Loraine PoV
Tinignan ko yung oras sa relo ko, and it's already three in the afternoon pero wala pa rin itong si Kylie. My God! 2:30 ang usapan namin pero hanggang ngayun wala pa siya! Ano bang pinaggagawa niya at sobrang tagal niya? Lagi nalang siyang late sa tuwing magkikita kami, buti nalang at kaya ko pa siyang tiisin.
I'm here at the park, nakaupo habang pinapanuod yung mga batang nagtatakbuhan. Mag-iisang oras na ako nakaupo dito at tinitiis ang sikat ng araw kakahintay sa magaling kong kaibigan, the good thing is naaliw ako sa mga batang nagalalaro, sobrang cute kasi nila.
Tumayo ako at naglakad-lakad na lang, dumadami na ang tao dito kaya mas lalong naging maingay, may buong pamilya, mag-trotopa at mag-jowa, parang ang boring ko tuloy dahil wala akong kasama.
Nakakita ako ng nagtitinda ng ice cream, daig ko pa yung bata habang lumalapit papunta doon sa mamang nagtitinda. Hindi niyo lang alam favorite ko ang ice cream lalo na yung cookies and cream na flavor, everytime na kumakain ako ng ice cream nawawala lahat ng stress ko at para bang bumabalik ako sa pagkabata.
"Anong flavor ang meron manong?" tanong ko.
"Cheese, Ube, Chocolate at Cookies and Cream hija"
Napalawak yung ngiti ko ng sinabi niya yung Cookies and Cream.
"Yung cookies and cream nga po"
Maglalagay na sana siya ng ice cream dun sa cone ng magsalita siya na hindi ko nagustuhan.
"Nako hija, ubos na pala ang cookies and cream, mag-chocolate kana lang"
Gusto kong sapakin si manong dahil pinaasa niya ako sa cookies and cream, nakakainis! Akala ko naman makakain na ako ng paborito kong flavor ng ice cream yun pala hindi. Badtrip!
"Wag nalang pala manong"
Tumalikod na ako para bumalik na sana doon sa bench at baka andun na si Kylie ng mag-vibrate ang phone ko.
A text message from Kylie.
From:Kylie
Raine! Sorry, hindi kita mapupuntahan ngayun, may family outing pala kami nga yun. Bawi nalang ako sa'yo sa susunod. Love you! Sorry ulit.
What the....
After kong umasa dun sa ice cream na cookies and cream eh papasahin din pala ako nito ni Kylie? What a day? Anong date ba ngayun? Friday the 13th ba, at sobrang malas ko ngyung araw? Kanina muntik pa akong madapa sa bahay sabay tawanan ka ng dalawa mong kuya, tapos yung aalis na ako walang gas yung kotse ko kaya ang kinabagsakan ko mag-commute tapos ito naman. I guess malas lang talaga ako ngayun.
Naisip ko nalang na umalis na ng park para kumain ng ice cream sa labas, may alam akong ice cream parlor dito eh.
"Hi Miss, badtrip ka ata?"
Sinamaan ko ng tingin yung lalaking humarang sa dinadaanan ko. Nang-aasar ba ang isang 'to? Hindi siya nakakatuwa.
"Oo, badtrip talaga ako! Kaya kung ako sa'yo tumabi ka jan kung ayaw mong masapak. Tabi!"
"Ang sungit! Bakit kaya mo ba akong sapakin? Kaya mo ako?"
Hinahamon niya ba ako? Kalalaking tao pumapatol sa babae. Bad!
"Hindi kaba tatabi?"
"Pwede ka naman dumaan sa gilid ha, ang luwag-luwag eh"
The hell. Nagawa niya pa akong asarin? Ano bang trip ng lalaking 'to? Hindi kaya holdaper 'to? O kidnaper o rapist? Pero wala naman sa itsura niya na gagawa siya ng masama pero bakit niya ako kinakausap eh hindi ko naman siya kilala, kahit kailan nga eh hindi ko pa siya nakikita.
VOUS LISEZ
Maybe this Time
Roman pour AdolescentsRevenge Of a Wife Season 2 Please read Revenge Of a Wife first. 😊
