"Camera"
""Kung magiging isang bagay ako gusto ko maging isang Camera!"
Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing nakikita ko ang camera aynahahalintulad ko ito sa aking sarili..
Sa tuwing may problema madalas kong hawakan ang aking camera at humahanap ng magandang view
at pag nakahanap na agad kong kiniclick ito,
Masaya naman ako sa kinakalabasan nito kadalasan maganda tamang kulay tamang pwesto katulad ng gusto ko sa buhay
ngunit minsan malabo minsan maling pwesto,Ganyan talaga parang buhay..maari naman ito ulitin.
Ganon talaga di rin natin madidiktahan ang Camera nag loloko rin ito kahit gaano ka kagaling parang puso din yan,
Kahit gaano mo siya kagusto minsan hindi mo makukuha pero pwede naman subukan,diba?
minsan ang pagkuha ng litrato ay nakakaubos ng pasensya pero nasa sayo yan kung mauubusan ka ng pasensya pano mo makukuha ang gusto mo manyari.
minsan naisip ko na "Sana ganito ang pag ibig, pag napusuan mong kunan mapapasaiyo"
Hindi man siya mapasakin Sapat na makuhanan ko siya ng litrato tatak sa memorya ng aking puso na hindi kukupas kahit na anong manyari dahil ni minsan nakita ko ang matamis na ngiti nya gamit ang aking pinakamamahal na Camera.
Sana naging Camera nalang ako para lagi kong makuha ang matatamis mong Ngiti
