"Uy pre! May bago raw edition ng eyeliner yung malapit na mall dito! Tara punta tayo!" Please sabihin mong oo, dahil hindi ako magdadalawang isip na isipin na date natin ito kapag pumayag ka.
"Seriously Baekhyun? Bakit ba gustong gusto mo ng eyeliner? Bakla ka ba?" Ouch. Bakit kung nalaman mo bang bakla ako sayo itatakwil mo ako?
"H-hindi no! i-hapkido pa kita ngayon eh!" pero ang totoo niyan gusto ko lang mahawakan ang abs mo.
"Pero seryoso bakit nga?" agad naman akong kinabahan. Anong isasagot ko?!
"A-ano..secret lang natin 'to ah?" napatingin naman sakin si Chanyeol.
"Ganito kase yun, ginagamit ko ito para mas lalong maging hot ang itsura ko. You know naman na ang dami kong chicks pre diba? Aminin mo inggit ka sa akin" ngumisi naman si Chanyeol sa akin na dahilan ng pagtibok ng puso ko. Omg normal pa ba 'to?!
"Wag ka nga Baekhyun, eh sa akin naman bagsak ng mga chicks mo eh" phew, muntik na akong mabuking kung wala akong naisagot.
"So ano nga? Payag ka ba? Sige naaa pls. Para naman mas makahakot ako ng chicks"
"Psh, sige na nga. Kailan ba?" omg pumayag si fafa yeol! date nanaman namin 'to ayieeee
"Yes! Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis pre eh. Sige sa sabado na lang"
"Tss. Tropa tayo eh, bat hindi ako papayag? Haha" awts. Sakit b3h.
Sabado. Ito na ang araw ng date namin ni Chanyeol. Syempre naglagay ako ng eyeliner para ma-attract siya sakin. Psh bat di na lang niya kase aminin na na-attract siya sa beauty ko kaya niya natanong kung bakit ako gumagamit nito.
"Pre tara na! Ang tagal mo naman!" sigaw ni Chanyeol sa labas ng apartment namin. Oo. Tumitira kami sa iisang bubong. At ako na ata ang pinakamasayang tayo dahik magkatabi kaming natutulog. Kaso nga lang iba ang tingin namin sa isat isa. Tingin niya sa akin bestfriend, tropa, kapatid. Pero ako higit pa doon.
"Eto na pre" sumakay naman kami sa taxi at nang makarating sa mall ay agad ko siyang hinila papunta doon sa make up shop. Hehe hokage ba?
"Miss magkano po itong bagong edition niyo ng eyeliner?" tanong ko sa isang saleslady. Kaso napansin kong grabe ang tingin niya kay Channie ko. Agad namang nagdilim ang aura ko. Tinignan ko yung name tag niya. Kim Taeyeon
"Miss? Saleslady ka diba?" tumango naman siya sakin.
"Oh. Edi ang ibig sabihin nun, aasikasuhin mo akong customer mo dahil trabaho iyon ng isang saleslady. At hindi ang tumitig sa bestfriend ko" mahinahon kong sabi. Hinawakan naman ni Chanyeol ang balikat ko kaya napangiti ako sa loob looban ko.
"Dude, calm down"
"Kalmado pa ako pre" sabi ko sakanya.
Nakita ko namang napayuko yung saleslady kaya tinanong ko na lang ulit kung magkano yung bagong edition ng eyeliner.
"350 per piece po sir" aray ha. Sir talaga?
Perp pakshet. Kulang akong singkwenta. Humarap naman ako kay Chanyeol na hawak ang phone niya.
"Uhm. Chanyeol?" tumingin naman siya sakin.
"Bakit pre?"
"May singkwenta ka ba diyan? Kulang ako eh" ngumiti naman siya sa akin kaya tumalon ulit yung puso ko. Aba may puso palang ganun hahaha
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Tell Me What Is Password
RomantizmMay crush si Baekhyun sa bestfriend niyang si Chanyeol. Sad kase straight si Chanyeol kaya walang balak umamin si Baekhyun hanggang sa nakalimutan niyang kunin ang cp sa lamesa.
