Pagkalabas ko ng kotse ay bumungad agad sa akin ang malawak na mga strukturang animoy mga museo ang disenyo. Halatang mamahalin ang mga materyales na ginamit dito.
Imported bricks. Imported glass. Hindi na nga ako magtataka kung pati ang mga halaman sa paligid ay pawang imported din dahil ngayon ko lang nakita ang karamihan sa mga iyon.
This place has this mosaic feel na para kang hinigop ng isang mahiwagang painting.
Mula sa parking lot ay mayroong tatlong pathway papunta sa mga malalaking building na kulay asul, pula at dilaw. Mukhang pinasimple talaga ang bawat detalye ng campus. Kahit siguro elementary student ay hindi mamawala sa campus na ito sa sobrang obvious ng mga daan na pwede at hindi pwedeng puntahan ng bawat estudyante.
Needless to say, everyone is striding on to their own little paths. Nakisabay na rin naman ako sa agos ng mga estudyanteng papunta na rin siguro sa kanya-kanyang mga klase at gustuhin ko man na hindi pansinin pero halatang-halata sa mga nakakasabay ko ang status nila sa buhay.
It's not like they're literally flaunting it. Pero alam mo yun? Yung kahit anong gawin mong pagbabalatkayo lalabas at lalabas parin ang totoo. I don't mean to brag but I have an eye on these stuffs like knowing your status in life.
Don't get me wrong. I'm not a peasant pero hindi din naman ako anak mayaman. I'm from a middle class family doing its best to survive this cruel world. At kung nagtataka kayo kung paano ako napasok sa Capitol University na paaralan ng mga elites, let's just say my family has connections here and there.
In short, kaibigan ng mama ko ang may-ari ng eskwelahan na 'to. The main reason why she opted me to finish my studies in this school for the elites, para mabantayan niya parin ang mga galaw ko.
She knows I can't do anything when I'm in here. Lalo pa at mediator ang rank ko sa paaralang ito.
Yes. Isa akong mediator. One of the lowest ranks. The lowest rank to be precise.
Dalawa lang naman kasi talaga ang ranking dito sa mundo eh. It is either you're strong or you're weak.
In Capitol University, it's three- it is either you're a fighter, a defender or a mediator.
Choose your pick.
In my case, me being a mediator assumes that I am weak.
Hindi naman ako nagrereklamo, mahina naman kasi talaga ako. Physically.
Kung mental strength naman ang pag-uusapan, I can say I'm average.
Hindi naman kasi por que puro fighters ang mga magulang ay mangangahulagan na fighter na rin ang anak. Hindi naman kasi fighters ang angkan namin.
Sa side ng tatay ko nagsimula ang pagiging fighter nila kay lolo habang sa side naman ni mama ay siya lang ang nagmana sa mga magulang niya na purong fighters din. Kaya hindi na nakakagulat kung magkaroon man sila ng mediator na anak.
Kasalukuyan kong hinahanap sa second floor ng yellow building para sa mediators ang klase ko na Room 265 nang may makita akong babaeng nakasuot ng black version ng blazer na suot ko.
Kung hindi nyo kasi natatanong, mayroong uniporme ang Capitol. Isa itong black sailor outfit with blazer indicating your rank. Red for the fighters, Blue for defenders and yellow for the mediators.
Yes. Medyo halata ang pagkabiased pero para din naman ito sa security namin. In this way, hindi kami basta-bastang masasaktan ng mga fighters. At mas madali din kaming makakaiwas sa kanila. You know, the perks of being weak and all...
YOU ARE READING
Capitol University
Teen FictionSa mundo kung saan naghahari ang mga malalakas, may lugar pa ba ang mga mahihina? Kung malakas ka panalo ka kung mahina ka seguradong talo ka. Sadyang malupit ang mundo, kelangan matatag ka kung gusto mong mabuhay. 'Yun ay kung may pagpipilian ka...
