two

549 16 1
                                    

New Milieu

Paulit ulit kong binabasa ang nakasulat sa aking plane ticket. Hindi ako makapaniwala na sa wakas, makakaluwas na ako para hanapin si dad.

It's my first time to fly out of Iloilo. Hindi ko din sigurado kung ano ang magiging buhay ko sa Manila kasi sobrang maga-adjust ako sa environment. Manila is completely different from Iloilo. Mas liberated ang mga tao doon at ang mga lugar ay masyadong pang-bigatin.

Dali dali naman akong tumungo sa departure area. Kanina pa ako pa-ikot ikot dito sa airport dahil nahahaluan na ng kaba ang excitement na nararamdaman ko.

This is also my first time to ride an airplane. Sabi nila nakakahilo daw at masakit sa tainga kaya kinabahan naman ako dahil doon.

As I ride the plane, it feels like my body is completely numb and my hands are too sweaty. I just can't believe that this is finally happening.

Umupo na ako sa aking seat. I'm sitting by the window at buti nalang ay dito ako naupo. Dahil nga first time ko, syempre gusto kong masilip kung ano bang meron sa labas g bintana ng isang eroplano. Sensya na, promdi eh.

Maya't maya pa ay meron nang tumabi sa'kin. He has this tall slender figure na naging dahilan para sobrang iangat ko pa ang aking ulo upang masilayan siya noong tumayo siya sa tapat ng seat row ko.

I don't usually get attracted by guys pero uy, iba 'to.

Kahit halos matago na ang buong mukha niya dahil sa suot nyang shades, sombrero at hoodie, malinaw pa rin para sa akin na gwapo 'tong isang 'to. Pero dahil hindi ako maharot na tao, nag-kibit balikat na lang ako at hinayaan siyang umupo sa tabi ko.

He sat beside me at sa tapat naman namin ay nakaupo ang nanay at tatay niya, I guess. They look young though, mukhang hindi sila na-sstress sa buhay.

"So we're finally inside the plane! Benj is beside me and Kuya's in front of us. Ayaw niya na yata ako katabi." I was astounded when someone at the back suddenly spoke. Napalingon ako dito at napagtantong kinakausap niya ang camera na hawak niya.

"I guess I'll end my vlog here. Thank you for watching our Iloilo trip! 3 days isn't enough for me. Kung ako ang tatanungin, eh babalik talaga ako dito. Thanks for going with us in the family marathon we joined. It was a great experience!" Ano ang ginagawa niya? Vlogger ba siya? Teka, tama ba. Iyon ba ang tawag doon?

Kung hindi ako nagkakamali, kapatid ni kuyang katabi ko na gwapo iyong babaeng kumakausap ng camera. Maganda siya, at gwapo din yung katabi niya. Damn, their genes are something. Sana maipasa sa anak ko ang ganitong lahi.

I took a glance at the guy sitting beside me. His face is completely blank, tila walang kahit anong emosyon ang nangingibabaw sa mukha niya. If we'll jump into conclusions, masasabi ko na arogante itong katabi ko.

His eyes are almond shaped and it doesn't show any emotions. He has broad cheekbones that sat on a chiseled jaw. Para bang 'pag sinubukan mong hawakan ang panga niya eh masusugatan ka. The way he look can be something that you can only see in the tv or sa libro. Kumbaga, para siyang isang perfect character na hinding hindi mo makikita sa totoong buhay. All of his features are very firm in an attractive way.

Tama na nga at tila ako nagpapantasya.

Inalis ko na ang tingin ko sakanya and looked outside the window instead. Mayroon nang nagsalita na nagsasabing paalis na ang aming sinasakyang eroplano. Kinuha ko ang earphones ko at sinasaksak ito sa magkabila kong tainga. Sinuot ko na din ang shades ko para matchy kami ng katabi ko. Joke lang. Sinuot ko ito para hindi mapansin ang itsura kong mukhang ewan kapag natulog ako.

His Amour [Donny Pangilinan]Where stories live. Discover now