Chapter 5

246 11 15
                                    

That Friday Night.

“Pabili pong RC. Maliit.”

“RC? Buo o Durog?” tanong ni Kuya Hans na tiga-bantay ng tindahan na nasa tapat ng bahay namin. Kapag siya talaga nagbabantay, wala kang matinong tanong na maririnig sa kanya.

“Durog.” Sagot ka na lang. Tumalikod na siya para kumuha ng RCng durog. Haaay. Only in our neighborhood nga naman. Hehehe.

Pagbalik ni Kuya Hans, inabot na niya sa’kin yung binili ko, inabot ko naman sa kanya yung bayad. Tumalikod na ko para bumalik sa bahay namin.

Na-stress ako kaya naman nag-softdrinks ako, kailangan ko mag-cool down sa dami ng nangyari ngayong araw.

“Softdrinks? Di ba bawal sa’yo yan?”

Hinanap ko kung sa’n nanggaling yung boses. At nandun si Makoy nakaupo sa tapat ng bahay namin. Lumakad ako papalapit sa kanya, at tinabihan siya sa kinauupuan niya.

“Anong ginagawa mo ditto ha?” tanong ko sabay bangga sa balikat niya ng balikat ko.

“Bakit ka nagso-softdrinks?” tanong niya. Medyo madilim na nun kaya hindi ko masyadong makita yung facial expression niya. Pero sa tono ng boses niya, mukhang hindi siya masaya.

“Nauuhaw kasi ako.” Sagot ko.

“Wala bang tubig sa inyo?” tanong niya pabalik. Walang halong tono ng biro sa mga salita niya. Bakit ba kasi palagi siyang galit kapag ako kaharap niya? Ano bang nagagawa kong mali?

“Meron. Di malamig eh. Kakalagay lang kasi ng tubig sa pitsel.”

“Eh di dapat sa’min ka nakiinom.”

Tinignan ko siya ng may pagtatanong sa mga mata ko. “Seryoso ka?”

Buntong-hininga ang sinagot niya sa’kin. “Di ba bawal sa’yo ang soft drinks? Bakit ka umiinom niyan? Kung ano talaga yung ipinagbabawal sa’yo ginagawa mo eh no? When will you listen Batsy?”

Hindi ako nakasagot. Kailan nga ba ko nakinig? Kailan ko ba sinunod lahat ng sinasabi sa’kin?

Nagkibit balikat na lang ako.

Inagaw naman niya yung softdrinks ko. Itinapon yung straw. Itinali niya yung dulo ng plastic, parang gumagawa ng yelo, tapos kinagatan niya yung kabilang dulo at doon uminom.

“Tss. Tambay lang kung uminom?”

“Kunwari ka pa, Gawain mo din to eh.” Sagot niya, this time unti-unti nang nagkakabuhay yung tono ng boses niya.

“Ehhh. Oo nga. Nire-ref ko pa nga yan eh. Para mas masarap. Hehehe.”

Tapos nakita ko na naman yung ngiti niya. Ngayon alam ko na, hindi sila pareho ni Lyndon ng smile. Iba yung nadudulot na sa’ya sa’kin kapag nakikita kong nakangiti siya.

Napasandal ako sa kinauupuan ko at tinitigan na lang yung mukha niya. Nag-lean forward naman siya tapos tumingin sa akin.

“Kumusta araw mo?”

“Nakakapagod syempre.”

“Mmmm…” sabi niya habang tumatango-tango.

“Ngapala. Bakit ka nga ulit nanood ng grand rally this year?”

“Wala lang.” sagot niya tapos sumandal din siya.

“Sus. Dahil kay Gwen? Nakita ko yata kayo magkausap eh. Siya ba bago mong ligaw ngayon?” sabi ko with matching ngiti-ngiti pa.

“Nakita ko din kayo ni Lyndon mag-usap, right after I told you to stay away from him.” At sumeryoso ulit siya.

“ahhh. Oo. I confronted him. I ask him kung bakit niya ko kinukuhanan ng pictures eh.”

“Then.”

Nilingon ko siya, and he’s not looking at me, nakatingin lang siya ng diretso sa kung saan man siya nakatingin. Yumuko ako, iniisip kung ikukwento ko ba sa kanya yung sinabi ni Lyndon.

“Sabi niya okay daw ako na subject.”

“Naniwala ka naman?”

“Hindi syempre. Kaya nga pinatigil ko siya sa pagkuha niya ng pictures ko eh.”

“Anong sabi niya…? Will he stop?”

I pursed my lips and shook my head. “No. He said he can’t stop.”

Tapos unexpectedly, I heard him chuckle. Napatingin ako sa kanya, tapos nakita ko na nakangiti siya. At yung ngiting din yun ang bumasag sa puso ko.

“He really likes you.” Sabi niya.

Yes. And he’s not afraid to say it or show it.

Hanggang ngayon iniisip ko kung kailan kaya darating yung araw na sasabihin mo din yung mga ganung bagay sa’kin. Sana dumating yung araw na kakatok ka sa pinto ng bahay namin, at sa pagbukas ko nun, hindi mo na ko hihintayin na magsalita. Basta mo na lang ako yayakapin at sasabihin kung ga’no mo ko kamahal.

Sana…

Tumayo ako, pinipigilan k na yung mga luha ko. Hindi ko gustong ipinamimigay ako.

OO. Siguro nga hindi ka sa’kin. Pero sa’yo lang ako.

“Papasok na ko. Malamig na kasi eh.” **singhot**

“Papasok ka na agad?”

Tumango ako.

“Friday night ngayon di ba? May usapan tayo.”

“Oo nga. Pero kasi nilalamig na ako.”

Bigla niya kong hinatak paupo ulit tapos inilagay niya yung kanang braso niya paikot sa balikat ko.

“Ano? Okay na ba yan?”

It’s more than okay. This is what I want. You holding me. Feeling your warmth wrapped all around me.

I love you Makoy. And unlike any other girls. I can’t say it in your face and mean it. I can’t say it because I’m afraid of being rejected by you. I’m afraid I might lose you forever.

Inalis ko yung pagkakahawak niya sa ‘kin.

“You don’t have to do that.” Sabi ko sabay lakad papasok ng bahay namin.

Pagdating ko sa kwarto ko, bigla nang pumatak ang mga luha ko.

This love sucks. But still, I’m loving.

He doesn’t love me back. But still, I’m loving.

I don’t think this is what you call soulmate.

Or true love.

Or one great love.

This is just me loving…

And it hurts…

‘coz it’s just me.

Simply Complicated [on hold]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang