Promises

9 1 0
                                        

"Natatandaan mo pa ba yung pangako natin sa isa't isa na gagawa tayo ng pamilya? Gusto mo pa na ang panganay natin, lalaki tas susunod babae para maprotektahan ang prinsesa natin." natatawa nyang banggit habang nakayukong hinahaplos ang kamay nito. "Gusto mo pa na simpleng beach wedding kasi diba narerelax ka sa scene ng dagat? Gagawin natin yun." napangiti pa ito. "Ang dami mo pang habilin nung nililigawan kita. Ayaw mong nagpapalipas ako. Ayaw mong nagseselos ako, kahit di ako seloso. Tapos ayaw mong iniiyakan kita kasi nasasaktan kang makita akong nanghihina at ang dahilan ay ikaw." tumulo na ang mga luha nito. "Ano ba naman ito! Haha. Mukhang tanga akong kinakausap sarili ko."

"Kaya gumising ka na, Queen." napahawak ito ng mahigpit sa mga kamay nito habang umiiyak. "Gagawin natin lahat ng gusto mo. Diba sabi ko naman sayo na mag ingat ka? Hindi ko kakayanin mag isa ito, alam mo yun Queen. Gumising ka na." at habang kinakausap nito ang babaeng nakahiga sa hospital bed ay narinig nito ang di nya inaasahan.

--*

"Hindi tita, anjan sya. Ramdam ko ang yakap nya. Andito sya." umiiyak na saad ni Justin.

"Hijo, wala na. T-tama n-na" nauutal na sabi ng ina ni Queen.

"Hindi. Queen!" napaluhod si Justin nang humahagulgol.

"Nakita namin ito sa ilalim ng kama ni Queen. Basahin mo, hijo. Mahal ka nya, Justin." tinapik ng ama ni Queen ang balikat ni Justin at nginitian sya nito.

--*

My loving weak boyfriend slash future husband,

Hello sayo! Justin my loves? Hihi. Mahal na mahal kita. Lahat ng promise ko gusto kong gawin pero panigurado mababasa mo ito nang wala na ako sa tabi mo. Wag ka ngang umiyak! :) mahal ka ng Queen ng buhay mo.<3 kaso hanggang dito nalang ako. ;( hihintayin kita dito. Dito tayo magpapakasal. Lahat ng promise ko gagawin ko.

Mahal na mahal kita, Justin Avelliano.

-queenlaika.

--*

"Hintayin mo ako, Queen. Mahal na mahal kita." saad ni Justin ng nakangiting umiiyak.

(END)

Promises

One shot.

Inspired from my mushy side.

Written at 07/18/16

Soundtrack:
Mamimiss kita by Still One ft. Loraine

Written by diwatanganda

All rights reserved.

Promises (OS)Stories to obsess over. Discover now