Magiging komplikado lang ang lahat.
Dapat ko munang malaman kung ano ang meron sa kanilang dalawa.
Napabangon ako. Pupuntahan ko si Maycel.
Dali-dali kong ni lock ang apartment at lumabas. Alam ko ang bahay nina Chloe. Medyo malayo iyon kung lalakarin pero kakayanin ko. Wala kasi akong pera.
Binilisan kong maglakad.
"June?"
Napatingin ako sa lalaking kanina ko pang kasabay sa paglalakad.
Sino to?
"Paul?" Namukhaan ko agad siya. "Ba't ka nandito?"
Taga Antique kasi siya. Bakit napadpad siya rito sa Maynila.
"Naga On the Job training ako rugya. Aguy, namiss ko run pakaisa ko ba. Gwapo kaw pero mas gwapo man ko japun ah." Napatawa siya at tinapik ang aking balikat.
(Nag o-OJT ako rito. Naku, miss ko na 'tong pinsan ko. Gwapo mo pero mas gwapo pa rin ako.)
Siya si Paul Daestramon. Nakapag asawa kasi yung papa niya ng taga tubong Antique kaya nandoon sila nanirahan. Mas ginusto nila ng simpleng buhay kahit na malapad ang lupa nila kaya hindi sila dito nagstay sa Maynila.
Madalas akong magbakasyon doon sa kanila kaya na adapt ko na rin ang kanilang dialect.
Bigla kong naalala na may pupuntahan pa pala ako.
"Ah... Paul. May adtunan pa ako mung. Nagadali ako." Pag iinform ko.
(Ah... Paul. May pupuntahan pa kasi ako. Nagmamadali ako.)
"Ay galeh. Tawas ako bi. Wara man ako ti ubrahun. Nagalagaw lang man ako." Excited niyang sabi.
("Ganun ba. Sama nga ako. Wala naman kasi akong gagawin. Namamasyal lang naman ako.)
Di ko siya matanggihan dahil ngayon lang kami nagkita kaya isinama ko na lang.
"Diin kita aw maadto?"
(Saan ba tayo pupunta?)
Hay naku... Mukhang mahabang tanungan to.
Sinabi ko na lang sa kanya ang lahat-lahat mula sa pagka amnesya ko hanggang sa plano kong puntahan si Maycel.
"Paano kaw na amnesya man. Budlay man tana inyong sitwasyon ngara."
("Paano ka nagka amnesya? Mahirap naman yung sitwasyon niyong iyan.")
Napaisip ako. Paano nga ba?
"Hindi ko madumduman basta nagturog lang man ako sa hotel kato tapos pagbugtaw ko sa apartment run ko day May."
(Hindi ko maalala basta natulog lang naman ako sa hotel noon then paggising ko, nasa apartment na ako ni May.)
"Wow! Daw magic bah. Dapat sinugid mo na lang kay May nga madumduman mo run ang tanan."
(" Wow! Parang magic ah. Dapat sinabi mo na lang kay May na naaalala mo na ang lahat.")
Naisipan ko run ang ideyang iyan pero....
"Kung maman.an na basi pauliun na ako sa amon. Tamad ko nga matabu rah. Isugid ko lang kung makadumdum dun tana."
("Kung malaman niya baka pauwiin niya ako sa amin. Ayaw kong mangyari iyan. Sasabihin ko lang pag may alaala na siya.)
Napatango na lang si Paul at natahimik.
Malapit na kami sa bahay nina Chloe.
Nang makarating na kami laking dismaya ang naramdaman ko dahil namasyal daw sila at kakaalis lang nila.
Kung minamalas ka nga naman.
"Saan ho sila nagpunta." Tanong ko sa maid.
"Narinig kong pupunta sila ng park."
Napatakbo kaagad ako.
(Maycel's POV)
Nakaupo kami rito ni Chloe sa damuhan ng park.
"Hay... Sino kayang boyfriend ko?" Malungkot kong tanong.
"Dapat yung inaatupag mo ngayon ay kung paano ka makakaalala."
Napa buntong hininga ako.
"Hmmm... Alam mo May dapat mong puntahan yung mga pinupuntahan mo dati." Payo niya habang kumakain ng Pringles.
"I have no idea. Wala nga akong maalala eh." I sigh.
"I know." She grinned. "Lasinggera ka kasi noon kaya mahilig kang mag bar, magparty at mahilig kang gumala pag gabi at ako palagi ang kasama mo noon."
"Woah." Napaurong ako sa sinabi ni Chloe. "That is so not me." Ako lasinggera? The heck!
"Kilala kita May. Ako yung closest cousin mo. Mag Best friend pa nga tayo eh. Trust me." And she gave me a gesture of assurance.
"So... you're telling me to go to the bar?"
Napatango siya na parang may halong excitement. "For old times sake na rin."
"Sige. Mamayang gabi. Game ako." Mukhang excited na rin ako.
Bigla kong iniba ang usapan.
"Eh ikaw Chloe, sinong boyfriend mo?."
Napangiti siya. "Sa ngayon, wala pero may crush ako at magkakilala rin kayo noon."
"Sino?" Kunot noo kong tanong.
"Siya si Brian Dominic Bueñaflor." Naging dreamy ang mga mata nito sa pagsambit ng pangalan.
(Shaynee's PoV)
Napangiti ako nang dumating ang isa sa aking mga tauhan.
"Ma'am ito na po lahat ng mga impormasyon tungkol kay Maycel Villafuente."
Iniabot sa akin ng lalaki ang envelope.
"Hmmmm..." Binasa ko ang laman.
/Her parents died in a car accident. All were found dead in the car except her but she got an amnesia after the said accident./
"Good job." Nginitian ko ang lalaki at binigyan siya ng ilang 1000 bills. "You may now go."
Napahalakhak ako sa nalaman. "The table will now be turned Maycel Villafuente."
I smirk.
YOU ARE READING
WHEN HE STEPPED IN MY ROOM (complete)
General FictionWhat if you woke up one day and you found a young, handsome, hot hunk in your own room?
When the Memory Rushes in
Start from the beginning
