Chapter 10 -- Let Love Bleed Red

Magsimula sa umpisa
                                    

Humarap si Gk sa kanya. "Talaga?"


"Ang haba ng sinabi ko tapos yan lang ang isasagot mo?" Pabirong sabi ni Jared.


"Action speaks louder than voice." Kinwelyuhan niya si Jared sabay halik sa labi nito. Parehong nakalapat lang ang mga labi nila at hindi gumagalaw. Oh God I really love this person. Please, huwag mo na siyang ilayo pa sa'kin. Huwag mong hayaan maghiwalay kami. Dahil kapag nawala pa siya sa buhay ko, hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Baka maging miserable ulit ako tulad ng dati. Ayoko na ulit mangyari 'yun. Inilayo na ni Gk ang mga labi niya kay Jared then she smile and wink. Natawa tuloy itong si Jared.


"Aba! Kailan mo pa natutunan 'yon?"


"Simula nang mahalin kita." She smile again then naglakad na siya pero muli niyang hinarap ang boyfriend. "Kapag nalaman ko o nakita kong may ibang humalik sa'yo, humanda ka sa'kin, Cervantes." Pinakita niya ang kamao niya. "Patay kayong dalawa sa'kin. Tapos hihiwalayan kita agad." Naglakad na ulit siya at sinundan siya ni Jared.


"Hindi mangyayari yun, bukod sa puso ko, pag mamay ari mo din ang mga labi ko pati na buong katawan at pagka tao ko."


"Oo talaga." Sabi naman ni Gk. Hinawakan na ni Jared ang kamay ng girlfriend at sabay na naglakad papunta sa classroom nila.

Kapag nag aaway sila daig pa nila ang mag asawa pero kapag nag lalambingan naman daig pa ang bagong kasal. It only shows how much they really love each other.


Nauna nang pumasok sa loob ng classroom si Gk, nag usap kasi sa labas sina Jared at Mart. Nang nakita niyang linapitan ni Veronica ang boyfriend kaya lumapit na siya sa mga ito.


"Jared, minsan naman lumabas tayo tulad ng dati." Malambing na sabi ni Veronica, hinawakan pa niya ang kamay nitong si Jared.

Lumapit na talaga si GK sa kanila then bigla na lang niyang inalis ang kamay ni Veronica sa pagkakahawak sa kamay ni Jared.

"Aray ko, ano bang problema mo?" Inis na tanong ni Veronica.


"Ang problem ko yang pagmumukha mo. Don't you dare to ask on a date or to touch my boyfriend. Do it again and you're so dead." Matapang na sabi ni GK.


"Hmp! Ang arte mo talaga kahit kailan. Para hawakan lang nagseselos kana agad."


"Excuse me? Hindi kita pinagseselosan no? Sadyang wala lang akong tiwala sa pagmumukha mo." Ganting sabi ni GK.


"Parekoy, ang swerte mo naman. Ikaw na ang pinag aagawan." Sabi naman ni Mart.

"Gk tama na 'yan. Tara na sa loob." Inakbayan niya si GK tsaka na sila pumasok sa loob.


"Kung magalit, daig pa ang tigre. Bruha talaga. Makaka ganti din ako sa'yo, humanda ka." Inis na sabi ni Veronica.


Alam ni Gk walang mali sa ginagaw niya, hindi sa nagiging madamot siya sa boyfriend. Pino-protektahan niya lang ang kanyang mga pag mamay-ari. Ayaw niyang may kung sino lang ang umagaw. Dahil kapag nagkataon magiging tigre talaga siya at mangangagat.


Puspusan na talaga ang paghahanda ng banda na sinalihan ni GK. Kabisado na nila ang kanilang tatlong kantang ipe-perform.


Amarillo Stadium
9:00 pm
Battle of the bands

Lahat ng mga bandang kasali sa Battle ay  nasa stadium na, naghihintay na lang na magsimula. Nando'n na rin sina Gk. 10 bands ang lahat ng mga maglalaban at apat lang sa kanila ang mananalo. Kanya kanyang porma lahat. Pero outstanding talaga ang porma ni GK. Bumalik ulit siya sa pagbibihis ng emo/goth dahil sa Battle of the band, pero right after the battle, magbabalik na din naman siya sa dati.


Suicide LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon