Ito ay isang kwento na tungkol sa kakaibang pagmamahal. Kwento ng dalawang taong nagngangalang Alex at Kim. Alex came from a rich family, she moved in the US when she was 4. She's now 22. Kakabalik pa lang niya sa New York City para bisitahin ang Nanay niya. Galing syang Buffalo dahil doon sya nagaaral. June 30th, Summer Vacation. That's when she met "her." Si Kim and taong nakapagpabago sa kung anong alam nya sa pagmamahal.
Nagmamaneho ng bagong pulang kotse si Alex. Nakasunglasses sya dahil sa sobrang liwanag ng sikat ng araw at nakatali ang mahabang buhok nya . Habang nakatigil ang sasakyan at naghihintay sa pagiiba ng kulay ng stop light. May biglang umagaw sa kanyang pansin sa gilid ng kalsada . Maputi , sa tantya nya mga 5’4 lang siguro , mahaba ang buhok , napakaamong muka , nakita niyang ngumiti ito . Sa oras na yon para bang nakakita sya ng isang anghel .
“Hay nako Alex eto ka na naman tumitingin ka na naman ng bawal sayo . Tama na. it’s not good for your health.”
Sabi nya sa sarili.Nang biglang ...
(Krinnggggg)
“Hello? MOM ! I’m on my way , I’ll be there in 10 mins.”
Kausap ni Alex ang Mommy nya sa kabilang linya.
“Yes! I might stay here for the whole vacation okay?”
“Mom Mom , okay , relax . I’ll stay here I promise.”
“Okay Mom I’m driving so I’ll just see yah later. Bye .”
Nag berde na ang stoplight umandar na siya sa pagkakatigil.
May biglang sumigaw . Kasabay ng pagsigaw nakita nya ang isang bata na walang malay sa gitna ng kalsada.
“Holy shit!”
Lumabas sya sa sasakyan at pinuntahan ang nakahilatang bata . Duguan ito , sa pagkabigla napatitig sya dito ng ilang segundo .
“AJ!” sigaw sigaw ng babaeng nakita nya kanina sa kalsada .
“Tulong!” habang tumatakbo papunta sa bata.
“Miss , halika na dalhin na natin sya sa ospital.” bangit ni Alex na natigil sa pagkatitig sa bata .”
Binuhat nya ito at ipinasok sa backseat ng sasakyan nya kasunod ang babae.
“Dalhin natin sya pinakamalapit na ospital ha”
Lingon ni Alex habang ngmamaneho.
“Okay.”
Ang tanging nasabi ng babae sa kanya. Na parang wala sa sarili .
Pagdating nila sa Ospital.
“Help.” Buhat buhat pa rin ni Alex ang bata habang nasalikudan at umiiyak ang kasama nyang babae.
Naipasok na sa ER ang bata. Habang naghihintay. Tinitingnan nya ang kasama nya . Kanina pang wala sa sarili. Hanggang nilapitan nya ito para kausapin .
“Miss, okay ka lang ?”
“Wag kang magalala they’re doing all they can para sa bata.By the way I’m Alex.” Binigay ni Alex ang kanyang kamay sa babae . Pero parang walang narinig ito .
“Kapatid ko si AJ bigla syang tumakbo dahil lumipad ang drawing nya sa gitna ng kalsada . Isang umaarangkadang kotse ang nakabanga sa kanya . Sa sobrang bilis ng pangyayare wala akong nagawa kundi sumigaw.” Sabi ng babae sa mahinang boses
“Okay lang yon. Accidente eh. Magiging okay din si AJ.”
“Ako nga pala si Kim, salamat kasi dinala mo kami dito sa ospital at sinasamahan mo pa ako hanggang ngayon.”
YOU ARE READING
KAKAIBANG KWENTO ( A LESBIAN LOVE STORY)
RomanceAlex and Kim met in a hot summer day. Subaybayan ang pagtatagpong ito at kung paano sila nakaaapekto sa buhay ng bawat isa.
