ang simula

103 1 0
                                        


Hi ako nga pala si Patrick labing dalawang taong gulang, bisexual at kasalukuyang nag aaral sa isang unibersidad sa aming lugar. Nagiisang anak ng abogado na tatay at nagmamay-ari naman ng isang real estate company ang nanay ko.

Naging busy ang mga magulang ko sa propisyon nila kaya hindi na ako nasundan. Lahat ng luho ay nakukuha ko. Pinalaki nila akong malayang nakukuha ang gusto ko. Wala akong kaagaw sa pagmamahal nila. Ngunit sa sobrang busy nila di na nila ako masyadong napagtutuonan ng pansin. Kahit ganun ay di naman ako naging pariwara. Mabuti ang pagpapalaki nila sakin at nagpapasalamat naman ako kahit papano.

Naalala kopa noong 15th birthday ko nirigalohan ako ng kotsi ni daddy. Noong 20th birthday ko binigyan naman ako ni mommy ng ticket papuntang london. Last year naman ay pina close ni papa ang paborito kong gimikan at dun kami nag celebrate ng debut ko kasama lahat ng kaibigan ko.

Kung isipin nyo napaka perpikto kona. Ngunit sa kaloob looban ko parang kulang parin. Hindi ko lubos mawari kung ano man iyon. May hinahanap akong hindi maibigay ng mga magulang ko.

----

Summer noon at nagbabalak kaming pumunta na palawan ng nag iisa kung bestfriend.

*Tok tok tok..*kumatok si mama sa pintoan ng kwarto ko.

"Patrick anak! Andito si Jake sa baba. Bumangon kana jan. Diba ngayon yung alis nyo papuntang palawan?"wika ni mama.

Alas 8 palang ng umaga. Excited masyado si Jake. Kahit marami akong mga kaibigan si Jake lang kaisa isa kong bestfriend. Kahit sobrang sama kung tao sya yung umiintindi sakin. Di nya ako iniwan kahit kailan. Kagaya ko nagiisang anak lang din yan. Pero patay na pareho nyang magulang noong dalawang taon pa sya. Lola nalang nya ang nagpalaki sa kanya.

Kaya lab na lab nya ako kasi sa lahat ng lakad ko di pwedeng mawala yan. Binibigyan ko pa yan ng allowance. Minsan sa kwarto kona natutulog si Jake pag inumaga na kami sa gimikan. Kahit sobrang sama konang tao pagdating kay Jake masasabi kong may nagawa naman na akong mabuti. Kapatid na ang turing ko jan.

"Oo sige. Bababa na ako." Ngunit ilang saglit lang ay biglang pumasok si Jake.

"Anong pitsa na bes? Tatanghaliin tayo sa byahe. Baka nakalimutan mo mag cocommute lang tayo." tugon nya habag nilalapag ang dala nyang maleta.

"Maleta talaga dala mo? Di kana uuwi? Bakla, 3 araw lang tayo dun."sagot ko habang bumangon at pumunta sa banyo.

"Parang di kanaman nasanay sakin. Mga outfit ko yan day. Baka may makilala tayo dun. Malay mo baka dun ko na makikilala ang forever ko."

"Baliw!" Sabay bato sa kanya ng towalya. At pumasok na ako sa banyo.

Ganito lang talaga kami mag kwentohan ni Jake. Pero pag nasa harap nila mama di kami pwede magbinakla. Kahit naman kasi bakla kami pero di naman mahalata. Kaya todo pa men ang awra namin sa harap nila mama. Kahit alam naman nila at tsaka di naman kami masyado makapag usap kahit palagi silang busy.

Ilang minuto lang at lumabas na ako. Naka brief lang at basa pa ang buong katawan. Lumapit sakin si Jake dala ang towalya.

"Alam mo Pat kung di lang kita kaibigan napagnasaan na kita."pabirong wika ng kaibigan ko.

Sa bagay maganda naman talaga ang katawan ko. Walang bahid na piklat ang moreno kung katawan. Matangkad naman ako 5'9 at matangos ang ilong na nakuha ko sa lahi nila mama na torka. Kahit na walang abs ay maraming nagkakagusto sa katawan ko.

"Matagal kanang nag nanasa sakin. Di molang maamin." Sabay kuha sa towalya at pumasok na sa walk-in closet. Nag bihis at umalis na kami.

----

Maraming tao sa terminal ng vhire. Buti nalang at kakaalis pa ng isang vhire at naka sakay kami agad. Dun na kami sa pinakadulo umupo para walang masyadong hassle.

Nakinig muna ako ng music saking selpon gamit ang headset samantalang namili muna ng makakain si Jake dahil 3 oras pa ang byahe.

Ilang sandali lang ay may pasaherong sumakay at umupo sa tabi ko..di ko masyadong napansin dahil busy ako sa kaka facebook. Nakabalik narin si Jake at umupo na sa tabi ko. Nakaraan ang ilang minuto at nagsimula na ang byahe.

Busy parin ako sa kaka facebook. Tiningnan ko ang paligid. Nakatulog na si Jake sa kanan ko katabi nya ay babaeng nasa trenta na ang edad sa tingin ko. Samantalang yung lalaking nasa kaliwa ko ay maka tingin lang sa bintana. Kagaya ko ay nakikinig rin sya sa music sa phone nya. Di ko napansin ang mukha nya kaya binaling ko nalang sa iba ang atensyon ko.

May mga nag chichikahan sa harapan namin at yung iba nakatulog na. May isang oras na pala kaming nasa byahe. Kaya naisipan kong maidlip na muna.

Ilang sandali lang ay napansin kong may naka sandal sa balikat ko. Yung lalaking katabi ko pala. Tiningnan ko sya. Ang gwapo pala ng mokong nato. Mataas ang mga pilik mata nya. Kulay pink ang kanyang mga labi. Kahit di katangkaran ang kanyang ilong ay pwede na. May kataasan din ang kanyang buhok. Lampas pisngi.

Pinagmamasdan kolang sya na mahimbing na naka tulog. Tumingin ako sa paligid. Tahimik na. Tulog parin si Jake. Binalik ko ang tingin ko sa lalaki. Siguro nasa parehong edad lang kami. Ang sarap nyang pagmasdan. Ilang sandali lang ay nagising sya. Naka tingin sya sakin.

"Ay, sorry nakatulog pala ako." Wika nya. Inalis nya ang ulo nya sa pagkasandal sakin.

"Ayos lang." Maikling sagot ko. At inalis kona rin ang tingin ko sa kanya. Sana nagtagal pa kami sa posisyong iyon.

"Nasan naba tayo?" tanong nya.

"Di ko rin alam. Di pa ako familiar sa lugar nato." Sagot ko.

Nginitian lang nya ako at tumingin uli sa labas. Sayang di ko man lang sya nakilala. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa terminal.

-----

Maya maya ay sumakay narin kami ng barko papuntang palawan. Di kona makita yung lalaki. Pagkaraan ng ilang oras ay nakarating narin kami sa isang resort sa palawan. Nag check-in at nagpahinga narin.

Alas onse ng gabi nagising ako. Napansin kong tulog parin si Jake sa kabilang kama. Napagod ang bakla sa haba ng byahe namin. Pumunta ako sa may terrace. Malamig ang hangin. Maganda ang resort na na-checkinan namin. May dalawang malaking pool at isang pambata. Tanaw ko rin ang dagat sa kinatatayoan ko. Kahit mag hating gabi na ay maraming tao parin sa labas. May open bar akong nakita malapit sa pool lumabas ako sa kwarto at magpasya akong uminon na muna.

-- to be continued

Our Special Kind Of LoveStories to obsess over. Discover now