itsura niya pero bakas pa din ang pagkagandang lalaki sa mukha niya.

"Head Master Ryuben." yumuko si Sir Leo bilang pagbibigay galang kaya ginaya ko naman siya.

"Congratulations and you find her." huh?

Tumingin ito sa akin. Para naman akong malulusaw. Ang gara ng titig niya sa mata ko. Kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Mahina itong tumawa. Anong nakakatawa dun?

"What is your name, iha?" tanong nito sa akin.

"X-xyla po. X-xyla F-ferrell." hindi ko alam why I stutter with my own words.

Existence: Crestwood Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon