four

418 15 2
                                    

Mr. Craby

I almost dropped my jaw seeing that guy na tutulong sa'kin. Sure ba si Paige? Marunong bang tumulong 'tong taong 'to? Sorry if judgemental, pero yung parents at mga kapatid niya nga 'di niya matulungan magbuhat ng mga bagahe, ako pa kayang 'di niya kilala? Aish.

And, I was right. Arogante nga 'tong isang 'to.

"This is Season. Season, he's Donny, siya yung tutulong sa'yo." Pagpapakilala sa'min ni Paige.

I extended my hand offering a shake. Ilang segundo na yatang nakaabot kamay ko, pero nakatitig lang siya.

"Sit." Utos nung Donny sa amin ni Paige at tila gusto ko nang magpakain sa lupa noong namalayan kong napahiya ako. Invisible ba kamay ko? Bakit 'di siya nakipag-shake hands?

Anyway, pareho naman kaming umupo ni Paige sa tapat nito.

Nakatitig lang ako sakanya, naghihintay kung ngingiti ba 'tong mokong na 'to.

"Thanks for the offer, Donny. This would be a big help." Ani Paige at ngumiti naman si Donny at napailing.

"This is nothing. Ikaw pa ba, bro?" Sabi niya bago siya nakipag-highfive kay Paige. Nakatitig lang ako sakanila at hindi nagsasalita. Masyado kasi akong tinakot ni Paige tungkol sa Donny na 'to.

"Wait. I'll just take this call." Sambit bigla ni Paige noong nag-ring ang phone niya at dali-dali niya kaming iniwan ni Donny.

Dead air. 'Yon lamang ang namagitan sa amin. Naga-alinlangan akong kausapin siya kasi baka kakakita pa lang namin, lamunin niya na agad ako ng buhay.

Ni hindi ko din siya tinitignan sa mukha. Sobrang awkward, honestly. Tingin lang ako ng tingin sa paligid para makaiwas sakanya.

"I'm sorry." Sabi ni Paige pagbalik niya. "Something came up sa office, they need me there."

Tila naman ako sinabuyan ng mainit na tubig sa sinabi ni Paige. Ibigsabihin eh maiiwan kaming dalawa? Makakasama ko 'tong isnoberong 'to?

"Just text me kung may problema, ha? I'll try to come back tonight." Ani Paige at ginulo ang buhok ko. Matapos nito ay bumaling naman siya kay Donny. "Ikaw na'ng bahala sa batang 'to ha?" At iyon na lamang ang nasabi ni Paige bago siya kumaripas ng takbo papunta sa sasakyan niya.

So, ano na? Anong gagawin ko ngayon?

Pinapakiramdaman ko si Donny habang humihigop sa frappe niya. Hinihintay ko siyang tumayo, magsalita, or what. Pero wala, tanging paghigop lang niya ang naririnig ko at hindi ko naman alam kung saan siya nakatingin dahil sobrang tinted ng shades niya.

Ilang minuto pa ang lumipas eh bigla naman siyang tumayo. Syempre tumayo din ako, assuming na aalis na kami.

Tumitig lang siya sa'kin ng magkasalubong ang kilay na tila ba tinatanong kung bakit ako tumayo. It's not the appropriate response, but I gave him a smile.

Tumungo na siya at tila ba palabas na ng cafe noong napansin niyang sumusunod ako sakanya.

"What do you think you're doing?" Pagtatanong niya. Problema nito? Psycho ba 'tong isang 'to?

"Mmm, sumusunod sa'yo?" Napakatalinong sagot non Season, oo.

Tangin pag-iling lang ang naging tugon niya sa'kin at nagpatuloy sa paglalakad sa labas. Dumeretso siya sa sasakyan niya at nakasunod pa din ako. Pumasok siya sa driver seat at naiwan naman akong nakatayo sa tapat ng pinto ng itim niyang kotse. He's not telling me what to do, hindi ko alam kung ano dapat ang ikilos ko kung kaya't sinunod ko nalang kung ano yung mga nasa isip ko.

His Amour [Donny Pangilinan]Where stories live. Discover now