When the Memory Rushes in

27 1 0
                                        

(June's ,Jed's, Shawn's PoV)

I'm alone in this apartment but I'm thinking lots of things.

Simula nang bumalik ang aking alaala, mas lalo akong nahihirapan sa sitwasyon namin ni Maycel.

Kailan nga ba bumalik yung aking alaala. Ah, oo. Naalala ko na.

(Flashback)

Dinala kami rito ng pinsan ni Maycel na si Chloe sa isang restaurant. Napalingon ako sa lugar. This place is somewhat familiar.

Lumingon ako kina Maycel at Chloe na parang nakikipagbulungan.

Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila. Tumingin sa akin si Chloe.

Naku, di pa pala ako nagpapakilala.
Ang rude ko. So I introduce myself.

"I'm Shawn by the way. I'm his boy... Ouch! Aray."
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil inapakan ni Maycel babes ang aking paa. Wala talagang awa 'tong babes ko. Proud akong sabihin na boyfriend niya ako. Anong problema run? Andami ngang babae yung nagpapapansin sa akin dito pero sa kanya lang ako nakafocus. Psshhh naman e.

Masakit ang paa ko pero sumakit din ang ulo ko.

Pumunta ako ng cr.

"Aray...Shit."

Napahawak ako sa aking ulo. Sumasakit itong lalo. Biglang may nagflash na mga pangyayari sa aking isipan.

Si May... Girlfriend ko noon?!

Inalog ko ang ulo ko. No, this can't be.

Naisipan kong huminahon.

Naalala ko ata ang lahat dahil sa pagtapak sa akin kanina ni May dahil parang nangyari na rin to noon. Hindi nga lang si Chloe ang kasama namin kundi ang baklang kapatid niya. Pinakilala ko rin kasi noon na bf niya ako kaso tinapakan niya yung paa ko.

May is my ex girlfriend! Pero mahal ko pa rin siya. God, anong gagawin ko?

Akala ko noon tuluyan na niya akong kinalimutan kaya lalo akong nagalit sa kanya yun pala nagka amnesya pala siya. Ang selfish ko. Nagpadala ako sa selos at galit. I dated many girls nung wala na kami  without knowing na naaksidente pala yung taong mahal ko.

Nauntog ko ang ulo ko sa pader.

Pero nasasaktan pa rin ako dahil siya ang nangloko sa akin. Gusto ko siyang saktan pero di ko magawa dahil mahal na mahal ko pa rin siya.

I decided to pursue my love for her. Mahal pa rin kita Maycel. Marahil ay ito ang pagkakataong maayos ko ang nasira nating relasyon. Sana kung sakali mang bumalik ang iyong alaala, hindi mo ako iiwan.

(End of Flashback)

Napayuko ako sa alaala. Hay naku, pashneya talaga 'tong sitwasyon.

Tinawagan ko uli si Mom at kinamusta. Sinabihan ko siyang ilihim muna kay Dad at sa kahit na sino man kung nasaan ako. Pag naroon kasi ako sa puder ni Dad, puro business stuffs lang ang ikinukwento niya kahit alam naman niyang wala akong interes sa field na 'to. He's always rubbing it in and I'm sick of it.

Napasalampak ako sa headboard ng kama. Ano na kaya ang ginagawa ni Maycel? I already miss her.

Hayyss... Bigla kong naalala ang lalaking pinagseselosan ko noon. Wala man lang kinuwento si May tungkol sa kanya.

Ibig sabihin ba nun marahil ay hindi pa sila nagkikita? "Shit?"
Di dapat silang magkita.

Ano nang gagawin ko? Hindi dapat silang magkita hanggat wala pang alaala si May.

WHEN HE STEPPED IN MY ROOM (complete)Where stories live. Discover now