Chapter One: Sa lamay...

3.2K 124 65
                                    

POV of Suho

“HUBAD” sabi ni Kai kay Dyo

“K-Kai….wag…” –Dyo

“Sht hyung, panu kita lalagyan ng sunblock? O baka gusto mo umitim tulad ko” he smirked

“Hahaha, eto na nga” naghubad na si Dyo

“Aish~kala ko rape scene na” bulong sakin ni Chanyeol (= _____ =)

“Aish-ambakla nyo”  sabi ni Kriseu

“WOW LAXY HYUNG! NAHIYA KAMI SA MARTIAL ARTS MO!” –Chanyeol

“It’s not my style~~~” –Kris

Aish, abnormal sila, nga pala, Kim Junmyeon imnida, Suho na lang dahil ako ang guardian/first POV/ pinakapogi/pinakamaputi/pinakamaraming fans “Aba hyung….nakalimutan mo ata na ikaw yung pinakamaliit” pambabara ni Chen sakin, oo na, well di naman ako maliit, malalaki lang sila XD “Hahahaha, ang sarap mag-bubble tea sa hapon” sabi ni Sehun kasama si Luhan, nga pala ipapakilala ko pa yung mga tropa ko:

Ako: Guardian

Kris: Cold City Guy

Lay: Ulyanin

Luhan: Adik sa Hello Kitty pero manly ‘kuno’

Sehun: Nababakla sa Deer, este Bubble Tea

Chanyeol: Giant Derp

Chen: TROLL

Baekhyun: Baekla

D.O: Owl

Kai: Negro, este Macho!

Xiumin: Mukhang Siopao

Tao: Kung Fu Panda

Ayan, tapos na! Hahahahahaha! “Parteh Parteh!” sigaw nina Baekhyun at Chanyeol dala yung speaker na napakalaki, nasa resort  kami ngayon at Saturday, balak namin umalis bukas papunta sa resort namin, wala lang, kasi bored na kami eh…nasa may pool area kami. Adik kasi ako sa swimming, plus ipagmamayabang ko pa sa kanila yung bago kong Ford…MAHAL YUN EH!! “Nga pala, anong dadalhin natin?” tanong ni Lay.

“Luhh kaka-explain lang ni Suho hyung kanina, hyung” –chen

“Hahahaha, ulyanin si Lay” asar ni Kris

“Teka, magdala kaya tayo ng Rosary” –Tao

“Wag na, magsisimba ba tayo?” –Chanyeol

“Oo nga, alam nyo guys, tulog na lang tayo ng maaga para mabawasan na yung eyebags ni Tao at ma-enjoy natin yung resort nina Suho hyung” –Chanyeol

“Aish, badtrip si papa, kanina pa tawag ng tawag” –Luhan

“Bakit daw?” tanong ni Xiumin

“Baka di ako makasabay sa kotse, sunod na lang ako sa inyo, basta tawagan ko na lang kayo ah” –Luhan

“Aww hyung, sayang…pero teka Suho hyung, kasya ba tayo?” –Sehun

“Oo naman…malaki kaya yun” sabi ko (A/N: Yung parang pick-up truck po na style na pede yung tao sa likod, ganun po)

“Ahhh…okay” sabi ni Kris.

Natulog kami ng mga 10 pm, puro pambeach saka mga shades ang dala nila, beach resort kasi yun eh, 3 hours from the city pero masaya.

(Kinabukasan)

“Ayy umalis na si Luhan hyung, susunod daw sya” –Kai

“Tara boys”

Kinuha na nila yung mga gamit nila, may surf boards pa nga eh,  Sumakay na kami sa loob.

Ako | Lay

Kris| Tao | Xiumin

Sa likod:

Baekhyun| Chanyeol

Kai| D.O |

Sehun | Chen

“Haay, tulog muna kami ah” –Lay

Author’s POV  *3rd person*

Habang nagmamaneho si Suho ay sobrang ingay ng mga nasa likod “Hoy Chanyeol, pahingi ng mais” sabi ni Baekhyun, nagkukulitan na naman ang Baekyeol.  Tumawag si Luhan kay Suho at sinabing nakasunod na sya, nakita naman nila si Luhan sa motor nya na nasa likod nila, kumaway pa si Lulubells para siguraduhin na sya yun. Malay nyo ba kung killer yun di ba? Huminto muna sila para kumain.

“Whaa hyung, sakay ako sa motor mo” pangungulit ni maknae Sehun

“Aish Sehun, wag makulit”

“Oy pa-gas ka ah, malayo pa” sabi ni Suho kay Luhan, he nodded.

“Whaa-bili mo ko non hyung” paglalambing ni Tao kay Kris

“Tao-yahh~~~~malulugi na ko sayo eh” –Kris

“Please *bbuing bbuing*”

Palabas na sila nung may matanda na lumapit sa kanila “Mga hijo, wag na kayo tumuloy sa byahe nyo, delikado ang mga buhay nyo” sabi nung matanda, natakot yung iba, pero yung iba natawa lang “Lola, ok lang po kami” sagot ni Chanyeol at sumakay na sila, patuloy sila sa byahe “Luhan hyung…overtake na” asar nina Sehun sa binata. “Hoy wag kayo maingay, antahimik ng paligid oh!” saway ni D.O, oo nga, nasa parang bukid na sila, malayo na sa city at yung mga bahay eh parang kubo na style.

“San na ba tayo hyung?” tanong ni Chanyeol kay Suho

“Di ko rin alam, magtanong kaya tayo” sabi nya, nasa isang liblib na baryo na sila at grabe lang yung tingin sa kanila.

“Freaky” bulong ni Chen na tinatakot ‘kuno’ si Sehun.

“Tss, hajima” sabi ni Sehun

Nasa may dulo na sila ng baryo nung biglang namatay yung makina ng Ford, hindi ito inaasahan kaya naman nabangga ni Luhan yung motor nya sa kotse causing an impact on him. Na-out of balance yung motor nya. “Hyung!” sigaw ni Sehun, agad na bumaba ang mga binata at tinulungan si Luhan, lumabas ang isang babae na nakatira sa malapit na bahay.

“Naku hijo, pumasok muna kayo, baka kung anong nangyari sa kasama nyo” sabi nung babae

“Aish!” reklamo ni Luhan, may sugat sya sa may balikat na napuruhan sa pagkatumba.

Pagpasok nila, nagulat sila dahil isa itong lamay.

“Whoa-“ sabi ni Baekhyun, sina Sehun eh inalalayan si Luhan sa pagpasok.

“LABAS! MAY SUGAT KA! BAWAL YAN SA LAMAY!” nagulat silang lahat sa isa pang babae na lumabas mula sa kusina.

“Ano ba Emily? May sugat yung bata oh, kelangan nila ng tulong…sige kukuha ako ng gamot, magpahinga muna kayo ha” sabi nung babae at iniwan sila sa harap ng kabaong.

“Hyung natatakot ako” nakakapit si Tao kay Kris.

Dito magsisimula ang lahat…

PAGPAG (EXO VERSION)Where stories live. Discover now